chap 59- locked

11.3K 239 9

MISSA'S POV

nandito na kami sa labas ng Underground kung saan gaganapin ang registration. marami ng sasakyan ang naandito. iyong parking space na nga lang ata namin ang vacant eh. well,maliban na lang talaga sa mga vacant na talaga.

magulo ba?ang sinasabi ko ay iyong mga gang namin. kung naaalala man ninyo,diba nga sila Zevi na lang ang natirang gang ng The Dragon?at ang pinuno ng rank 2 na si Dave.

pero kung iniisip ninyo na hindi na kasali si Dave ngayon. pwes nagkakamali kayo. oo nga at wala na ang gang members niya pero ang alam ko ay may sinalihan siyang ibang gang.

nang huminto na ang motor ni Zevi ay agad na din akong bumaba mula sa pagkakaangkas ko sa kanya. Oo. nga pala. kaya niya rin ako nilapitan kanina ay para maunahan niya daw si Mikhail sa paghatak sa akin sa motor. haha. utak nga naman eh no?

isa isa na ring umimbis ng mga motor nila ang D.E. inilibot nila ang kanilang mga paningin. walang umimik. siguro ay alam na nila ang nangyari sa mga gang namin pero hindi nila alam ang dahilan.

"let's go." tanging sabi ni Zevi at inakay ako papasok. hindi man niya ako hinahawakan ay pinapanatili niya na magkatabi ang distansiya namin.

alam ko sa ganitong paraan pinoprotektahan niya ako.

pagpasok namin doon ay natuon ang atensyon nilang lahat sa amin.

ang iba ay ngumisi ng nakakaloko. ang iba ay tumingin ng nakakamatay pero halos lahat ay parang kalmado lamang.

pitong grupo lang ang nabibilang ko.

"ano bang nangyayari?" hindi napigilang tanong ni Jace. mahina lamang iyon.

"tsk! wag ka nga munang maingay jan. pa-cool dapat muna tayo!" sita ni Yvan.

tss. iyon lang pala ang ginagawa nila kaya pala napapansin ko na medyo ang aangas ng aura nila eh. tss. mga pa-cool. mahangin talaga kanina.

"puro mga baguhan." si Icen

"wala tayong magagawa jan. kung ano mang nangyari sa ibang gang labas na tayo doon. basta ang kailangan lang nating gawin ay ipanalo lahat ng laban." si Zevi.

nagtungo kami sa private room na nakalaan para sa rank 1. simple lang naman ang kwartong iyon. may mahabang lamesa at mga upuan. parang isang kwarto lang kung saan makakapag usap ng pribado ang grupo.

kulang nang isa ang upuan doon dahil sa akin. malamang. kaya sa upuan ako ni Zevi umupo. wala eh. mabait eh. doon ako nakapwesto sa pinaka gitna. kumbaga sa hapag kainan sa pwesto ng ama ng tahanan. siya naman ay nakatayo sa gilid ko at nagsisilbing Butler. de jowk lang!mas gusto ko pa ring Butler si Butler Lee. hehehe

hindi nagtagal ay may kumatok sa pintuan. si Kira ang nagbukas niyon. agad na nagsitayuan ang mga D.E. ng makita ang dalawang taong papasok.

si Butler Lee iyong isa. at isang naka black na jacket na nakasuot ang hood sa ulo nito na umabot hanggang sa noo. naka-itim na pantalon at naka sneakers. may suot din itong Silver na maskara na tulad ng sa D.E. ay mga mata lang ang natatakpan.

"Fujin." si Yvan.

ako lang ang hindi pa tumatayo sa upuan ko ng lingunin ako ng sinasabi niyang Fujin.

"Mi-"

napahinto ito sa pagsasalita ng ilagay ni Butler Lee ang isang kamay nito sa balikat noong Fujin.

tss. ito talagang si Aki. wahahaha.

oo. isa yan sa pinaka-purpose ni Aki kaya siya nagpunta dito. ang humalili sa akin.

THE RISE OF THE DRAGON EMPRESSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!