-sa fac-u -

Andito ako ngayon sa school, one of the most popular sa country, FAC-U! Hindi ko kayo minumura, that stands for Frederick Alcantara Campridge University. Siguro sumikat dahil katunog ng University of Cambridge, oh diba sossy? Though its a Univ, High School student pa lang ako dito at ito ang first day ko. So ayan bababa na ako sa car para makita ang mga new school mates ko.

- school gate ng fac-u -

Nagtitinginan yung mga students lalo na yung mga guys. Dahan dahang nahahawi yung mga tao parang yung dagat lang na nahati ni Moses. Everyone looked so stunned when I passed. Lahat nakatingin, yung iba nalaglag na ang panga. Meron pa nga nabitawan pa yung gamit na dala.

"WAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" at nagsigawan silang lahat. Hindi po dahil sa sobrang sikat at pantasya ako ng kalalakihan sa school na ito. Kundi dahil...

"SI SADAKU!!!!!!!!" sigaw nung mga students sabay nagkandarapa silang pumasok sa kani-kanilang mga classroom. Errr, here we go again, napagkamalan na naman akong si SADAKU, kase naman tong school uniform nila all white tapos anghaba ng skirt. Tapos long hair pa ako and since I am not the type na mahilig mag-ayos, gusto ko lang siya nakalugay kaso most of the time humaharang sa mukha ko.

I noticed this guy na nag-iisa na lang sa school ground ngayon at nakatitig lang sa aken. Since wala akong ibang pwedeng pagtanungan ngayon, I approached the guy and mukhang wala pa ren siya sa sarili niya. Nakanganga lang siya ngayon at nakapako sa kinatatayuan niya. 

"Hi, san ang room 501?" sabe ko sabay hawi ng buhok na nakaharang sa mukha ko. So ayun for the first time nalaman niyang hindi multo ang nakikita niya.

Huminga siya ng sobrang lalim sabay sabing...

"Holy Fudge! Are you an ANGEL?!?! For a while I thought you're SADAKU." maganda na sana yung unang sinabe niya eh kaso nagpanting ang tenga ko dun sa pangalawa. Hindi nakakatuwa grrrrrhhhhh!!!

*BOOOG (sfx ng sinikmuraan)

"AYOKO SA LAHAT... YUNG MAPANGHUSGA!" sigaw ko habang pinagmamasdan siyang gumugulong sa school ground.

Mukhang napuruhan ko yata, namimilipit sa saket ngayon si mokong ee. Awww shoot, nagiging bayolente na naman ako. Bagong school na nga toh tapos sisirain ko ulit ang reputasyon ko? Ayyy sorry po. 

"OMGG I'm so sorry! I just got carried away!" medyo malambing na pagkasabi ko sabay tinulungan ko si guy na makatayo. I knocked his eyeglasses off and then came to realize that he's HOT! Awww, for a while nag-init yung face ko. Nagbblush yata ako, oh no, gwapo pa naman tapos sinaktan ko agad first day pa lang.

"Sorry Miss, sa 501 din ako, hatid na kita dun." ayy ambaet ni kuya. Nagsmile pa siya saken at HOLY COW! Hawigan ni Vic Zhou si kuya lalo kapag nagssmile.

"Sorry talaga, medyo napikon lang ako. Anu nga palang name mo?" tanong ko sa kanya pero hindi siya umimik at hindi siya tumingin. Tapos huminto siya sa tapat ng isang door. 501 yung sign so this is it, my new classroom and this guy must be my classmate then. 

He opened the door and suddenly everyone turned silent. Was it because of me? Hinawi ko na yung hair sa mukha ko ah. Pati yung teacher tumigil sa pagsasalita at tumingin sa amin nung guy na kasama ko. Angawkward naman nito, nakatingin lang sila sa amin. Then the teacher broke the silence.

"Mr. Frederick Campridge III, Good Morning sir! You may take your seat now!" sabe nung teacher sa kasama ko. Angweird parang familiar yung name niya ee. San ko ba narinig yun? OH FUDGE!?!?! Did she just say FREDERICK CAMPRIDGE?!?!

My Imaginary Love [COMPLETED]Read this story for FREE!