For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

chapter 1: innocent jade

18 0 0

Jade's POV

Panaginip Lang pala…..pati ba naman sa panaginip ko?  ang malas ko may ganito akong pamilya! May naramdaman akong kurot sa binte ko, si mama pala! Sigaw ng sigaw! Sana magkaroon na lang siya ng cancer sa lalamunan! Para tumahimik na yang talas niyang bibig!

“HOY BATUGAN! GISING NA!” sigaw ni mama sabay kurot sa binte ko.

“Aray ma! Ang aga aga pa e, bakit ba!” iritang tanong ko kay mama.

“Babae ka! Hindi ka dito prinsesa! Aba ha nagrereklamo ka? Ako ang nagpapakain sayo! Walang modo!” sigaw parin niya!

“Andyan na ho! Babangon na!”

Agad na ako bumangon para tumahimik na siya! ang ingay ingay talaga!

“Oo bumangon kana diyan at paliguan mo si junjun!”

Alam ko kung saan pupunta kaya nagmamadali siya! syempre papasok na siya sa school niya! School niyang adik sa sugal!

“Opo mama! Kaya tumahimik kana at umalis na! baka malate kapa sa klase mo!” pabarang sagot ko kay mama

“Anong mamalate ka diyan! Ha?” pagtatanong niya!

“Edi saan pa? Ang daily routine mo! Sa sugalan!” pang gagaya ko sa boses niya

“Ah ganun sugalan? Diyan kayo nabubusog! Kung Hindi ako nagsusugal wala tayo makain! Letse! Wag moko galitin babae ka! Baka mamalasin ako ngayong araw!”

Aba kelan pa kami nabusog? Gutom siguro! Kasi gabi na siya kung umuwi! Walang ginawa buong araw kundi magsugal!

“MAMA! Asan si papa?” pag iiba ko.

“Ang magaling niyong ama ay andun sa sabungan! Walang kwentang lalaki! Nagsisi ako na sa kanya ako nagpakasal! Nagkadaletse letse buhay ko dahil sa kanya!”

Parehas lang naman sila ni papa adik sa sugal e!

“Aalis na ako babae! At ikaw na bahala sa bahay at kay junjun!”

Nakakainis tong nanay ko hindi na niya kami maalagaan, ako na ang tumayong ina kay junjun! At mamaya bugbug sarado na naman ako sa magaling kong ama! Kapag talo kasi yun ako yung pinagbubuntungan ng galit! Ganito na ang tahanan namin puno ng lungkot at pasakit wala ako naalala na may magandang nangyari sa pamilyang ito!

“Uwaaaa-uwaaaaaa”

Napatigil ako sa iyak ng kaptid ko, anim na buwan pa lamang siya at pinabayaan na siya ng mabait kung nanay!

“Teka lang junjun andito na si ate mo, andito na ang gatas mo.”

Napatanga ako dahil nakita ko pang isang timpla na lang ang gatas ni junjun! At wala akong pera! Kailangan ko makahanap ng trabaho! Para makatakas na dito sa  kwentang bahay na to! Kami na lang ni junjun ang sususporta aming mga sarili!

“Aling ninita! Aalis muna ako, iiwan ko lang si junjun sa inyo, eto po yung gatas niya, may kakausapin lang ako.”

Sabi ko kay aling ninita.Tinasan lang ako ng kilay niya

“Pasalamat ka babae ka may utang ako sa nanay mo! At pagsabihan mo yang walang kwenta mong ina, na alagaan niya ang anak niya! Letse! Akin na nga siya!”

hinablot ni aling ninita si junjun.

“Salamat po aling ninita, babalik po ako agad bago maggabi” pagpapaliwanag ko.

“Siguradohin mo lang jade kung hindi pababayaan ko tong kapatid mo mamatay sa gutom!” pagbabanta niya sa akin.

Agad ko tinatawagan ang kaibigan ko, alam ko maraming raket yun!

InnocenceRead this story for FREE!