Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG

103K 2.1K 633

Chapter Thirty Seven: THE FALL OF HELENA GANG

PRIME POV

Tiningnan ko ang lapida nya at tinanggal ang mga tuyong dahon na tumatakip dito. Mukhang hindi naman napapabayaan ang libingan nya.

Liam Xavier Montenegro

Bahagya akong umupo sa harap nito. Apat na taon na ang nakakalipas simula ng mamatay sya. Kung tutuusin, hindi naman talaga sa kanya nagumpisa ang war na ito, biktima lang din sya ng gulong ito.

Kung nabubuhay ka kaya ngayon, anong sasabihin mo sa katangahan ng kapatid mo? Kailangan bang may mawala pa ulit sa kanya para lang marealize nya kung ano talaga ang nangyayari?

Sawang sawa na ako sa kababantay at pagiging anino ng kapatid mo. Kailan ba sya magigising sa katotohanan?

“I didn’t expect you here”

Napaangat ako ng tingin sa lalaki sa harapan ko. May hawak pa itong sigarilyo na itinapon sa may tapat ko saka tinapakan.

“Skye”

Tumayo ako at humarap sa kanya. Pinagpagan ko din ang pantaloon ko na nadumihan sa pagupo ko.

“Dinalaw ko lang si Ryo tapos dumaan na ako dito…”

Oo nga pala, dito din nakalibing si Ryo, si Sagittarius. I know that time, bago sya mamatay, gusto nya ring sabihin kay Jireh na si Lyra si Bloody Maria pero hindi nya na nagawa pa.

At isa pang pinagtataka ko, wala sa kanya ang mascara nya. Hindi din ako naniniwala na kay Lyra ito.

Tiningnan ko si Skye na nakatitig sa libingan ni Liam.

“Kung may sasabihin ka, sabihin mo na…”

Halata naman kasi sa kanya na may gusto syang itanong pero hindi nya magawang sabihin.

“Wag na, babarahin mo lang ako eh”

Napakunot noo ako sa sinabi nya. Hindi dahil sa mahilig akong mambara, kulang lang talaga sila sa paliwanag at reasoning. Tinatama ko lang ito.

“Ok lang ba sayo ito? Na matapos tayo sa ganito…”

“Sa tingin mo bakit ako nagagalit ngayon? Dahil hindi ok sa akin ang lahat ng ito…”

Pero si Jireh na ang nagdesisyon, sya ang may gusto nito at kahit ano pang sabihin ko at gawin sa aknya, hindi na magbabago ang desisyon nya.

Ilang beses ko na syang binalaan na huwag syang magpapakontrol sa emosyon nya dahil iyun ang kahinaan nya, na iyun ang magpapabagsak sa kanya pero katulad parin ng dati…

Apostle Thirteen: The Return of the QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!