Chapter 1

34 5 0

Steph:

Yes!!! Meron na naman akong na-hack na account... Yata! Kyaaaaaaaa...

This program is really amazing! Na-hack ko na pala ang servers ng school namin... ibig sabihin I’ll have access on their examinations and test papers... Haha... Pero I have to logout para hindi nila malaman na nakapasok na ako.

Hala... Malapit na akong ma-late... kaya nagmamadali akong bumaba pero wala na akong naabutan.

Madalas na silang wala sa bahay at kung nandito man sila palagi silang tulog. Si mama nalang pala ang matino kung nakakausap. Damn, si kuya nga pala ay meron ng girlfriend na nakatira dito sa bahay. Tama, at natutulog sila sa iisang kwarto... kaya hindi ko na nagagawa ang mga kalokohan ko dati. Haaaaay... hindi ko alam na open minded palas sila.

“Mama umalis na po ba sina kuya?” tawag ko sa kanya.

Bakit walang tao? Asan na ang lahat... makaalis na nga!

Nang makalabas na ako ng bahay ay naabutan ko si Sid... siya ang bestfriend ni kuya na medyo feeling close.

“Isidro! Ihatid mo nalang ako dahil wala ka nang maaabutan sa bahay. Iwan ko ba parang naglaho ang lahat. Kahit si mama ay hindi ko mahagilap. Eh nadoon lang naman sila kanina habang naliligo pa ako.”

“Ah pinasusundo ka nga ng kuya mo eh. Tsaka eto daw allowance mo,” sabi ni Sid sabay abot sa akin ng 500. (O_O),,

Himala... Si kuya magbibigay ng allowance? Hayaan na nga... Wala akong balak na sumakay sa kotse ni Sid pero nakakahiya rin kasi inutusan pa siya ni kuya para sunduin ako. Asan na ba sila?

(Jacksonville University)

Umalis na rin si Sid. Mabuti nalang at hindi talaga niya pinagpilitang ipasok ako sa school. Hehe... malayo pa ang gate ay bumaba na ako baka sabihin pa ng mga kaklase ko na kilala ko siya eh.

“Hi Steph,” sabi ng isang kaklase ko.

Ako nga pala si Steph short for Stepheniele Mendoza... Medyo kasi mali ang pagkakarehistro sa akin kaya mali ang spelling ng pangalan ko. Sabi ni mama it was supposed to be Stephanie pero si papa kasi ang nagrehistro kaya ayon.

I have red hair, big blue eyes, and pale skin. Half-Russian kasi si mama and Half-American naman si papa... Kaya ¼ Russian, ¼ American and 2/4 Filipino ako.

Ngumiti nalang ako kay Mavi short for Maviricks haha... transferee nga pala siya sa school kaya walang gaanong kaibigan. Siya ang weird kong kaklase... tahimik, mabait at medyo baduy. Nakisabay nalang ako sa kanya papasok sa school.

I’m just a simple girl with a weird life and a weird family... I have a very overprotective mom, a stupid dad, and a sleepyhead brother. Pero maraming sekreto pala ang pamilya ko na hindi ko alam. Damn, I was blind the whole time.

“Meron tayong seminar kaya dumiretso na tayo sa AV room,” pagpapaalala niya.

“Hala... Tama,” sabi ko kaya nagmamadali na kaming pumunta doon.

Nang makarating na kami ay nag-uumpisa na ang seminar. Ito pala ay case presentation ng mga Senior students. Medyo late kami kaya sa likod nalang kami umupo. The seniors are talking about their proposed biometrics system para sa mga estudyante. Ibig sabihin strict na daw ang attendance system. Hindi naman kami naka-abot kaya medyo nalilito pa ako sa program.

“Ikaw dyan sa likod? What do you think of this idea?” sabi ng presentor. Medyo mayabang ang presenter na back and fort kung maglakad. Akala niya maganda ang presentation niya.

Sino kaya ang tinatawag niya?

“Ikaw na may salamin at weird manamit,” dagdag ng presentor. Hala si Mavi ang tinutukoy niya.

“Speechless ka diba? Ayan kasi hindi ka nakikinig. Nerd ka diba? Kahit ang mga nerd ay walang takas sa bagon teknolohiyang ito and we created it.”

Pinapahiya ba niya ang kaibigan ko. Damn, he doesn’t have the right to do that.

“This system is complicated kaya makinig kayo!” pagmamayabang niya. Secure? In this world nothing is really secure especially kapag technology ang pinag-uusapan. “No outsiders can even enter the campus if they are not really registered. No one can use the library or even borrow books when this system is implemented.”

Ang yabang talaga! Ma-test nga ang system niya. Hmmmm... hindi naman kumplikado ah!!! It’s just an ordinary biometrics...

“Ikaw miss diba kasama mo kanina ang si Mr. Baduy?” at natuon ang atensyon ng lahat sa direksyon ko. “How dare you text during my presentation... okay lang sana kung maganda ang cellphone mo kaso cheap naman niyan.”

At nagtawanan ang lahat. Napatayo ako dahil sa galit and I think namumula na naman ako. I don’t want to be rude but this guy is pushing me. Kaya pinindot ko na ang button sa phone ko at nag brownout pagkatapos ay bumalik.

“I’m sorry we’re just experiencing minor technical difficulties,” sabi niya na medyo pinagpawisan kasi nagrestart lahat ng kanyang gadgets. Pumunta ako sa gitna at kumuha ng microphone ng isang babae.

Pinagmasdan ko muna siya na i-try buksan ang kanyang laptop. Hahahahaha... hindi niya ito mabuksan dahil na-hack ko na ito.

“This is not a minor technical problem. Ang yabang mo kasi,” sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang microphone. “Hindi talaga ma-open ang laptop mo dahil na-hack ko na siya using my cheap cellphone,” at ipinakita ko sa lahat ang kawawa kong cellphone. Wala akong masayadong kaibigan kaya ang cellphone ko nalang ang bestfriend ko.

“What are you talking about?” bulong niya. “This is my presentation kaya bumalik ka na sa upuan mo!.”

“Kapag nananahimik kaming mga nerd wag kang makialam dahil marami kaming binabalak! Tandaan mo yan!!! LAPTOP OPEN...” sabi ko sa laptop. Hindi ko lang minodify ang kanyang laptop inangkin ko na talaga ito dahil ang boses ko lang ang sinusunod nito.

Sa wakas ay nabuksan na rin ang laptop with matching Hinata background wallpaper... I also changed his icons into cartoons para naman magandang tignan... this is how to hack someone else’s laptop pati ang desktop babaguhin para wala na silang masabi. Inagawan ko na rin siya ng pwesto sa podium kasi nga shock pa rin siya. Kahit ang mga audience ay tahimik pa rin kaya nagsalita nalanga ako.

“LAPTOP GO TO MY DOCUMENTS... OPEN FOLDER BIOMETRICS... OPEN PROGRAM...”

How did I do it? Diba na hack ko na ang school namin? Meron na kasi akong administrator previlidge kaya kaya kong controlin lahat ng gadgets na nakaconnect sa server ng school. Galing diba? Kung gustohin kong magbrownout ay magagawa ko ito. Hehe... para walang pasok...

Namangha sila dahil kusang gumagalaw ang cursur at sinusunod ang utos ko. Naka-open na rin ang biometrics system na panagmamalaki niya.

“This biometrics system na pinagmamayabang mo ay isang ordinaryong biometrics lang na gamit sa mga opisina. Damn, I could reprogram this in just two days!!!”

I’m actually familiar with the scripts dahil naka-hack na ako ng biometrics before...

May isang taong biglang tumayo sa may gitna... What the!!! Nandito pala ang president ng school namin! Hala patay! Lagot na! Malalaman na nila na na-hack ko ang buong university. Huhuhuhu parang ma-eexpel pa yata ako nito.

“Hmmmm... I will not expel you for a serious violation kapag ma-program mo ito within 10 minutes,” sabi niya na nakangiti sa akin. What?????? T___T grabe parang nabasa pa niya ang iniisip ko.

“Lets take a ten minute break,” at nagsi-alisan na ang ibang estudyante. “AYAN MAYABANG KASI,” sabi ni Gurang... that’s how all students call her and she’s also the president of this school.

Ako, Hacker [Repost Lang]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!