For Him...

53 1 0

"May tamang oras at pagkakataon para sa lahat ng bagay..."

Para Sayo,

Palagi ka na lang nasa isip ko. Parang hindi lumilipas ang isang minuto nang hindi ka sumasagi rito...

Noon pa naman ay napapansin na talaga kita.. Malinaw pa sa aking alaala nang unang beses kitang nakasalubong sa may corridor ng eskwelahang iyon..

Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano mo na-agaw ang atensyon ko sa simpleng paglakad lang sa harapan ko...

Itim ang suot mong polo at pantalon noon, at bahagyang nakataas ang iyong buhok.. May suot ka pa ngang hikaw sa kanang tenga mo...

Noon ko naramdaman na tila literal na bumagal ang pag-ikot ng aking mundo at tanging ikaw na lang ang nakikita ng aking mga mata...

Hindi ko napansin na iisa lang pala ang pinupuntahan natin. FACULTY ROOM.

Kasama mo ang iyong ina, at damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya,.  habang  nakikiusap sa iyong mga guro...

Nang oras ding 'yon, doon ko   napagmasdan ng mabuti ang makakapal mong kilay at ang mga nangungusap mong mata na para bang may itinatagong damdamin na nais isatinig...

Umiiyak ang mama mo noon habang kinukwento ang mga pinagdaan mo...

Ayaw mo na raw bumalik sa pag aaral dahil natikan mo na raw kung paano magtrabaho at sumahod...

Napasulyap ka sa akin at nagbaba rin agad ng tingin....

Lumipas ang isang araw at doon ko nakumpirma na nag balik-aral ka na nga.

Pumasok ako sa room at napasin kong sa likod mo napiling umupo.

Nagcheck ako ng attendance alinsunod sa utos ni Mam. Wala ka sa listahan kaya idinagdag ko ang pangalan mo.

Mark Jem D. Espinoza

Umupo na rin ako sa may likuran niyo. At nagsimula ng magdiscuss si Mam.

Tahimik ka lang at panay ang sulat sa iyong mga notebook.

Ganoon lamang ang naging sitwasyon natin hanggang sa hinayaan na ako ng Cooperative Teacher ko na pumasok mag-isa sa section ninyo..

Bilang isang Student-Teacher, sinubukan kong kunin ang tiwala ninyo para maturuan ko kayo ng mas maayos..

Unti-unti ka nang nagsasalita at nakikihalubilo sa iba. Pero may napansin ako. Hindi umaabot hanggang sa mata mo ang sayang pinapakita mo tuwing ngumingiti at tumatawa ka.

Dala ng kuryosidad ko, tinanong kita ng pasimple. Inalam ko sa iba kung bakit ka ganon. At unti-unti ka na ring nagiging close sa akin... Marami ka ng bagay na napagdaaan sa murang edad.. Mas gusto mo pang magtrabaho na kaysa mag aral..

Di nagtagal, nagagawa na nating tawanan ang mga simpleng bagay.. Palagi tayong nagkakamustahan na umaabot ng madaling araw...

Naging malapit na kaibigan kita. Tinuring kitang parang mas nakababatang kapatid katulad ng iba mo pang kaklase..

Hanggang sa nagtapat ka sakin. Sabi mo, 

"Gusto na kita, mali pala, mahal na kita.."

Hindi ko pinansin ang sinabi mong iyon. May nararamdaman man akong iba, hindi pwede. Pareho tayong may karelasyon at kahit hindi official, teacher mo pa rin ako.

Natakot ako sa sasabihin ng ibang tao kapag ginusto kita. Mahal ko sya at ayokong sirain ang relasyon namin.

"Hindi pwede."

"Alam ko, gusto ko lang ipakita sayo kung ano ang totoong ako. Hayaan mong mahalin kita.."

Lumipas ang mga araw at dumating sa panahong kailangan na naming bumalik sa university.

Nagkalabuan kami ng boyfriend ko at ikaw ang nandyan para damayan ako. Wala na rin kayo ng girlfriend mo at gusto mo akong ligawan.

"Hindi pa rin pwede."

Hindi na maipinta ang mukha mo dahil sa mga binitawan kong salita pero nagawa mo pa ring sabihing,

"Hihintayin kita. Promise."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi mo. Hindi sa hindi kita gusto, mahal ko sya at masakit pa.. Ayokong bigyan ng chance ang sarili ko ng magmahal muli dahil nasasaktan pa rin ako..

Nag-graduate na ako at nawalan na tayo ng komunikasyon...

Nag-aya ang klase nyo ng closing party at isinama nyo ako... Noon kita muling nakita.

Doon na rin pala ang huling pagkakataon...

Lumipas na ang dalawang taon at muli tayong nagkaroon ng contact dahil sa best friend mo, nagkaroon ka na daw ng anak..

Nagulat ako..

Nasaan na ang ipinangako mong maghihintay ka?

Marahil masyado akong natagalan para umamin na mahal kita, mali, minamahal kita...

Nahuli na ako, pagmamay-ari ka na ng iba..

Bumalik ako sa dating school ninyo, mag-isa ako sa classroom ng bigla kang pumasok..

Taglay mo pa rin ang dati ng nangungusap mong mata, ang makapal mong kilay, at suot mo pa rin ang hikaw sa kanan mong tenga...

Nagkatitigan tayo hanggang sa nagbaba ka ng iyong tingin...

Tumalikod ka na para lumabas pero hinabol kita..

Niyakap kita...

Gusto kong itanong bakit hindi ka tumupad sa pangako mo..

Bakit hindi mo ako nahintay?

Mahal kita.

Bumalik sakin ang mga alaala natin...

Ang paghatid mo sakin sa faculty, pag abot mo ng kendi sakin kapag nakasimangot ako, pagsabi ng "pahinga ka muna, alam ko pagod ka na", "kaya mo yan, wag panghinaan ng loob", "miss na kita.."

Yung kantang dinedicate mo sakin...

-- Sabihin mo sakin, kailan mali ang pag-ibig? Kailangan bang masaktan pa'ng atingga damdamin..?

Gumanti ka ng yakap at tila, naramdaman ang nais kong iparating sa yakap ko sayo...

Nagsimula na akong lumuha.

"Sorry...."

Yun lang ang salitang hinihintay ko mula sayo...

Nag angat ako ng tingin at nakita kong lumuluha ka na rin...

Masakit man para sa akin pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na mayroon ka ng iba at tayo ay hindi para sa isa't isa....

Nung handa na akong aminin ang lahat, huli na pala..

Akala ko, pagkakataon ko na, wala na pala..

Kailangan ko ng tanggapin na fairytale natin ay nagsimula at nagtapos sa

"Once upon a time.."

Then, reality strikes..Basahin ang storyang ito ng LIBRE!