HCB: CORNERED [Part 2]

2 0 0

Seriously ano bang gustong mangyari ng lalaking to’ andito kami ngayon sa Jeep, after 5 minutes bumaba kami, andito kami ngayon sa business complex na malapit sa University ko may mga fast food chains dito at pumasok kami sa KFC dahil yun nalang ang bukas.

Pumila sya sa counter,

“Anong gusto mo kainin?”  Jin

“Ikaw ng bahala.”

“Di ka pa rin nagbabago, yan parin ang ‘ikaw ng bahala’ pag tinatanong kita kung anong gusto mo kainin.” nakakaloko ang ngiti nya

Suntukin ko kaya mukha ng lokong to, e wala kong gusto kainin e, pinagbibigyan ko lang naman sya dahil naghintay sya ng isa’t kalahating oras sa harap ng University ko. I’m just returning the favor. Kargo de konsensya ko pa. Tss. Tsaka naisip ko wala naman din masama diba?

“Fine. Fries lang, kumain na kami kanina ng dinner e bago mag simula ang last subject ko kaya busog pa ko. ”

“Sure ka? Ayaw mo ng iba? Sige mag rice ako, di pa ko nakain eh.”  Jin

“Yeah, yun lang.”

Psh. Tatanong tanong ka tapos nung sinabi ko na order ko, ay ewan. Fries lang inorder ko para mabilis akong matapos kumain, para di na kami magtagal. Di pa sya nakain? So pake ko, di ko naman sinabe na wag sya mag dinner ah. Paawa ba sya? Di uubra sakin yan Jin. Hindi.

Humanap na ko ng mauupuan habang na order sya, sa totoo lang bakit ganito. Parang magaan ang loob ko. Masaya ba ko? Hindi, imagination ko lang yun kasi inaantok na ko.

Eto na sya naka upo sa harap ko. Kumakain. Sinimulan ko na din kumain ng fries.

“Kamusta ka naman? Tagal nating di nagkita.”  Jin ^^

“Hmm? Ayos naman. Ganun padin.”

Oo, ayos lang dahil nakalabas na ko sa impyernong pinatikim mo sakin nung iwan mo ko. Sabi ko sa isip ko.

“Mukha nga na ayos ka, medyo tumaba ka. Haha” Natatawang sabini Jin

Whaaaaaaaaaat? Ako tumaba? Hmm. Huhu. Oo totoo naman, wala naman kasi akong ibang past time kundi kumain, wifi, mag aral. Since wala akong boyfriend wala akong ibang inaasikaso at minamahal kundi sarili ko. Hahaha. This is life, stress free!

“Alam ko, wala kasi akong boyfriend kaya wala din nagpapa stress sakin.”

Medyo tumawa sya, gwapo padin, kahit na pula ang buhok nya, madaming piercings, at mukang gangster. Wew. Kaya pinagtitinginan kami e, tss.

He came backBasahin ang storyang ito ng LIBRE!