~~~Russell~~~



Nakatulala lang ako sa kanya ngayon...


Parang nag-iba yung itsura nya kase yung full bangs nya eh nakagilid na at kulot na yung dulo ng maayos na gupit na buhok nya at may make-up rin sya pero light lang.


Hindi ko mapigilang humanga ngayon sa kanya.


Ngayon lang ako naka-appreciate ng ganda ng isang babae ng sobra to the point na mapapanganga ako.


Marami na kong nakitang magagandang babae noon pero iba yung paghanga ko kay Winter ngayon.


Hindi ko maipaliwanag kung gaano sya kaganda...


"Ahem! Ahem! Baka matunaw ang girlfriend mo wafu. Bahala ka, baka hindi kayo makapagdate nyan." pang-aasar sakin nung baklang nag-ayos sa kanya kaya naman napaayos ako ng tayo.


"Wait Cherry. Is that Winter?" narinig kong sabi nung isa sa likod ko kaya napatingin ako sa kanila.


Ang sama nung tingin nung tatlo kay Winter pero nakita ko na parang malungkot naman yung Sophia.


"Kasama mo ba sya Russell?" tanong sakin nung Cherry.


"Yap. Got any problem?" malamig na tanong ko sa kanya.


"I can't believe this!" sabi pa nung isa.


Nilapitan nung Cherry si Winter at hinawakan nito yung mukha nya.


"So... Ganto ka pala. Maria Clara sa school, slut naman kapag nasa labas na." pang-iinsulto nya kay Winter.


Nangunot naman ang noo ko.


"Stop while I have my patience..." banta ko sa kanya.


"Oy Miss... Wag ka ngang mang-away dito. Nagugulo nyo yung ibang customer!" lumapit sa kanya yung baklang nag-ayos kay Winter.


Tiningnan lang sya ng masama nung Cherry at lumayo naman sya nanahimik na.


Alam ko sa mga bakla, palaban sila pero mukhang nagtitimpi lang sya dahil customer nya tong Cherry na to.


Tumingin na ulit sya kay Winter.


Blank expression lang ang binigay ni Winter sa kanya.


Magpapaapi na naman ba sya katulad nung dati?!


"Wag mong isipin na porket natapalan na yang mukha mo ng make-up eh ikaw na ang pinakamaganda. Nagkukunwari ka pa na parang robot sa school eh ang totoo naman pala eh tinatago mo lang yang pagiging slut mo. Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" nginisian nya si Winter.

Her Emotionless Eyes ✔Basahin ang storyang ito ng LIBRE!