For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

18 months ago..................

Chapter 1

“Gising na ate!” malakas at mariing pagkakasabi niya upang magising ni Christine ang natutulog niyang kambal na si Chrissa.

Tinatawag niya itong ate dahil mas matanda ito ng limang minuto sa kanya.

Nang hindi ito natinag ay niyugyog niya ang magkabilang balikat nito.

“Ate, male-late na tayo.”

“Chris, give me five more minutes.” Bulong nito saka tinakpan ng unan ang ulo.

“Ate naman eh. Bakit ka pa kasi naglakwatsa kagabi? Ayan tuloy napuyat ka.”sermon niya rito.

Pabilinan sa higaan at nagkunwaring walng narinig. At talagang nakikipagmatigasan pa ito sa kanya.

“Ate, sige ka. Isususmbong ko kay papa na nag-bar ka na naman kagabi---“

Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ito at pumasok ng banyo.

Hay, sa wakas nagising na rin. Si papa lang pala ang katapat.

Siyanga pala, hindi pa ako nagpapakilala.

I am Christine Kaye Villanueva, 17 years old, 5’8”, petite, fair and very reserved, taking up BS Accountancy on my third year. Hobby ko ang pagbabasa ng libro and other instructional materials. Valedictorian from elementary to high school at kung tatanungin niyo naman ako nung first year at second year college pa ako…yes, I’m a dean’s lister. Member din ako ng JPIA, debate team and student council.

In other words, I’m a geek, genius; nerd and I have an innate bent of mind, disposition with remarkable aptitude and natural endowment for some special pursuit of character or essential principle and high mental power and faculty.

(A/N: Teka nga, diba pare-pareho lang yun? Pinahaba mo lang.)

Enough of my introduction.

Ipapakilala ko naman sa inyo ang babaeng ginigising ko kanina.

Chrissa Mariel Villanueva, 17 years old, third year Tourism student, my older twin sister, black sheep of the family, 5’7.5”, maganda, maputi, matangkad at sikat.

In other words, beauty queen in the making. Unlike me, she’s friendly, oozing with confidence and sex appeal and happy-go-lucky. Hobby ni ate ang mag-bar kasama ang mga friends niya while ako naman mag-library kasama ang mga books ko.

Nasabi ko na rin ba sa inyo na cheerleader siya ng school namin?

Kung hindi pa, ngayon alm niyo na. At hindi ko na rin mabilang kung ilan ang mga naging boyfriends niya. Halos kalahati dun ay miyembro ng basketball team. Haay!

So, ano? Pasok na tayo ng university?

Second semester na ngayon ng third year ko at next week ay finals na namin tapos bakasyon na sa susunod na buwan. Kaya heto busying-busy akong gampanan ang role ko bilang secretary ng JPIA, representative ng Debate Team at vice-pres ng Student Council.

Inayos ko muna ang aking salamin at tiningnan ang mga papers na nasa table.

May conference si Gino, ang student council president kaya siya ang nakatokang pag-aralan at pirmahan ang mga iyon.  Siya na rin ang magbibigay ng sanction sa isa sa mga basketball players na nakasira ng school property.

Marrying My Twin Sister's FiancéBasahin ang storyang ito ng LIBRE!