Marlo P.O.V

"Bakit mo ba kasi naisipan na ipakilala ako na bagong girlfriend mo sa parents mo?!" Naghihisterical na sabi ni Bakeks.

Tss. Ingay nitong babaeng to. Isinuot ko na lang yung headset ko at nakinig. Habang siya naman, dakdak ng dakdak.

Tinext kasi ako ni Mom na isama ko daw pag-uwi si Janella. Nung una ayoko pero nung napag-isipan kong asarin si Janella, pumayag na ako.

"Nakakaasar ka naman?! Sasabihin mo na naman akong girlfriend mo. Tapos........ Nakakabwisit ka talaga!" Sabi niya. Oo rinig na rinig ko, naka volume up na nga yung tugtog ko pero mas malakas pa rin yung boses niya. Tss, para talagang nakalunok ng megaphone to.

"Hoyyyy sumagot ka!!!!!!!" Sabi niya habang tinatapik ako sa braso pero hindi ko siya pinansin, ipinikit na lang ang mata ko at matutulog pero paano naman ako makakatulog kung may kasama kang ganitong nilalang?

"Nakakaasar ka. Yung totoo? Pare-pareho kayo ni.... Sudaka ano? Wala kayong ginawa kundi mahpasakit ng ulo" saktong pagkasabi niyang yun. Nalaglag bigla yung perfume ko sa loob ng kotshe kaya naman namutla siya.

"Hehehehe, sudaka joke lang yung sinabi ko. Hindi ka naman pasakit sa ulo eh. Mahal na mahal nga kita eh, kaya ang kyot-kyot mo!" Sabi niya habang ngumingiti sa perfume.

Yung totoo? Sudaka siya ng sudaka eh sadako naman yun. Tssssss.

Pfffffftttt. Gusto kong kumawala ng tawa. Para siyang tangang nakangiti sa perfume. So talagang paranoid siya.

Madalas siyang paranoid, madalas siyang tatanga-tanga pero matalino pagdating sa curriculum, wala kang masabi sa katalinuhan niya.

"Huyyyy" sabi niya sa akin.

"Ano?!" Naasar kong tanong. Ang lakas lakas ng boses eh.

Sa totoo lang........ May naalala ako kay Janella, yung babaeng mahal ko. Si Julia Montes.

Mahal ko si Julia Montes pero ngayon parang no hard feelings.

Move on na ba ang tawag duon?

Bitter? Gwapo kong to, bitter pa ba ang tawag dun? Wala lang talaga ang  makapantay sa standard ko.

"Huyyyyy" saad naman ni bakeks.

"What the hella you wanted to say?!" Sigaw ko sa kanya.

"Talaga bang balak mo akong ipakilala sa parents mo na girlfriend mo ako, pwede naman sabihin mo na break na tayo?" Sabi niya. So talagang hindi siya mapakali sa 'girlfriend thingy' ha?

"Oo naman, tsaka ikaw lang yung  gusto kong maging girlfriend" sabi ko sa kanya sabay ngiti sa kanya. Agad naman siyang namula. Mapagtripan nga.

"Para sabihin nila na bat ako pumapatol sa mahirap na panget" sabi ko sa kanya. Agad naman nag-apoyan yung mga mata niya.

"Joke lang, basta wag kang maarte. Hindi ka naman maganda" bawi ko sa kanya.

"Tsaka bat ba ayaw mong pumunta?" Tanong ko pa.

"Eh kasi nahihiya ako tsaka iniwan natin si Manolo" sabi niya.

"Ha?! Sino yung Manolo na yun?!" Naiinis kong sigaw. Kaya minsan ayoko kausap tong panget na to eh. Walang ginawa kundi mansinget ng mga lalakeng mukhang paa.

"Si Manolo, hindi mo yun kilala?" Tanong niya sabay ngiti niya.

"Kung kilala ko, itatanong ko ba sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga naman" sabi niya. "Si Manolo yung famous teen actor dito sa Pilipinas" sabi niya sabay ngiti sa akin

"Ah yung kasama mo kanina na mukhang paa, hindi ko kilala yun. Famous pala siya?" Tanong ko kay Janella kaya naman tumango siya.

Infinite Love - HTTYB (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!