Chapter 14

12 0 0

Jethro's POV

Inactivate na ulit ni Saskia facebook niya. Two hours ago yung status niya na, "Ilang tulog nalang back to my homeland na." Masaya akong malaman na uuwi na siya ng Pilipinas after two years na pagtatrabaho sa Singapore. Kahit wala akong communication sa kanya, medyo updated pa rin ako sa buhay niya. Salamat kay Wella at sa iba pang common friends namin ni Saskia. Nalaman ko kay Wella na may boyfriend na si Saskia. British daw ito. Nalaman ko rin kay Reign na uuwi na si Saskia next month at sasama ito sa Batanes trip. I told Reign na wag babanggitin kay Saskia na alam ko ang mga nangyayari sa buhay niya. Kinausap ko mga kaibigan namin na pag nagtanong si Saskia about me sabihin nila wala na silang balita. Ayoko kasi na sumama na naman loob niya sakin pag nalaman siyang update about sa buhay ko. Sa tamang panahon, sasabihin ko sa kanya ang totoo. Sa tamang panahon, gagawin ko ang lahat just to win her back.Alam ko kung gaano ko siya nasaktan. She doesn't want to talk to me anymore. Ilang beses ako nag try na makipag communicate sa kanya pero laging request decline. She even blocked me on facebook. But since nabasa ko ulit ang latest status niya kahit di kami friends sa FB dahil naka public ito, she must have unblocked me na. Bakit kaya? 

Sasama ako sa Batanes trip pero ang advise ko sa grupo wala silang alam kung sasama ako o kung anong balita sakin. Sa Batanes, doon ko sasabihin ang lahat kay Saskia. Sa Batanes doon ako magpopropose. At sana lang, hindi pa huli ang lahat. Ako na bahala sa nobyo niya. Kakausapin ko si James na ibalik sakin si Saskia dahil mahal na mahal ko ito. Whether pumayag man siya o hindi, kukunin ko ulit ang mahal ko.

After Saskia went to Singapore to work. After a year nabigyan din ako ng career opportunity sa Dubai. Since may experience na ako sa Car Dealing business, I was hired as Sales Manager ng isang company na involve sa car business. Maganda ang offer pati ang trabaho challenging but rewarding. Tinanggap ko ito agad. Nagbabakasakali akong makakalimutan ko si Saskia pag nasa Dubai na ako. Marami akong nakilalang mga babae dun. Iba-iba pa nga ang lahi. I also have few one night stands. And I had a girlfriend. She's  German. She went to Dubai for a business assignment. We've been together for around 6 months pero nung bumalik na siya sa Germany, nakipag break na rin siya sakin. She doesn't want long distance relationship daw. At may fiance na siya na naghihintay sa Germany. I let her go. She was nice but wild. Wala pa rin ako makitang babae na papalit kay Saskia sa puso ko. Iba siya eh. Hindi siya strikingly beautiful like a celebrity. She's a simple typical girl with a big heart full of love. She's fun to be with. Miss ko na yung kakulitan niya at yung mga biro niya na may laman pero nakakatawa. Nag eenjoy talaga ako kasama ang babaeng toh. Sayang nga lang at di kami nagtagal.

Sana magkita talaga kami ni Saskia pag uwi niya ng Pilipinas. Sana bigyan niya pa ako ng isang pagkakataon. Mahal na mahal ko siya at di ko kakayaning mawala siya ng tuluyan sakin, lalo na ang maikasal siya sa iba. 

It Started With A KissBasahin ang storyang ito ng LIBRE!