My Baby


"Hindi ka ba papasok, anak?"

Tiningala ko ang nag-aalalang si mommy na nakatunghay sa akin. Bumangon ako mula sa kama para maharap sya ng maayos. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng lakas sa katawan dahil sa madalas kung pagsuka. Mabigat din ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin.

"Medyo nahihilo ako, my." Hinawakan ko ang noo ko at marahang pinisil iyon.

"Nag-aalala na kami ng daddy mo. Punta na tayong hospital?" Umupo sya sa tabi ko.

"Hindi na, my. Siguradong flu lang ito." Tanggi ko. Madami na kaming problema at ayoko ng dumagdag pa sa iniisip nila.

"Kung ganoon ay kumain ka man lang. Ipagluluto kita ng sopas." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Sige, my. Mabuti na din iyon dahil wala din akong gana." Humiga ako ulit ng tumayo na sya.

Pero kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay iisang tao padin ang nasa isip ko. It's been a week since I last saw him. Hanggang ngayon ay wala padin akong balita sa kanya. Maging si Kayla ay hindi ko makontak. Wala din akong makuhang balita kay Josh at Rafael kahit naglalagi sila dito sa bahay para bisitahin ako. Malakas ang kutob ko na si Kayden ang may utos sa kanila para gawin iyon. Kaya lang ay hindi talaga nila sinasabi sa akin ang lagay nya.

I miss him so much. I miss his scent and his face. I miss everything about him. at araw-araw kung hinihiling na sana ay ayos lang sya. Napapaiyak nalang ako twing naiisip ko ang itsura nya noong araw na huli ko syang makita. Blood was all over his face. At hindi ko maisip na kayang gawin iyon sa kanya ng sarili nyang ama.

Matuling lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ako. Halos hindi ako makakain at makatulog ng maayos sa kakaisip sa kanya. I can't live without knowing that he's okay. I really want to see him.

Napatalon ako ng kama ng biglang tumunog ang phone ko. Ilang araw na akong naghihintay ng tawag kahit galing man lang kay Kayla. Nag-aalala din ako sa kanya.

Kaya halos manginginig ako ng makita ko ang pangalan nya sa screen. Mabilis ko iyong sinagot.

"H-hello." Nanginginig ang boses ko.

"Xherry..." Halos pabulong na sabi nya. Medyo may nararamdaman akong kakaiba sa boses nya. Sana naman hindi iyon masamang pakiramdam.

"K-Kayla. Kamusta ka? Ayos ka lang ba? Si Kayden? Ayos lang ba sya? Nasaan sya?" Sunod sunod na tanong ko. I'm freaking worried.

"Ayos lang naman ako. Nandito ako sa bahay. Pasensya ka na medyo marami akong ginagawa, e." Sinubukan nyang pasiglahin ang boses nya pero halatang pilit lang 'yon.

"P-Pwede ko bang makausap si Kayden? Please?" Naluluhang tanong ko. Kahit boses lang nya ay ayos na sa akin.

"Tumawag ako sa'yo para sana papuntahin ka dito sa bahay. Gusto kang makausap ni kuya."

Hindi ko alam kung bakit pero sa sinabi nyang iyon parang may lumubog na bahagi ng puso ko. Parang may mangyayaring hindi maganda.

"Sige, Kayla. Pupunta ako." Kasabay 'non ay ang pagpilig ko sa aking ulo. Ayokong mag-isip ng hindi maganda.

Pagkatapos naming mag-usap ni Kayla ay agad akong nagbihis para pumunta sa kanila. Halos hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay mommy dahil sa pagmamadali. Basta ang sinabi ko nalang ay may importante akong gagawin.

Sumakay ako ng taxi papunta sa subdivision ng mga Delafranco. Habang nasa sasakyan ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Bakit kailan pang sa bahay nila kami mag-usap? Siguradong magagalit ang mama nya pag nakita nya ako. Isa pa, siguradong nandoon ang kapatid ko.

When Forever Starts With YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!