Part IV

6 0 0

Rafael.

Inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Ano bang pumasok sa isip ko at nasabi ko yun sa kanya? Natatawa na lang ako sa sarili ko kasi ganito pala ako pag inlove. Napapaamin. Nasa gym kami nang makita ko si Ja na may dalang bouquet. Nilapitan ko sya at tinanong, "Ja. Ganda naman nyan parang ikaw. San galing yan? Sino nagbigay?" Sabi nya, Eto ba? Si echo nagbigay sakin nito. Ang sweet nya noh?". Nakaramdam ako ng selos dahil sa nadinig ko. Nililigawan din pala sya ni Jericho. Nakita ko sa mukha ni Ja ang pagkakilig sa lalaking yun. May karibal pala ako kay Janis. Habang naglalakad ako pauwi sa bahay, nakita ko si Bk sa kanto na may kinakausap. Tinignan ko kung sino at nabigla ako nang makita ko ang kausap nya. Si Jericho yung pumoporma din kay Janis. Mas pogi pa ako alam ko yun sa sarili ko. Nadinig ko ang pinag uusapan nilang dalawa ngunit di na ako umimik. Umalis na lang ako pero gusto ko malaman yung totoo. Hindi ko kasi maatim makita yung pumoporma kay Ja na si Jericho. Naiirita ako! Baka kasi dumating yung araw na sagutin sya ni Ja. Kelangan ko syang unahan. Di ako nagdalawang isip na lapitan si Jericho nang umalis si Bk. "Jericho, may tatanong ako sayo." Sagot nya, "Ano yun ha? Tungkol naman saan?" Sabi ko sakanya, "Nililigawan mo ba ang Janis? Pinopormahan mo ba sya ha?" Sinagot nya ako ng pagalit, "Oo bakit masama ba?! Gusto ko sya! Ano naman sayo? Di mo nman girlfriend si Ja ah. Sino ka ba para tanungin ako ng ganyan?! Napakayabang mo naman!" Nagkainitan kami at muntik nang magsuntukan. Nagkakasagutan kami at biglang dumatin ang DG para umawat. Sabi ni Byron, "Hoy tama na yan pre! Awat na." Sabi ni Geloh, "Echo, umalis ka na. Baka maabutan kayo ng mga tanod dito. Paeng tumigil ka na. Hayaan mo nalang sya." Sabi ni Echo na galit na galit, "WALA KAYONG PAKIALAM! BASTA LILIGAWAN KO SI JANIS!!!" Umalis na sya palayo samin dahil sa kagustuhan nyang ituloy ang panliligaw kay Janis. "Ano bang pinag awayan nyo? Si Janis ba? Kung ako sayo iwasan mo na yung babaeng yun. Baka sya maging dahilan ng pagbabago mo." Sabi ni Geloh sakin. Sagot ko naman saknila, "Hindi ako papayag na agawin nya sakin yung babaeng nagpatibok ng puso ko. Wala kayong magagawa. Pabayaan nyo nalang ako sa gusto kong gawin." Umuwi na din ako dahil sa sobrang galit sa Echo na yun. Kinuha ko sa kaibigan ni Ja ang mobile number nya upang makatext ko sya dahil hindi ko matiis na hindi ko sya makausap araw araw. Parang hindi buo araw ko pag hindi ko sya nakikita at nakakausap.

She's Loving the DancerRead this story for FREE!