CHAPTER 2

3K 298 525
                                                  

Chapter 2

"You should watch the new MV of BTS." Sabi ko kay Neo na ngayon ay ngumunguya ng bubble gum sa tabi ko.

Nagkaroon kami ng group activity at kasama ko roon si Neo, Caroline, Ianne, and Marlon. Magkakaroon kami ng group report at si Caroline at naka-assign as leader.

"Later," sabi ni Neo.

"Ngayon na, you'll be an army after listening! I swear!" Pagpupumilit ko

Tinigna naman muna niya ako at marahang tumango. "Oo, pero mamaya na nga..." sabi niya ulit.

"Ano ba 'yan, wala ka namang ginagawa, e. Papanoorin mo lang." Sumimangot na ako sa kaniya.

Napailing naman siya ng ulo tapos ay humarap kay Caroline. "Carol, alis muna ako. Nakakairita dito." Then he stood up and left.

Napakunot ang noo ko. Nagkibit-balikat na lang ako at inisip na hindi naman siguro ako 'yun.

I was about to talk with Ianne but she stood up and pretended to be busy jotting down some notes.

Nang haharapin ko si Marlon ay sinalpak niya agad ang earphone niya.

Napasimangot naman ako.

Caroline is just watching me, wala siyang sinabi bago umiwas ng tingin at nag-focus na lang sa pag-aral ng report namin.

Tumayo na lang din ako at naglakad patungong  corridor, kung ayaw nila ako kausap, edi h'wag. Hindi ko naman ipipilit, e.

"Nakakairita na talaga siya minsan, why can't she just stop asking us to stan BTS. Choice naman natin 'yun." Napalingon ako sa gilid, hindi kalayuan sa akin.

I saw Neo talking with one of our classmates. He looks annoyed while saying that.

Kahit walang binanggit na pangalan ay alam kong ako ang tinutukoy niyang nakakairita.

Padabog akong naglakad patungo sa pwesto nila, mukhang nagulat sila pareho nang makita ako. I crossed my arms before raising my brow.

"You are annoyed just because of that? Gusto ko lang naman na maging aware ka kung ano ang meaning ng talented. Talented means BTS." Giit ko.

"I'm a fan of NCT, Avery. Why do you have to always ask me to stan BTS. Can't you respect my choice?" Sagot ni Neo bago padabog ding naglakad palayo sa akin. Nag aalinlangan pa ang kaklase naming umalis, pero sa huli ay sinundan niya na rin naman na si Neo.

Napakagat ako sa labi ko at pansamantalang nakaramdam ng lungkot.

"Avery..." kunot-noong hinarap ko si Caroline. Nasa itsura niya ang pagdadalawang isip na lapitan at kausapin ako.

Huminga naman ako ng malalim.

"Why do you keep on doing that?" She asked.

"Doing what?" I asked back.

"Making us like BTS, halos pilitin mo na nga kami." Sabi nito at naglakad pa lalo palapit sa akin.

"I just want you all to appreciate BTS. I mean, why don't you stan them when they are the most talented group in the world of K-POP. They are amazing, Caroline. You all should know that." Lintanya ko at sinandal ang likod sa pader.

"I see..." she slowly nodded her head. "But you shouldn't do that. At the end of the day, it is always our choice to stan whatever group we want. If you think they are talented, then good. Hindi mo naman kami kailangang piliting maniwala na talented sila. Kasi kami rin naman 'yung kusang makakakita non. Let us to be the judge. Hindi mo kailangang piliting maniwala kami sa kung anong gusto mong paniwalaan namin." Aniya at tinapik ang balikat ko.

"Sa ginagawa mo kasi na palagi mong kinukumpara ang BTS sa lahat. Parang imbis magustuhan namin sila ay maiirita lang kami kasi pinipilit ko kami. You are ruining their image to us. Malaki kasi palagi ang epekto ng fandom sa idols nila, kasi kayo 'yung nagrerepresent sa kanila, e. Your fandom are the one who will welcome us... welcome, Avery. Hindi sapilitang pag-stan."

After my conversation with Avery, I realized na mali nga siguro talaga pinag gagawa ko. Whenever I hear someone mention other groups' name, umeepal ako just to say that thy should stan BTS because BTS is better.

Without even realizing that I may offend them. Ang sama ko rin.

Natapos ang report namin na nagsorry ako kay Neo, he said his sorry, too tapos ay naging okay na rin naman agad kami.

"I will watch NCT's MV pag-uwi ko..." sabi ko bago siya binigyan ng matamis na ngiti.

"Talaga? Give me your honest opinion after watching it." Then he smiled back.

"Tara na, Neo." Kunot-noong sabi ni Marlon tapos ay nauna na palabas. Hinabol naman siya ni Caroline at Neo.

"Bukas, Avery, ha?" Then he waved his both hands to me. I flashed my sweetest smile then waved back to him.

Humarap na ako sa gamit ko at nagsimulang ligpitin ito nang makita kong nasa tapat ko na pala si Eliot ngayon.

His brows are almost touching each other dahil sa pagkakakunot ng kaniyang noo.

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi naman siyaa nagsalita at hinarap na lang din ang kaniyang bag.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagligpit na nga ng gamit.

Nauna siyang matapos kaya paalis na siya ngayon.

Unlike how I bid my good bye to Neo, 'di ko kayang gawin din iyon kay Eliot. Hindi naman kasi kami close talaga.

Akala ko ay nakaalis na siya kaso bigla kong narinig ito at nagsabing "What about a smile and wave to me also?"

"Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"You smiled and waved to Neo na para bang ang saya-saya mo. Boyfriend mo ba siya?" Tanong niya.

"Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong ko. "At pakialam mo ba?"

Umigting ang kaniyang panga bago unti-unting nanlamig ang mga titig niya sa akin.

"Ano ba?" Tanong ko.

"Wala, laki mong daga." And then he stormed out.

What the fck is his problem?

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon