Chapter 8

565 30 5

Dom's POV





**



"Oliver!" Tawag ko. Patakbo akong lumapit sa kanya. Hindi muna ako sumabay kay Kit pauwi dahil may importante pa akong gagawin sa library.

Huminto naman ito at lumingon sa akin. "Ako ba ang tinawag mo?" Nagtataka nitong tanong.

Ngumiti ako. "Oo." Pansin ko naman na marami itong hawak na libro. "Busy ka ba?"

"Hindi naman, bakit?"

"Talaga? Kung ganun pwede mo ba akong tulungan?" Nakangiti kong wika.

"Tulungan saan?"

"Alam ko kasi na magaling kang mag-drawing at mag-design. Malapit na kasi ang intramurals natin kaya lang wala pa kaming design para sa logo ng mga damit. Ok lang ba kung hihingi ako ng tulong sayo?" Malumanay kong wika.

"T-talaga? Gusto mo ako ang gumawa ng logo?" Parang di naman ito makapaniwala.

"Oo. Ok lang ba?"

Mabilis itong tumango at mukhang masayang-masaya. "Oo naman."

"Thank you Oliver. Tara samahan mo ako sa loob."

"Sige, ibabalik ko rin tong mga libro."

Magkasabay kaming pumasok sa library.

May iilang studyante pa ng nagbabasa sa loob.

"Dito na lang tayo umupo." Wika ko. Pinili kong pumwesto sa unang mesa.

"Sige. Teka ibabalik ko lang to." Tumalikod ito.

Nilabas ko naman ang laptop sa bag ko at umupo. Ang totoo may design na akong napili para sa logo. Pero naisip kong hindi ito gamitin, may mas maganda kasi akong naisip.

"Dom." Umupo si Oliver sa tabi ko. "Ok lang ba talaga na ako ang magdidesign?" Hindi parin ito makapaniwala.

Mahina akong tumawa. "Oo nga."

"Kulit ko ba?" Ngumisi ito. "Sorry excited lang ako. Last year kasi gumawa rin ako ng design pero hindi nila tinanggap. Masaya ako at binigyan mo ako ng pagkakataon ngayon."

"Wala yun." Nagpapasalamat ako kay Kit at nalaman ko na may talent pala ang kaklase nyang si Oliver.

"Mabuti na lang at ikaw ang naging presidente. Siguro kung si Vika yun malamang hindi parin ako mabibigyan ng pagkakataon."

Alam ko, mas pipiliin ni Vika na gumawa ng sariling design kesa magpatulong sa ibang tao.

"Oliver sa tingin ko pareho lang tayo. Gaya mo gusto ko ring mabigyan ng pagkakataon para patunayan ang sarili ko sa iba, pero siguro kahit anong gawin natin hindi nila yun makikita. Alam mo ba kung bakit?"

"Bakit?"

"Dahil pinili nilang hindi tayo bigyan ng pagkakataon. Sa tingin kasi nila sila lang ang magaling at wala tayong lugar."

Hindi ito sumagot at tumingin ng diretso sa mga mata ko na parang sinasabi na naiintindihan nya ako.

Nagbaba ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Alam ko ang pakiramdam." Napatingin ako sa kanya. Maamo ang kanyang mukha habang nakangiti. "Alam ko ang ibig mong sabihin Dom."

Tama nga sila, mabait si Oliver.

Kaya sa tingin ko hindi karapat-dapat si Niki para sa kanya.

Ang dami kong nilunok na masasakit na salita.

Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤Read this story for FREE!