CHAPTER 3

2 0 0

Chapter 3

Agad akong pumasok sa kwarto ko sa basement ng makita kong papasok na ang mga bisita ni mavylyn.

Isang semilaboratory ang room kung saan puti lahat ang mga gamit mula sa pintura ng dingding, ang kulay ng cabinet at kama ko at iba pa.

Sa gilid ng kama ko may malaking salamin na araw gabi kong nakikita.

Sa bandang kanan malapit sa malaki kong wardrobe may malaking aquarium kung saan nakalagay ang alaga ko.

Bata pa ako kasama ko na si shiloh ang alaga ko.

Regalo sa akin ng dad ko para may kasama daw ako.

Dahil di ako pwede sa mga mabalahibong pet. Mas pinili kong alagaan ang ieang ahas.

Tulad ko puti din ang kulay ng balat ni shiloh.

At sya palagi ang nagpapaalala sa akin na kaylan man ay di ako nagiisa..

(Ssshhhhhh"!!"!")

Nakabulubod sa kamay ko si shiloh dahil magkapariho kami ng kulay hindibsya gaanong napapansin kung hindi tinititigan.

"Alam mo shi... fitst time kong makakilala mg taong hindi natatakot sa akin!!! "

Natural ng pinapalamig ang kwarto ko hanggang 10°

Heto ang comfortable temperature kung saan tumitigil sa pagbibitakbitak ang balat ko at nawawala ang panghahapdi.

"Kailan kaya ako magiging normal?? Imposibli na yata!!!"

Dahan-dahan kong tinanggal ang damit ko habang nakaharap sa salamin.

Isang babad ko lang sa malamig na tubig siguradong matatanggal na ang hapdi at dahandahan ding matatanggal ang naninigas kong deadskin.

Nakalublob ako sa sobrang lamig na tub.

Pakiramdam ko malinis na ako ng makaahon sa tub.

Wala na yung nangangati at mahapding nagbabalat kung balat. naging makinis uli ako di narin mahapdi kapag nagsusuklay ako.

Kailan man hindi na wala sa akin ang paghahangad na magkaroon ng ibang kulay ang buhok ko maliban sa plain white.

May secret door ang kwarto ko palabas ng mansion at sa gabing ito balak kong lumabas muna sa mansion at pumasyal muna.

Ngayong gabi gusto kong maramdaman ang pagiging normal ba tao, normal na babae, at normal na dalaga.

I'm wearing knee length black and red dress na may 3/4 sleeves. Isang special type of dress na hindi makati sa balat.

Hindi ko tinali ang hanggang baywang  na buhok ko at hinayaan ko lang itong sumasabay sa bawat galaw ko. At katulad sa ibang may albinism may blonde din akong buhok.

Hindi ko kinaligtaan na takpan ng black eyebrow ang kilay ko at pati na din ang mga eyelashes ko.

Isang normal na Mia na ang nakikita ko sa salamin.

How I wish na sana ganito nalang ako parati.

*********************************************

THANKS FOR READING

SCARY MIABasahin ang storyang ito ng LIBRE!