Chapter 9: The Plan of two Sides

44 0 0

Madaling araw ngayon sa bayan ng Magiting nang magising si Ren upang mag-almusal, maya-maya't nagbihis rin siya upang puntahan si Reico para magpaturo ng estilo sa pakikipaglaban. .

Pumunta nga si Ren sa tinutuluyan ni Reico at nang makapasok na siya ay pinuntahan niya ang silid ni Reico at kumatok, katok siya ng katok ngunit walang nagbubukas ng pinto kaya't nasabi ni Ren sa kanyang sarili. .

Ren:

-Teka! REICO?? REICO?? (Pasigaw na salita sa harap ng silid habang kumakatok) Anong meron? Tulog pa ba siya???

Maya maya nama'y may isang lalaking lumabas sa isang silid kadikit ng silid ni Reico at napansin ata ng lalaking iyon na kanina pa kumakatok si Ren ngunit walang sumasagot kaya't kinausap niya ito at sinabihang. .

Lalake:

-Bata walang tao diyan!

Ren:

-Wala pong tao?? Umalis po ba? Saan po nagpunta??

Lalake:

-Aba'y hindi ko alam! Basta nakita ko kanina na umalis yung tumutuloy diyan at may kasama siyang isa pang lalake na nakasuot ng kulay itim at may mga ano. . . may mga. . . ano kasing tawag dun??

Ren:

-Hawak na sandata??

Lalake:

- Hindi!!

Ren:

-Armas??

Lalake:

-Ano ba!! Sabing hindi ehh!!

Ren:

-Ehh ano nga po??

Lalake:

- Ano yun. . . yun oo alam ko na, meroon ding mga ginto sa mga braso't binti niya at pati sa mga balikat niya, at gaya nga ng sinabi ko kanina bata, umalis na sila kanina pa, oh sige papasok na ulit ako at may gagawin pa ako.

At papasok na nga bale yung lalake nang biglang nagsalita pa ulit at sinabing. .

Lalake:

-Oo nga pala bata, huwag ka nang gumawa ng ingay dahil wala talagang tao diyan, mabuti pa't hanapin mo na lang sila sa ibang lugar. .

At tuluyan na ngang pumasok sa loob ang lalake samantalang si Ren naman ay iniisip niya kung saan pumunta si Reico kasama ang isang lalake. .

Paalis na bale si Ren ng pagbitaw niya sa hawakan ng pinto ay parang naiwang bukas ni Reico ang kanyang silid kaya't pinasok muna ito ni Ren at naghanap siya sa silid ni Reico kung may naiwang ebidensya kung saan nagpunta si Reico. .

At maya maya ay may nakita siyang isang mapa na nakalagay sa mesa at tinignan niya ito, nang makita na niya ito ay hindi pa rin niya malaman kung saan pumunta si Reico hanggang sa napansin niya ang isang compass na nakalapag sa mapa kaya't kinuha niya ito at nang pagkuha niya sa compass ay may nakita siya sa mapa na isang bilog na nakaguhit sa ilog na malapit sa bayan kaya't naiisip ni Ren na puntahan ang ilog na ito at dinala rin niya ang mapa pati na rin ang compass. .

Habang papunta si Ren sa ilog na ginuhitan ng bilog sa mapa ay si Ulymar naman ay nagsisimula na ng page-ensayo kay Reico na nasa tabing ilog. .

Nagsalita si Ulymar at sinabing. .

Ulymar:

-Reico! Gaya nga ng sinabi ko kanina nung nasa silid pa tayo ay ang gagawin nating page-ensayo ay ang tinatawag na Linked Training at gaya nga rin ng sinabi ko kanina ay magsisimula tayo sa basic na technique.

Ang Alamat ng Maalamat na BayaniBasahin ang storyang ito ng LIBRE!