This chapter will mostly consist Javen’s flashbacks. Nangyari na ito sa mga nakaraang chapters but it will be on Javen’s point of view.

•••

JAVEN

( Book 1~Chapter 33: The Haunt of The Past Love)

I was watching a movie nang tawagan ako ni Rosella. Nag-aya siyang lumabas kaya pumayag na rin ako. Wala din naman akong ginagawa at boring ang mag-stay lang sa bahay. Binilisan ko din naman ang pagbibihis para masundo ko na siya sa kanila.

Hindi agad pumayag si Evie ng ininvite siya ni Rosella na sumama sa amin, kaya hinintay talaga namin ang mga kaklase ni Evie para magpaalam.
Pinilit ni Rose yung kaklase ni Evie hanggang sa pumayag na rin ito.

"Ok". Sabi nung kinausap ni Rose na kaklase ni Evie, pagkatapos ay umalis.

Sumunod naman yung Vin sa kanila, kaya lang...

"Teka". Pagtawag ni Rosella kay Vin at hinabol ito.

"Bakit?". Sabi nung Vin.

Bakit niya pa kasi yun hinabol, pwede namang kami nalang ang lumabas.

"Diba sasama ka sa amin!". -Rosella

"Ha? Hindi na, kayo nalang". -Vin

Oo, tama!!! Kami nalang... wag ka ng sumama.

"No, hindi yan pwede. Ipinagpaalam ko na kayo ni Evie eh, kaya dapat kang sumama sa amin. Tsaka, magiging akward kung si Javen lang ang lalake. Kailangan ni Evie ng date". -Rosella

DATE??? So date to? Eh bakit yan ang kadate ni Evie. Ako dapat Rose...
Ano ba naman yan?

"And kaya mo bang iwan kay Evie lahat ng nandito?", itinaas ni Rosella yung listahan."Sige na please".. -Rosella

Pwede namang ako nalang ang magdala ng bibilhin ni Evie eh...
Chance ko na sana to eh, ano bang plano mo Rose?

Hindi naman sa ayaw, pero hindi ko gusto na kasama namin yung Vin ngayon. I just want to be with Evie, ng kami-kami lang.
Pero wala pa rin akong nagawa dahil napapayag siya ni Rosella na sumama sa amin.

Kaya habang naglalakad kami, kinausap ko si Rose.

"Ba't mo ba pinasama yang kaklase ni Evie? Gusto mo ba talagang sila ang mag-date? Rose, masakit yang ginagawa mo". Oo masakit nga sa puso... Bahala na kong pambading tong nararamdaman ko, pero makita silang magkasama, nasasaktan na ako.

"Chill lang kuya Jave. Pinasama ko siya para may makausap naman ako, ayaw ko namang ma-OP sa inyo. That's why I need someone to talk to. Don't worry, kay Vin ako lalapit para magkaroon ka ng moment with Evie".

"Aah!!! Hahaha. Talaga? Thanks".
Napangiti nalang si Rose sa sinabi ko, maya-maya'y nilapitan niya sina Evie, kaya naiwan akong naglalakad sa harapan nila. Pero nabigla ako ng tinulak niya sa pwesto ko si Evie, Muntik na siyang sumubsob sa sahig, mabuti nalang at mabilis ko siyang nahawakan.

"Ok ka lang?".

"Ahm... Oo. Salamat!". At tumayo na siya. Napangiti nalang ako.

"Evie, sorry!". -Rosella

Hahaha, sinadya niya talaga yun. Thanks Rose... (*^﹏^*)

"Ok lang!". -Evie

Ganun lang kami, si Rose nakahawak pa rin kay Vin at pinaninindigan ang sinabi niyang si Vin ang magiging kasama niya, tinanong niya lang naman ito ng kung anu-ano. Ako naman at si Evie, tahimik lang na naglalakad. Pero kahit na ganun, masaya pa rin ako na kasama ko siya, kahit tahimik lang kami.

Love Comes To Those Who Wait 2: I WaitedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!