For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

CHAPTER TWO

13 0 0

A/N 

Huling linggo na ng Mayo ng napilit ni Mrs. Santillan ang kanyang anak na si Joey na mag-enroll na. Pumunta sila sa Unibersidad na napili ni Joey para makakuha na ng Entrance Exam ngunit gulong-gulo pa rin si Joey kung ano nga ba ang kukunin nyang kurso sa Kolehiyo. Kaya habang naghihintay sya na makapag exam ay inisip na talaga nya kung ano ba talaga ang kukunin nya at napagisip-isip nya na ang kukunin nalamang niya ay Civil Engineer.

===============♀♀===============

“Kaya lang…

Bakit ganito ang grades mo sa English? May pula ka ha? Nako Iha, kailangan din magrunong ka sa English kasi mag-aanalyze kayo ng equation in English form. Yan din ang importante sa Course na kukunin mo.”

Natahimik ako at napaisip.

Hmp kakainis talaga ung teacher ko sa English nung 4th year  (o_O)! Napakawalang konsiderasyon ahaha! Bale nasa 30 plus kaming binigyan nung kumag na yon ng pulang grade sa 4th grading sinabihan pa kami para di raw sya makalimutan letcheng yun! Si Ma’am Eusebio yun eh . Ayun nag suffer ang Section naming sa kanya balita ko nga sa ibang klase na hawak nya rin sa 4th year ay binigyan nya rin ng ganong grades. Mga nasa sampu lang ang ipinasa nya sa Section namin. Sabi nya trip nya lang daw kami ibagsak haha :D biro lang,  sabi nya kasi isa daw kami sa pinakapasaway na mga section at halos wala daw lagi nag rerecite sa kanya. Paano ba naman ang boring nya magturo tapos yung tono nya ng pagsasalita isang nota lang haha nakakaantok pa kasi hapon ang klase naming pag English subject.

“Nako Sir, kinausap ko ho yung Adviser nya halos buong klase nila ibinagsak parang timang din yung teacher na yon alam naman nyang mag kokolehiyo na ang mga bata ginanun nya pa , so hindi na po ba sya pwede sa pagiging Civil Engineering?”

“Kung buo naman ang loob ng bata sa pagkuha nya ng kursong napili nya, bibigyan ko sya ng exemption pag nakapasa na sya sa entrance exam pumunta kayo ulit dito kaso under probation sya kailangan nyang i-maintain ang grades sa 85 kung baba yan di na pwede sa Engineering lipat ka nalang ibang course, yun ang option na ibibigay ko sayo"

Lumipat ang tingin ni mama sa akin.

"Ano kaya mo ba?"

Napasang-ayon nalang ako.

"Opo, kakayanin ko"

Gusto ko ng lumabas hayss, nakakainis din magsalita yung dean medyo mahangin haha. Pagkatapos nun ay agad na akong lumabas tumayo na din si mama at nagpaalam sa dean.

"Ma, tara na uwi na tayo"

"Teka di ka ba gutom?, tara kain muna tayo"

Tumuloy kami sa isang Fast food chain at duon na kumain ng late lunch. Habang kumakain kami ay kinamusta ni mama ang entrance exam ko.

"Nasagutan mo ba ng maayos yung exam mo?"

"Opo sinagutan ko naman"

"3 days daw i-rerelease yung resulta ng na-exam mo"

Tahimik lang akong kumain at hindi na kumikibo pero si mama ay salita pa rin ng salita halos di ko na nga sya maintindihan kasi hanggang ngayon naiinis pa rin dahil naiisip ko parin kung bakit naging ganun yung nakuha kong grade sa 4th year.

Pagkauwi namin sa bahay ay dumaretso ako sa kwarto ko at nagkulong naglaro nalang ulit ako ng mga computer games at inaliw ang sarili ko hindi na ako nagisip pa ng kung ano-ano.

Isang linggo na ang lumipas at kinatok ako ni mama sa loob ng kwarto ko as usual naglalaro na naman ako ng computer games.

"oh papunta ako ng Adamson tara sumama ka na para makapag-enroll ka na"

"ayoko ma masama pakiramdam ko kukunin mo lang naman resulta e, ikaw nalang dito nalang ako sa bahay"

"o sige kumain ka nalang at magpahinga, aalis na ako"

"sige po"

Hindi naman talaga masama pakiramdam ko, pakiramdam ko ayoko nalang talaga pumasok sa pasukan kaya tinatamad na akong pumunta sa school.

Gabi na ng umuwi si mama sa bahay at may mga dalang pinamili, inayos agad namin sa kusina ang mga dala nya.

"Oh Joey pasa ka sa Entrance Exam mo, ilan lang yung pumasa"

Napaisip ako may ibinabagsak din pala sa Entrance exams akala ko wala lang yun.

"Matulog ka na ng maaga ngayon para makapag-enroll na tayo bukas nakapag-inquire na rin ako at nakapag withdraw mag eenroll ka na bukas"

"Hala si mama ayoko"

"at bakit naman ha ayaw mo pumasok?, magagalit sayo Daddy mo"

Nagwalk-out nalang ako at pumasok sa kwarto, di ko namalayan nakatulog nalang ako pagkagising ko ay umaga na at kinakatok na ako ni mama. Wala na akong nagawa kundi kumilos nalang at nag ayos para makaalis na kami. Ng nasa sakayan na kami ng mga jeep ay bigla ko nalang nabangit kay mama.

"Ma, ayoko na sa Adamson dito nalang ako sa malapit satin"

"Eh, saan naman ang gusto mo?, bago-bago ka naman ng isip"

"Di pa naman ako nagdesisyon kung itutuloy ko sa Adamson eh, dun nalang ako sa ACLC Computer Science nalang kukunin ko"

"Sure na ba yan?" tanong ni mama sa akin ng paulit-ulit.

"Opo sure na gusto mo pagkakuha ko ng exam dun mag-enroll na ako agad eh"

Hindi na nagsalita si mama at pumunta na kami sa sa School na sinabi ko. Kumuha ako ng entrance exam sa school na yun at nakuha agad namin yung resulta. Pero nung mag-eenroll na ako ay sinabihan ako ng mga staff dun na wala silang course na Computer Science dahil ang ino-offer lang nila dito ay puro 2 year course lang pang 4 year course kasi ang gusto kong course , di ko naman alam yung mga ganung bagay. Ni-refer kami sa AMA nalang daw ako mag-aral dun may course silang Computer Science. Sa madaling salita hindi nanaman natuloy ang pag-eenroll ko haha.Pinuntahan nalang namin yung sinabi sa amin ng staff dun.

Bumyahe nanaman kami ni mama papaunta namang Dasmariñas papunta sa AMA College.

"Mama, kung saan-saan na tayo napunta wag nalang kasi ako mag-aral ngayong pasukan eh"

"tumigil ka dyan! andito na nga tayo"

Pagkapasok namin sa building may mga nag-asikaso agad sa amin at tinanong kung mag-eenroll ako. Ang bilis ng ngyare hindi na nga ako nag entrance exam, enroll na ako agad nagbayad na si mama ng tuition fee ko.

"Ma, walang exam?" pagtatakang tanong ko.

"ewan ko , nakapagbayad na ako baka wala na nga"

Sinabihan ako ng Registrar dun na pumasok na agad ako kinabukasan dahil huli na raw ako sa klase. Nagtataka ako dahil 2 weeks pa bago mag-start yung klase trimester pala ang school na ito.

"(waaahh!!, ano?!! vacation is over na pala :( pambihira)"

"Ano pong uniform dito?"

"wala kayong uniform dito"

"wow, wala po? "

"Oo wala, everyday wash day kayo"

Akala ko yung suot ni Sarah Geronimo yung uniform ng AMA haha :'D hindi pala.

===============♀♀===============

Yes! Enroll na si Joey!

Please Do Vote and Comment :)

©2014 AKIRA NIKAGOMI

My Girlfriend's FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!