Pang-anim

44 5 23


        Sa isang kwarto, napakalaki at malalaman mo agad na kwarto ito ng isang lalaki pagpasok mo pa lamang. May king size bed na nasa gawin gitna at sa gilid nito ay may isang maliit na cabinet na may kung ano-ano lang ang nakalagay. Mayroon din itong, closet sa gilid sa may tabi ng pinto at may bookshelf sa tabi nito. May mga poster na nakadikit sa mga pader, paramore, linking park, red jumpsuit apparatus, mcfly, secondhand serenade at marami pang iba. Kapansin-pansin din ang isang CD case sa ilalim ng TV cabinet nito.

        "Edi ikaw ng mayaman." Di mapigilang mapatingin si Nickilyn sa loob ng kwarto. "Ano yun?" Bigla naman s'yang napalingon kay Alexander ng bigla itong magsalita. "Ha? Wala. May sinasabi ba ko?" Pagtataray niya.

        "Tss. Minsan napapaisip ako kung tao ka talaga. Magtatanong ba ko kung di ka nagsalita?" tinignan niya lang ito ng masama at hindi na sumagot pa. "Malay ko bang nasabi ko yun ng malakas." Nakabusangot lang s'ya habang nakaupo sa gitna ng kama at nagulat s'ya ng biglang tumawa si Alexander. "Tinatawa mo dyan?"

        "Pwede ba, kung mag-iisip ka sa isip mo na lang? Sinasabi mo pa ng malakas." Napatawa ito ng malakas habang umiiling. Napahawak naman si Nickilyn sa kanyang bibig at hindi s'ya makapaniwala sa narinig. "Putik yan. Nasabi ko ba talaga ng malakas yun? Argh. Kainis."

        "Ho-hoy! Ano yang ginagawa mo?" Napasigaw s'ya ng makita niyang nagtatanggal ng damit si Alexander. "Naghuhubad." Simpleng sagot nito ngunit bago pa niya tuluyang mahubad ang damit ay may unang tumama sa mukha niya at sa gulat ay napamura s'ya.

        "Anong problema mo?" Bulyaw niya kay Nickilyn at ibinato pabalik dito ang unan. "Aray! Bat ka naghuhubad? Hoy! Umayos ka. Wala akong balak gawin yun, well siguro in the future pero hindi sayo!" Sa inis at hiya ay sumigaw na rin si Nickilyn. Pero imbes na mainis ay napangiti si Alexander.

        "Di ko naman inakala na pinagnanasaan mo pala ako." Unti-unting lumapit si Alexander kay Nickilyn habang may kakaibang ngiti sa mga labi nito. "A-ang kapal naman ng mukha mo oy!" Paatras ng paatras naman ito habang pilit na inihahampas sa hangin ang unan na ipinangbato niya kanina.

        Hindi naman sumagot si Alexander at tuloy lang sa dahan-dahang paglapit kay Nickilyn hanggang sa makapatong na ito sa kama at walang sabi-sabi na hinawakan ang mga paa nito. Sa gulat ay biglang napahiyaw si Nickilyn at sinubukan niyang sipain si Alexander ngunit ay biglang kirot ang naramdaman niya ng igalaw niya ang paang na-sprain dahil sa pagkakadapa niya. Bigla namang napaupo si Alexander at hindi niya namalayang sa pagkakaupong yun ay nasagot niya ng hindi sinasadya ang cellphone ni Nickilyn.

        "A-aray!" napahiyaw si Nickilyn sa sakit ng hinawakan ni Alexander ang kanyang paa na na-sprain. "Wag ka kasing malikot!" sigaw naman nito sa kanya habang pilit na hinahawakan ang paa niya at hinihilot ito. "Dahan-dahan lang kasi. Alam mo namang masakit yan eh." nanginginig na sambit ni Nickilyn.

        "Magtiwala ka kasi. Sa umpisa lang naman masakit pagkatapos, sasarap na pakiramdam mo." pang-aalo niya dito. "Si-sige pero dahan-dahan lang muna." At hindi na napigilang mapapikit at mapakagat sa labi na sabi ni Nickilyn habang tinitiis ang sakit na nararamdaman niya. Parang may maliliit na karayom ang tumutusok sa kanya habang minamasahe at iniikot-ikot ni Alexander ang kanyang mga paa. Ngunit ng makalipas ang sandali at parang nasasanay na s'ya ay hindi na niya nararamdaman ang mga karayom na ito at masarap na ito sa pakiramdam.

        Hindi niya mapigilan ang mapapikit at hindi niya namalayan na nakatulog na pala s'ya. "Tignan mo tong babaeng to. Pag-iisipan ako ng masama tapos, matutulog sa kama ko. Tss. Kahit kailan napakaweird nito." Hindi mapigilang mapailing ni Alexander ang mapailing habang dahan-dahan na inilalapag ng maayos ang paa ni Nickilyn sa kama. Napangiti s'ya. Hindi niya alam kung bakit pero tuwang tuwa s'ya kapag napipikon ito. At hindi niya rin alam kung bakit hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi ito inaasar.

        "Siguro, naasar yung lalaking kanina pa nagtetext at tumatawag dito. Di ko naman alam na pupunta talaga to sa bahay. Kakaiba talaga." Tatawa-tawang kumuha ng damit si Alexander at pumunta ng paliguan niya para magshower at magbihis.

Your RainbowBasahin ang storyang ito ng LIBRE!