Chapter 5:

24 1 2

Alec's POV

At heto ako ngayon, nakatitig kung saan ko naranasan ang unang ligaya at unang kalungkutan sa aking buhay pag-ibig!

Pumunta ako sa may bangkuan ng park upang sariwain ang mga nangyari sa aking buhay pag-ibig. Kahit ganon nagpapasalamat parin ako kay Marie. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko matutunang mahalin si Aley.

Ngunit dahil sa sakit na dulot ng pangyayaring iyon ay natatakot nakong manligaw at pumasok sa isang relasyon. Sa makalalipas na dalawang taon ay muling sumariwa ang pangyayaring iyon. At ngayon nararamdaman ko nanaman ang sakit nang pag-iwan sakin ni Marie. Si Marie na unang nagparamdam ng ligaya at kalungkutan sa aking puso.

Habang ako'y  nakatulala ay may nakita ako at napukaw ang mata ko sakanya. Ito ay si Aley. Ang babaeng kinahuhumalingan ko dahil sa angking simpleng kagandahan at kabaitan.

Muli akong napangiti dahil nakita ko siya. Ang saya ulit nang nararamdaman ko pag nakikita ko siya. Parang buong araw ko sasaya pag makita ko lang siya. Pero natatakot ako pag iniisip ko kung liligawan ko na siya. Yung parang may pumipigil sayo at para bang sinasabi na "Huwag masasaktan ka lang uli" ayan ang bumabagabag sa aking damdamin pag iniisip ko na  yung panliligaw. Haaay. May halong pag ka torpe at takot. Iyan ay bunga ng sakit na dulot ng dating karanasan.

Hoy !Aleeec? Tara na! " sigaw ni Jayvee.

Andyan na pala tong mokong nato. "Ahh.. Oo. Eto na!" Sagot ko sakanya. At tumakbo na ako papunta kay Jayvee.

Jayvee's POV

Heto na ulit ako matapos kong umuwi sa bahay. Hinahanap ko kung nasaan si Alec. ( Lakad.  Lakad. Lakad) at ayun nakita ko na siya.!

Haaayy.. Heto nanaman si Alec! Tulala nanaman sa Lover's Park. Nakakaawa nga yan nung times na iniwan siya ni Marie.

Noon kulang siyang nakitang umiyak ng todo. Kulang nalang ay sundan si Marie sa sobrang pag mamahal nito sa kanya. Sobra siyang nasaktan sa pangyayaring iyon, pano ba naman kase iniwan ng walang pasabi man lang? Naawa ako non sa bestfriend sa panahon na iyon. Yung gusto mung i comfort pero mas pinili ko na mapag isa siya baka kailangan niya ng space. At ayun iniwan ko siya sa university ng mag-isa.

"Hoy! Aleeec? Tara na!" Sigaw ko sa kanya.

"Ahh. Oo eto na!" Sagot nia.

Tumakbo siya papunta sakin. Sabi ko " Nakakain kana o nag stay ka lang doon at tumanga? "

" Gago! Tara na hindi pa! " sagot niya.

Pumunta kami sa canteen at bumili nang pagkaen. Umupo sandili at nagkwentuhan ng kung ano. Nang biglang mapansin ni Alec na 15 minutes nalang eh next subject na namin. Dalidali kong inubos yung pagkaen ko at tumakbo kami sa next classroom namin.

Alec's POV

Pumunta kami ni Jayvee sa canteen para kumain. Nag order at umupo na kami. Nagkwentuhan ng kung ano at napansin ko na 15 minutes na lang ay next subject na namin. Bawal panaman malate dun sa prof namin na un.

"Jayvee? Gago! 15 minutes nalang

dalii!"  Sigaw ko sa kanya.

Dali dali kaming tumakbo papuntang next classroom. At habang tumatakbo kami ay nasa unahan na pala namin sina Aley at si Leah ang bestfriend niya.

Bigla akong huminto dahil baka mabunggo ko sila, at ganun din si Jayvee. Hinihingal kami parehas ni Jayvee. Napansin naman yata nila na may tao sa likod nila at bigla silang lumingon. Sabay sabi ni Jayvee ng: "Hi Leah? Hi Aley! Kaya napasabi na rin ako ng: Hi Aley? Hi Leah?

Kinakabahan ako sa pangyayaring iyon. Syempre sumaya nanaman ako dahil nagawa kong mag "hi" kay Aley.

"Ohh?? Sabay nalang tayong pumasok sa classroom? Tanong ni Jayvee sa dalawa.

"Ayy! Oo naman syempre! Kayo pa!" Sagot ni Leah kay Jayvee.

Ewan ko ba parang may something din kela Leah at Jayvee. Haayy naku! Basta ako masaya ako dahil for the first the first time nakasabay ko si Aley na pumasok sa classroom. At syempre hindi ko pinakita na kinikikilig ako. Eh baka mapansin nila na may pagtingin ako sa isa sakanila. Hahahaha.

Aley's POV

Habang naglalakad kami papuntang classroom ay may narinig kaming parang hinihingal. Pag lingon namen ay sina Alec at Jayvee.

At heto binati kami nilang dalawa. At nag tanong pa kung pwedeng sumabay papasok sa classroom. Syempre si Leah agad tumango palibhasa ay may gusto siya kay Jayvee. Haayy. Si Leah talaga oh. Ahaha.

Alec's POV

Hindi ko alam kung anong saya nanaman ang ang mararamdaman ko dahil sabay kaming naglakad ni Aley papuntang classroom. Si Jayvee ay tinabihan si Leah. Anu pa ba magagawa kung hindi tabihan si Aley. Nang makatabi ko si Aley ay ngumiti lang siya sakin. First time niyang ngumiti sa harap ko ah. At habang naglalakad kami ay tahimik lang siya. Pero sina Jayvee at Leah ayun nagkwentuhan na.

Nang makarating na kami sa classroom ay nandun na lahat at kami nalang ang wala. Halos okupado na lahat ng upuan at ang available na lang ay dalawa sa harap at dalawa sa likod.

Sina Jayvee at Leah ay umupo sa harapan at kami ni Aley ay walang nagawa kung hindi umupo sa likod. Nagkakahiyaan pa kami sa pag-upo dahil first time lang naming mag katabi. At ayun kinikilig ako deep inside. Ahaha!

Hala ayan na pala ung prof namin. Serious nanaman! Haay. Inspirado tuloy akong makinig at matuto ng dahil nakatabi ko siya!

-----------------

    Till next update! Thank You!!

Fear of LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!