Chapter 1

31 0 0

A screaming comes across the sky. Everything is wonderful. He's like my mighty warrior waiting to save me from the dark.

At... Biglang bumukas ang mga mata ko, isa lang palang magandang panaginip yon.

Pero paano kaya kung may ibang mga taong nabubuhay sa ibang planeta? Paano kaya kung totoo sila? Adikk na ata ako at kung ano ano ang naiisip ko.

Ako si Catherina S. Alfonso at ang tawag sakin ng mga kaibigan ko ay Cathy. Nagtratrabaho ako bilang isang Fashion and Event Stylist sa Event Pro Advertising Company dito sa Ortigas. Araw araw iba't-ibang company ang nahahawakan ko. Simula sa pag-gawa nang kanilang Company Commercial hanggang sa paghahanap ng damit na sosootin ng kanilang Presidente.

Ohhh my god! Kailangan ko na palang tumayo at baka malate pa ako sa trabaho ko. Nagrerent ako ng isang maliit na kwarto malapit sa pinagtratrabahuan ko. Pero taga-Pampanga talaga ako. Kapampangan ang parents ko at hindi sila nagkulang sa pagpapalaki sakin.

Ringggggggg.... Tunog ng telepono na nasa loob ng bag ko. Nagmamadali kong kinuha ung cellphone ko habang sumusubo ng konti sa kinakain ko.

"Anak! Kumusta kana ken? Nanung gagawan mu kanyan? Kapilan ka muli kening Pampanga? Miss danaka eh. (Anak! Kumusta kana jan? Anong ginagawa mo nyan? Kailan ka uuwi dito sa Pampanga? Miss na kita eh.)" ang sabe ng aking ina.

"Ma, miss na rin kita. Di bale ma at sa sabado uuwi ako jan. Miss ko na po kayo lahat pati si Papa, Ella at Gelo. Ingat po kayo at late na ako. Tawagan po kita ulit pagkauwi ko."

Nagmadali akong bumaba at naglakad patungo sa office. Nasa ika 15th floor yung office namin at ilang minuto nalang at late nako. Nagmamadali akong pumasok nang...

"Catherina!!!"

Lost in Space, Lost in loveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!