Una

2 0 0

Flaire's PO

'Iligtas mo na ang taong mahal ko'

'Iwan mo na ako'

'Mahal ko siya'

'Diko siya kayang mawala'

Napabalikwas ako ng upo at tagaktak ang pawis habang hinahabol ang paghinga , eto nanaman napanaginipan ko nanaman iyon bakit parang totoo , para bang nangyari na

Sinubukan kong alalahanin ang mukha ng mga nagsasalita ngunit hindi ko ito maaninag

Huminga ako ng malalim saka kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan ko

Alas singko palang , alas syete pa ang pasok ko tumayo na ako para makapag ayos ng makapasok na ako

pagkatapos maligo inayos ko na ang uniporme ko at saka itinupi ang dalawang dulo sa may braso itinali ang buhok saka isinuot ang paborito kong sumbrero nagmumukha akong siga dahil dito

Isa nalang ang kulang ang bullet necklace ko , may nagbigay nito saakin hindi ko na nga lang matandaan kung sino , siguro dahil bata pa lamang kami noon at nagkahiwalay na ngunit nakasanayan ko na itong suutin dahil sa tuwing kinakabahan ako kinakagamat ko ito upang mabawasan ng kaonti ang nararamdaman kong kaba.

Naglalakad na ako papunta sa coffee shop tatambay muna ako doon maaga pa naman eh

Pagkatapos umorder humanap ako ng mauupuan ko sa tapat ako ng salamin umupo , ito lamang ang humaharang sa amin ng lalaking nasalabas

Napakunot ang noo ko ng mapagtanto kung sino ito , kumaway ako sakanya at sumenyas na pumasok sya at sinunod naman nya ito

"Bakit ang aga mo ngayon , himala" nakatakip pa ang mga kamay nya sa kanyang bunganga , mistulang nagulat

"Baliw , nagising kasi ako bigla eh nakakainis nga eh"

Tinanggal nya ang suot kong sumbrero at ginulo ang buhok

"Alam mo flaire ang ganda ganda mo ,dapat nag aayos ka ng sarili mo" napatigil ako sa paghigop sa kape ko ng marinig ito galing sakanya

Muntik ko pa nga itong maibuga sakanya eh

Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo sa mukha ko, binatukan ko nalamang sya para maiwasan ang pamumula

"Ay flaire kailangan ko nang umalis susunduin kopa si hannah eh" napayuko ako ng sinabi niya ito saka marahang tumango

"Sige na shooo!" nakisabay ako sa tawa nya upang maiwasan ang pagka awkward pero nawala ang ngiti sa labi ko ng bigla nya akong hinalikan sa pisngi at tumakbo na palayo saakin

**

Napakaingay ng room pagkadating ko, at lalo pang umingay ng dumating ang grupo ni felix

Naglakad sya papunta sa direksyon ko at sinundan naman ito ng tingin ng mga kaklase at kaibigan ko pagkalapit nya saka nya ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa ko saka inilapit ang mukha nya sa mukha ko

Mata sa mata ilong sa ilong yan ang kinalabasan namin hindi ako magpapatalo sa kanya

'Kay felix ako oh'

'sus ako kay flaire! oh eto pera ko ikaw taga hawak'

ayan nanaman ang mga kaklase kong pinagpupustahan kami may kumawalang ngisi sa mga labi nya na para bang iniinis ako pwes hindi na yan uubra sa akin tulad noon mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya ,tumayo ako sa kinauupuan ko habang ginagawa iyon konting tulak pa magdidikit na ang mga labi namin , ramdam ko ang init ng hininga nya ngumiti ako ng sobrang tamis at dahil doon inilayo na nya ang mukha nya

HLNLSHEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!