1st day: meeting lance

103 2 0

NJOY!:)

************************************

Kinakabahan siya habang sinipat Sipat ang suot niya. Ngayon lang siya nakapagsuot ng ganoong kagarang uniporme. Naalala ulit niya ang huling usapan nila ng mga Villamore kahapon ng nasa dining area sila para magmeryenda. Na lungkot siya dahil hindi na ulit bumalik si Hans at sabi ng guard sa kanya na umalis daw si Hans ng bahay. Hinanap kasi niya ito ng malamang wala pa si Hans sa dining area. Noon niya lang nakita ang ganong side ng binata at hindi niya alam pero nasanay siyang makita ito laging nakangiti at palabiro.

Tungkol naman sa usapan sa dining area kahapon ay pinaalalahanan ulit siya tungkol sa kung sino dapat siya sa loob ng Villamore University at ka sunod dun ang tungkol sa tago ding pagkakakilanlan sa mga magpipinsan. Sa lahat ng magpipinsan ay si Yvonne daw ang medyo malayo sa kanila pero di naman daw ganun kalayo dahil sa galing lang si Yvonne sa ibang angkan ng Villamore at Villamore din ang dala nitong apilyedo. Ang dalawang magkapatid na sina Patricia at Kyle ay anak naman ni Tito Philip ang kanyang doctor na kapatid ni Tito Federick.

"Ate Erin! Are you ready na?" Hyper naman na tanong sa kanya ni pat-pat. Napa iling iling nalang siya habang napapangiti dahil ilang beses na itong tinanong sa kanya ng dalaga.

"Pat! Why so perky! Ang ingay mo talaga. Kyle Natanong mo na ba kay tita Thereze kung San pinaglihi tong kapatid mo?" Halata sa boses ni Hans na naasar na talaga ito sa makulit na si Pat-pat.

"Don't give me that look pat-pat. Totoo naman kasi dinig na dinig ko sa loob ng kwarto ko. Tss. And stop bothering Erin baka ma stress lang iyong tao sayo." Pang-aasar ni Hans kay pat-pat habang sinasara ang pinto ng kwarto nito. Napangiti nalang siya at nagmadaling pinulot ang gamit niya papasok ng school.

Kinakabahan pero excited naman siyang sa unang araw ng klase nila. Muling sinulyapan niya ang kanyang repleksyon at talaga naman palang bagay sa kanya ang suot niyang maiksing skirt na hindi naman masagwang tignan at isang puting polong tucked in with dark blue ribbons na lose sa harapan instead of necktie. Inayos niya ng kunti ang sintas ng sapatos niya at since hindi pa siya comfortable with heals kaya nag suot nalang siya ng converse na tila sadyang pinagawang terno sa kulay at style ng uniform niyang navy blue. Isinukbit na niya ang bag niya at tinangal sa pagkaka hang iyong blazer niyang color black na may halo ding navy blue sa ilang parte nito gaya ng mangas, botones, kwelyo at laylayan nito. Inayos nalang niya ang pagkaka sabit nito sa braso niya at dahil namaya niya pa ito isusuot at naiinitan siya. Lumabas na siya agad ng makitang dadambahin na sana ni pat-pat si Hans.

"Err. Tapos na ko." Bigla namang natigil iyong dalawa at agad na tumakbo papunta sa direksiyon niya si pat-pat pero buti nalang at nahawakan agad ito sa ulo ng Kuya nitong si Kyle.

"Patricia Loys Villamore. We had a deal remember." Tila pagod na sabi naman ng binata sa kapatid nitong ngayoy ay tila maamong pusa.

"Fine! Let go Kuya. Hindi ko naman aanuhin si ate Erin eh. She's so pretty lang kasi at itatanong ko lang sana kong mataas ba iyong palda niya or mahaba lang talaga iyong legs niya. Hmmp! Tanda." Natawa naman si Hans sa huling sinabi ni Pat-pat sa Kuya niya. "Brat!" Tila inis na sabi naman sabi ni Kyle pero napailing iling nalang ito sa kakulitan ng kapatid nito.

"C'mon I'm hungry. Let's go guys we need to get there as early as possible madami nanaman tayong gagawin." Sabi naman ni Yvonne na kanina pa niya napansing tahimik pero nangingiting nakamasid as kanila. Tumango naman ako at nagsimula na silang maglakad papuntang hagdanan.

"Can we just take the elevator?" Pangungulit nanaman ni pat-pat.

"For Christ sake pat-pat hindi naman ganoon kahaba iyong hagdanan." Walang ganang sabi ni Yvonne sa dalaga na ngayoy nakahalukipkip at nakangusong nauna ng maglakad pababa.

Missing Reflection (on hold/editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!