Wishes and Prayers

15 3 0

Isang malakas na tunog ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing kong tulog.

Tinatamad man akong gumalaw, pilit ko pa ring tumayo mula sa higaan ko. Nanalangin muna ako bago ko simulan ang umaga ko.

'Panginoon, ito na po ang araw ng laban ko. Gabayan nyo po kami ha. Bigyan mo po kami ng sapat na talino para sagutan ang kailangang sagutan.'

Inihanda ko na ang sarili ko upang makapunta na ako agad sa lugar na kung saan ako susunduin ng sasakyang papunta sa San Sebastian Academy na kung saan gaganapan ng patimpalak.

"Pa! Alis na po ako!" Paalam ko sa tatay ko bago lumabas ng gate.

"Good luck anak. Galingan mo para manalo ka. Kaya mo yan. Ikaw pa." Dahil sa sinabi ng aking ama, ramdam na ramdam ko ang suporta nya.

"Opo pa," wika ko, "Kayang kaya ko to."

Ika-7:10 ng umaga, nakarating na kami sa venue. Malawak sya, maganda at presko ang hangin. Pinapunta kami sa may gym. Ilang minuto lang, sinimulan na ang patimpalak. Sinabi muna ang patakaran at panuto.

3 na oras pa ang hinintay ko bago ako isalang. Nakakakaba. Nakakanginig ng kamay. Nakakailang ang mga tingin ng ibang estudyante sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba nakita nila kung saang eskuwelahan kami nabibilang.

Kilala ang paaralang pinapasukan ko na may relihiyoso at disiplinadong mag aaral. Hindi ko naman sila masisisi dahil kung titignan nga kami, mukha kaming anghel na nagmula sa langit.

Dumating na ang oras, lahat kami ay pinapunta sa room na kung saan kami sasagot.

Hindi pa dumarating ang evaluator namin kaya nanalangin muna ako.

Hindi pa dumarating ang evaluator namin kaya nanalangin muna ako.

'Panginoon, wag nyo po kaming iiwan. Gabayan nyo po kami. Ikaw na po ang bahal...'

"Good morning." Isang malamig na boses ang narinig ko kaya napa angat ako ng ulo kahit hindi pa tapos ang panalangin ko. Nandito na sya. Mas lalo akong kinabahan nung makita ko ang hawak nyang papel na gagawan naming balita.

"Good morning sir." Tugon namin sa kanya saka nya kami pinaupo.

Nagbigay sya ng konting paalala sa amin, pagkatapos nun ay binigyan na nya kami ng papel at saka lumabas dahil iba ang magbabantay sa amin. Meron lang kaming isang oras para matapos. Kaya to. Madali lang ang ibinigay.

Papatapos na ang isang oras hindi pa ako tapos sa pagsusulat. Nanghihingalo na ang ballpen na ginagamit ko. 'Please, wag kang sumuko.'

"Hintayin nalang kita sa labas." Wika ni Ruben. Nadagdagan pa ang kaba ko dahil natapos na ang mga kasama ko.

"5 minutes." Sigaw ng nagbabantay sa amin. Mas lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko hindi na ako aabot. 'Wala ng pag asa.'

1 minuto bago matapos ang oras, nanalangin muna ako saka ipinasa ko na ang gawa ko. 'Lord, thankyou. Natapos ako.' Bumalik ako sa pwesto ko upang ayusin ang gamit ko. Bigla akong nanghina. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. 'Wala ng pag asa.'

Pagkalabas ko, dumeretso na kami ni Ruben sa lugar na kung saan naghihintay ang mga coach namin.

"Kumusta?" Wika ni Kaira.

Mas bigla akong nakaramdam ng lungkot saka sya niyakap. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tahimik akong napaiyak.

"Napano ka?" Tanong nya. "Umiiyak ka ba?" Umiling ako pero naramdaman nya atang basa ang balikat nya.

"Ayos lang yan, ginawa mo naman ang best mo e." Patuloy pa rin sya sa paghagod ng likod ko, Mas lalo akong napaiyak dahil dun.

Ilang minuto bago nila ako napakalma. Lahat sila masaya, maingay at nagkakatuwaan, samantalang ako pangiti ngiti lang, nananahimik at patango tango.

"Rian, bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Janine. Umiling ako sabay ngiti.

"Alam mo Rian, hindi ako sanay na nananahimik ka. Kaninang umaga nung nasa sasakyan tayo papunta dito, ang ingay ingay mo. Bakit bigla kang nanahimik? Nakakapanibago. Iniisip mo nanaman ba yung kanina?"

"Hindi ko naman iniisip yun." Kasinungalingan. Dahil kanina pa gumagambala sa isip ko iyun.

Ilang oras pa kaming naghintay para sa resulta ng mga nanalo. Ilang oras na rin akong hindi napakali dahil iba ang nararamdaman ko.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nung makita ko ang lalaking paakyat ng stage hawak hawak ang papel.

'Ayan na.'

"Hello? Hello mic test? Okaaay. Ito na ang mga resulta!" Biglang umingay ang mga estudyanteng kanina pa nasasabik sa resulta.

Nasabi na ang halos lahat ng kategorya maliban sa kategorya ko. Nakakainis. Mas lalong humahaba ang kaba ko.

"For the news writing english..." Malapit na ang akin. Pagkatapos ng kategoryang ito, kategorya ko naman.

Napayuko ako at taimtim na nananalangin. 'Lord, please. Kahit nasa 10 place lang ako.'

Hindi ako nakikinig sa announcement.

'Lord, please.'

"And for the first place..." Malapit ng matapos. 'Lord please. Lord.'

"Congratulations! And for the news writing filipino." Hindi na talaga ako mapakali. Bakit parang ang tagal.

'Lord, kahit 10 palang po.'

"For the 10th placer...."

'Lord, please'

"From San Sebastian Academy.. Loraine Gonzales."

Wala na. Wala na akong chance. 'Lord, bakit?'

Natapos ng sabihin ang lahat ng nanalo. Hindi nababanggit ang pangalan ko. Iyak lang ako ng iyak habang nakayuko. Sakabay nito ang bigla buhos ng malakas na ulan.

30 minutes akong nakayuko. Patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha ko sa mukha ko. Ang sakit. Huling pagkakataon ko na to pero hindi man lang ako nanalo.

Natapos ang programa, hindi pa rin ako tumatahan. Nahihirapan na rin akong huminga.

Inalalayan ako ni Kaira papuntang sasakyan. Paulit ulit nyang sinasabi na, "Ayos lang yan, ginawa mo naman ang lahat ng makakaya mo e. Ok lang yan." Pero hindi ako nakikinig.

Nang makasakay na kami sa sasakyan, lahat sila nagkakasaya dahil sa pagkapanalo nila. Samantalang ako, eto nananahimik. Hindi ko ata kayang pumasok sa eskwelahan sa lunes.

Natatanaw ko na ang kanto papasok sa bahay namin. Nandun din ang papa ko, may dalang payong at tila kanina pa naghihintay sa pag uwi namin.

Pagkahinto ng sasakyan, bumaba ako agad. Hindi ko na sya hinintay makalapit sa pintuan upang payungan ako. Agad ko syang niyakap habang umiiyak.

"Napano ka anak?" Tanong nya.

"Pa, natalo ako." Kasabay nito ang pag agos ng luha ko.

Inalalayan nya ako sa paglalakad dahil hinang hina ako.

"Natalo ka lang bakit ka umiiyak?" Tanong nya. Alam kong umaasa syang manalo ako pero hindi niya pinakita ang pagkadismaya. "Maliit na bagay iniiyakan mo."

"Gusto ko po kayong umakyat ni mama sa stage kahit special award lang to." Sagot ko sa kanya.

"Natalo ka man, wala akong paki. Hindi man kami makaakyat sa stage ng mama mo, ayos lang. Proud pa rin ako sayo dahil pinagbubutihan mo ang pag aaral mo. At alam kong binigay mo lahat ng makakaya mo sa laban na yun." pangaral nya sa akin. "Hindi masusukat ng pagkapanalo o pagkatalo mo ang katalinuhan mo. At isa pa, may dahilan ang Diyos kung bakit nangyare yun."

Dahil sa sinabi ng tatay ko, mas gumaan ang pakiramdam ko. Oo tama, may dahilan Siya kung bakit ako natalo. Hindi man ako nanalo, alam kong proud na proud pa rin sa akin ang mga magulang ko.

The Reality (One shot story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!