PROLOGUE...

18 0 0

Bitawan niyo ako! Mga hayop kayo! Wala ako kinalaman sa pagpatay sa kanya!

Paglilinaw ko sa kanila! Bakit kasi pumunta pa ako! Letse ka Joaquin! Patay kana nga ako pa yung magbabayad sa pagkamatay mo!

“Miss sa prinsinto kana magpaliwanag”

Galit na sabi ng mamang pulis sa akin.

“Hindi ako sasama dahil wala naman ako kasalanan!” pagpapaliwanag ko sa kanila. Framed up lang ang lahat ng to! mga hayop kayo!”

 Pano na ako dito? Mabubulok na lamang ba ako sa kulungan?

“Miss wag kana magmatigas! Andun ka nung nangyari ang krimen, at ang mga imbedensiyang nakuha namin ay umaayon sa mga gamit na nakuha namin sa iyo, kaya magsalita kana at sabihin muna ang lahat para wala ng gulo

Pagpapaliwanag ng isang pulis sa akin. andito na kami sa prisento.

“Wala nga ako kinalaman sa mga nangyari, lasing ako at nakatulog, nilasing nila ako, at paggising ko may hawak na akong kutsilyo at hindi ko siya pinatay!”

Magsasalita pa sana ako ng biglang may nagsalita.

“Anong kaso niyan?” agad na tanong niya.

“Murder sir” agad din na sagot ng isang pulis.

“Habang buhay na pagkabilanggo pag napatunayan na may kinalaman ka ditto, kaya umamin kana habang maaga pa para maibsan yang kaso mo”

Pananakot niya sa akin

Sinamaan ko lang siya ng tingin

“Wala akong aaminin dahil hindi ako mamamatay tao! Hindi ko siya pinatay!” Pagmamatigas ko

“Sige ipasok niyo na yan habang hindi pa naayos ang kaso niya”

Agad ako hinawakan sa braso ng dalawang pulis at pinasok sa selda.

 “Please wag mo ako hayaang mabulok ditto, maniwala ka hon hindi ko siya pinatay, kilala mo ako grabe ako magalit nagwawala pero hindi ko kaya pumatay ng tao!”

Pagpapaliwanag ko kay jake.

“Walang hiya ka! Akala mo tutulungan ko ang isang criminal!? Pinatay mo ang sarili Kung kapatid! Akala ko nagbago kana? Minahal kita at tinanggap! Lahat lahat linunok ko! Pinagpalit ko ang pamilya ko para sayo! Lahat ng luho mo binigay ko! Lahat lahat jade! Wala akong pagkukulang sayo! Pero ano to ha? Bakit? Bakit mo pinatay ang sarili kung kapatid?! Kriminal ka!!”

Aalis na sana siya pero agad ko hinawakan ang kanya braso.

“Jake mahal na mahal kita! Hindi ko kaya gumawa ng isang bagay na makakasakit sayo! Hindi ko kaya patayin si Joaquin, oo may mga hindi kami pagkakaunawaan at hindi kami magkakasundo, pero hindi ko kayang pumatay jake! Please maniwala ka naman, nag mamakaawa na ako sayo. Hindi ako mamatay tao jake!”

Iyak na iyak lang ako hindi kuna alam ang sasabihin ko, wala ako alam! Walang wala! Bakit ganon ha? Walang naniniwala sa akin?!

“Mabulok ka sa kulungang ito! At lahat gagawin ko para hindi kana makakakalabas sa kulangang ito! Gagawin ko lahat para maging miserable ang buhay mo! Muhi at galit na kalianman hindi na maialis sa aking puso!kaya diyan kana at hintayin ang kamatayan mo! Walang tutulong sa isang criminal na kagaya mo jade! Wala!”

Subrang sakit! Wala na ang lalaking mahal ko, kitang kita ko pano niya ako tinalikuran at tinatapon na basta basta na lang. bakit nangyayari to sa akin ha? Bakit?

“Tapos na ang dalaw, lahat ng dalaw pwede na kayong umalis.” Sabi ng babaeng pulis

“Jake nagmamamakaawa ako sayo! Maawa ka jake! Ikaw na lang ang pag asa ko, please pagnakalabas na ako ditto ipapakita ko sayo na hindi ako criminal na inaakala mo, jake wag moko iwan! Jake jake!”

Wala na bigla niya inalis ang kamay ko sa braso niya at tinalikuran! Nakita ko ngumiti siya ng kunti, anong ibig sabihin ng ngiting iyon?

“JAKE!! Wag moko iwan! jake jake!!!!!!”

 pagpupumiglas ko sa isang pulis na nakahawak sa akin.

“Tara na sa loob tama na yan”

Bigla na lamang ako nawalan ng ulirat!

InnocenceRead this story for FREE!