HCB: CORNERED [Part 1]

2 0 0

Last subject ko na, hays. Antok na antok na ko. Kaloka. Di pa ba matapos tong’ si Sir D mag discuss ay wait should I say na mag kwento ng talambuhay nya. Kesyo malakas daw sya kay Mayor,di daw sya nagpapatalo sa estudyante, kaya nya daw ipatumba kahit sino kaya wag syang kakalabanin. O diba anung sense? Kelangan pa ba yun ikwento? Sayang ang 3 units tuition fee dito e. Enebeyen magpa uwi ka nalang ang layo kaya ng bahay ko dito halos isang oras ang byahe.

Nakasabit lang ang bag ko sa harap na chair kaya nakita kong umiilaw ang phone ko, naka silent kasi yoko mapag diskitahan ni Sir D, pag tingin ko, *unknown number calling* kanina pa yan actually mga 1 ½ hour na, ewan ko ba kung sino yan ang kulit pampa lobat tawag ng tawag pag di ako nakapag soundtrip sa byahe dahil sayo isusumpa kita kung sino ka man!

“Okay sige class, yan nalang muna sa ngayon. Magsi uwi na tayo.”, Sir D

Yan ang pinaka magandang narinig ko ngayon araw, hahaha.

Hinintay ko makalabas sila Cess, Mitch, at Venice ng room, pano may sitting arrangement pa dun sa FIL103 kaya lalo ng bored na bored ako wala akong ka chismisan di ko katabi kahit isa sa mga baliw na to. After 328326472 years ayan lumabas na sila, nagpa ganda pa, kaloka uuwi nalang kelangan pa ba nun? Palibhasa ako kanina pa pasimpleng nag aayos habang nasa harap ni Sir D, ahahah. Lagay ako ng polbo sa hanky at pa’simple ko yung ipinupunas sa face ko, diba di halata. Tsaka di ako nag pupunas ng polbo from my hand, ew kaya, kung san san ko inihawak ang kamay ko baka magka pimples ako, kahit na maya’t maya pa ko nag alcohol iba pa din e. Arte. Babae kaya natural na yun. Lol.

“Uwi na kayo?”, tanong ni Mitch.

“Oo naman, bakit Mitch don’t tell me magkikita pa kayo ni Mac?”, tanong ko.

“Hindi ah, gabi na may bukas pa naman.” Mitch habang nag twinkle pa ang mga mata.

Oh diba ang simpleng malandi, edi sya na may jowa. Haha. Palibhasa ako wala, wala, wala. Hahaha. Di naman ako pangit, actually kahawig ko daw si Marian Rivera, yung shape kasi ng face namin, eyes, at lips siguro, maputi din pero di gaya nung kay Marian. Papel na ata balat nun sobrang puti.Pero sya ang pinaka magandang girl for me, napaka bait pa. :3 Baka kasi magtaka kayo kung bakit wala kong BF, it’s my own choice at tsaka gaya ng sinabe ko before malas ako pag dating sa love love na yan.

*ring ring*

Di na naka silent mode ang phone ko, sasagutin ko ba to? Kfine baka mahalaga. Napansin naman ni Venus na parang nag dadalwang isip ako na sagutin.

“Ayaw mo pa sagutin? Baka Mama mo yan.” Venice

Oo nga, baka may ipapabili, baka masama na naman ang pakiramdam. Sinagot ko na.

He came backBasahin ang storyang ito ng LIBRE!