I: "History Repeats Itself"

68 2 1

September 22, 2016. Morning. Pagkagising ko, tumingin ako sa cellphone ko. 6:30 am na. Tama lang ang gising ko. Sumilip ako sa bintana. Maganda ang panahon. Normal na araw na naman. That means, magiging boring na naman ang araw ko. Sabagay, ano pa bang ineexpect ko. Boring naman talaga ako. Personality ko, hobbies ko. Lahat, boring. Binuksan ko yung laptop. Chineck ko lahat, Facebook, Tumblr. Wala akong Twitter account, well, wala kasi akong hilig doon. After kong maglaptop, bumaba ako agad. Nakita kong naghahanda na ang dad ko ng breakfast. Habang si Tita, nakaupo lang sa sofa. Nanonood ng T.V. At binati ako.

"Good morning Alex. Ba't parang puyat ka? Katext mo na naman girlfriend mo kagabi 'no.", biro ng Tita ko.

"Tita, wala akong girlfriend.", sabi ko, at ngumiti ako sa kanya.

"20 ka na, imposibleng wala ka pa ding girlfriend.", sabi ng dad ko.

"Okay, okay. Maghahanap na ako mamaya.", sabi ko. Pumunta na ako sa dining table, umupo at kumain. Bumaba na din kapatid ko. Dali - dali niyang kinuha yung remote control ng T.V. at linipat niya agad sa news.

"Sorry Tita, pero kailangan niyong mapanood 'to.", sabi ng kapatid ko.

Sabay - sabay kaming tumutok sa T.V. At ang nakita kong headlines, "BREAKING NEWS: CANNIBAL ATTACKS IN AMERICA!"

20 are dead, 35 are wounded. Sa New York daw nangyari. Nakita namin ang mga picture na sobrang nakakadisturb, at napili pa nilang ipalabas 'yan kahit alam nilang madaming nag - aalmusal.

"My oh my! 'Yan na naman ba?", sabi ni tita.

"Kuya! Sabi ko sa'yo. Pwedeng mangyari ulit.", sabi ng kapatid ko.

"Ewan ko ba. Hindi kapani - paniwala, pero, oo nga."

"Parang nung 1998 lang, nung mga bata pa kayo. May nabalitaan ding ganyan. Saan nga ba 'yon, hm, sa Racoon City. Sa America din. Mas matindi 'yon! Ang dami daw namatay. Pero, hindi sila naniniwala sa kwento na 'yon.", sabi ng dad ko sa amin.

Racoon City. Wow. Nung 2012 lang, may nangyari na naman kababalaghan sa America at China. Tao, kumakain ng kapwa tao. Sino ba naman ang maniniwala sa mga ganung balita?

Pagkatapos kong kumain, naligo at nagbihis ako. Habang nagbibihis ako, nakatingin ako sa salamin ko. Ang gulo ng buhok ko, may eyeglasses pa ako. Mukha talaga kong nerd. Tama lang katawan ko. Paano ako magkakaron ng girlfriend kung hindi naman ako attractive?

Past 9 na ako nakaalis. 10 pa naman klase ko kaso, traffic. Patay ako nito. Late na naman ako. Mapapahiya na naman ako sa harap ng mga classmates ko na walang ginawa kundi magpagwapo o magpaganda. Mapapahiya na naman ako sa crush ko.

Nakasakay na ako sa bus. Sobrang traffic na naman. Ang dami kasing tao na nagrarally. Ang daming signboards na nagkalat, pero isa lang ang napansin ko. Karton na may nakasulat na "The End Is Near!" Pula pa yung kulay nung lettering. Wala akong reaksyon.

10:14 na ako nakadating sa school. Late na ako. Tumakbo ako papunta ng classroom ko at. . .

"Mr. Elica. Late ka na naman.", sabi ng prof ko habang nagtatawanan na mga classmates ko.

"Sorry sir. Ang traffic kasi.", excuse ko lagi tuwing nalalate ako.

"Sino ba ang dapat mag - adjust, class? Ang traffic, o kayo?", sabay tingin sakin.

"Sorry sir.", at diretso na ako sa upuan ko.

Lagi na lang akong late. Taga Las Pinas kasi ako at ang school ko, sa Manila pa. Ginusto ko naman din 'to. 'Yon nga lang. Ang traffic. Late ako lagi. Kasalanan ko naman talaga. Late ako magising. Lagi kasing puyat. Mabagal ako kumilos.

Resident Evil: GenesisBasahin ang storyang ito ng LIBRE!