when i was

191 6 1

Panda! Para sa bestfriend kong si Janielle 

Play the song first, before reading. When I was your man, bruno mars.

***

Apat na taon ang nagdaan, andito ka parin. Lagi na lang natatandaan. Kahit ayokong magkrus and ating daan, ang pag-ibig ko sayo'y walang hangan. Haay.

-Yuri Mutsuo

~~~

Natatandaan ko pa kung paano tayo nagkita. Unang tapak ko pa lang sa hall, nakita na kita. Sumasayaw. Napakagracefull mo talagang sumayaw. Hindi lang sa pagsayaw kundi rin sa pagsasalita, paglalakad, at pati sa tuwing umiinom ka ng tubig. Nakakatawa diba? Binabantayan ko lahat ng galaw mo noon.

Isa ako sa mga masusugid mong mga manliligaw noon. Napakaraming beses mo na akong binasted, pero di ako natinag. Hinaranahan pa kita ng paborito mong kanta.

Lumipas ang limang buwan ng panliligaw at sinagot mo rin ako. Natatandaan ko pa kung ano ang sagot mo sa akin noon, "Tss. Ang kulit mo naman, Yuri. Sige na nga. Oo na. Tayo na. Pasalamat ka at mahal kita." at kahit na ibinulong mo lang ang huling linya na iyon, pakiramdam ko nabasag ang eardrums ko. Napakaganda non sa pandinig ko. Simula noon, hinahatid't sundo na kita sa inyo. Lagi mo pa ngang pinapatugtog ang kantang hinarana ko sayo noon sa speaker ng sasakyan ko.

Lumipas ang tatlong buwan, na masaya tayong nagdedate, at pumapasyal kung saan-saan. Pinakilala mo pa nga ako sa mga magulang mo. Pero nagulat ako ng pumunta tayo sa sementeryo. Ninyerbyos nga ako, kasi ako akala ko ipapalibing mo ako ng buhay, eh. Hehe.

Jan Montejo at Gabrielle Montejo. Ang mga magulang mo pala yun. At galing doon ang napakaganda mong pangalan na Janielle.

Lumipas tang ilang linggo at tinawagan mo ako. May competition ang sinalihan mong dance troupe at gusto mong manood ako. Ngunit busy ako noong mga panahon na yun eh. 'Pasensya na, babawi din ako.' Sabi ko pa. Nalungkot ka noon. Pero tinawagan mo ako sa gabi't binalitang nanalo kayo. Ang saya saya mo noon.

Habang kumakain tayo sa isang restawran para sa ating monthsary, tinanong mo ako,

"Bakit hindi mo pa ako kailanman binigyan ng bulaklak, Yuri?"

At isang ngiti at kibit-balikat lang ang isinagot ko sa iyo nun. Para sa akin kasi, pampatay lang ang mga bulaklak.

Habang naglalakad tayo sa university, linapitan ka ng isa sa mga kaibigan mo. Binigyan ka niya ng isang imbitasyon para sa birthday party niya. Bakas sa mukha mo ang saya, dahil makakapagsayaw ka nanaman. Ayaw ko talagang sumama doon. Pero pinilit mo ako.

Oo, sumama ako. Inaya mo akong makipagsayaw sayo sa dancefloor. Saktong isang slow music ang ipinatugtog. Umiling ako. Nakakahiya kasi. Napakagaling mong sumayaw, at ako, na kung sumayaw ay aakalain mong tuod. Nalungkot ka noon. Pasensya na. Baka kasi ikahihiya mo ako.

Pitong buwan na tayong magkakasintahan. Malapit na ang finals at kailangan kong magaral ng mabuti kasi hindi masyadong mataas ang mga marka ko.

Habang nagaaral ako, biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Ngunit hinayaan ko na lang iyon. May nagtext, at hinayaan ko ulit yun. Haay, nakakapagod talagang magaral. Dumeretso na ako sa pagtulog dahil sa pagod.

Maaga akong pumunta sa university para makapagaral pa ako sa library. Ngunit may iba ako nadatnan. Sinusubuan ka ng isa sa mga manliligaw mo noon ng pagkain. Kumulo ang ulo ko. Kaya sinugod ko siya at sinuntok. Buti nga sa kanya! Hinarangan mo siya, tila prinoprotektahan sa isang mabangis na hayop. Hindi ako ang hayop dito, Janielle! Siya ang hayop! Ngunit nagulat ako ng nakita ko ang iyong mukha. Napakapula ng iyong mata na para bang may sore eyes ka. At napakalalim ng eyebags mo. Pinilit mong ngumiti sa akin nun kahit nangingilid na ang luha mo. Bakit ka umiiyak, Janielle? Tumalikod ka sa akin at biglang tumakbo. Pakiramdam ko noong mga panahon na iyon, tinakbuhan mo ma rin ako. Pero hindi pa, Janielle diba? Tayo pa rin.

Pero mali ang akala ko. Tuwing sinusundo kita sa bahay niyo, lagi ka na lang nauuna. Pumasok ako sa university at hinanap ka kung saan saan. Nakita kitang naglalakad kasama si Audrey, ang bestfriend mo. Tinawag kita sa pangalan mo. Pero may nauna ng lumapit sayo. Ang hayop. Noong nakita mo ang hayop na yun, biglang lumiwanag ang mukha mo. Linapitan kita. Bakas sa mukha mo amg pagkakagulat ng makita ako.

Ang sakit. Ang sakit sakit pala, Janielle? Pagkalapit na lapit ko sayo ay kinaladkad kita palayo sa hayop na yun. Bakit ka nakikipagusap sa kanya? Ngunit nung dumating tayo sa likod ng university at huminto ako, nagsalita ka bigla.

"Yuri..." paos at pagod ang boses mo ng sinabi mo yun.

Pero narealize ko na ang tagal ko na palang hindi narinig ang napakaganda mong boses. Ngumiti ako sayo. Pero nagulat ako ng bigla ka na lang humagulgol ng iyak.

"Ayoko na, Yuri. Nakakapagod pala magmahal? Yung parang kayo na hindi? Oo, Yuri! Napakaganda ng ating simula natin. Lahat ng mga pangako mo, oo! Tinupad mo, para sa una lang iyon. Natatandaan mo ba noong nagtext at tawag ako sayo noong finals? Hahaha." tumawa ka ng napakapait. "Nakalimutan mo na ba? Monthsary...natin y-yun. Di lang yun. D-death anniversary din yun ng mga m-magulang ko. Naghanda ako nun para masurpresa ka, Yuri! H-hinintay.. kita noon! Ngunit biglang umulan. Hahaha. Ang astig no? Nakikidalamhati ang langit sa nararamdaman ko. Umuwi ako at nagkasakit. Nais ko sanang magpatulong sayo noon kasi diba? Mag-isa na lang ako. Pero busy ka pala... para sa f-finals ... natin. Hahaha."

"Hayyy." huminga ka ng napakalalim at pinahid ang mga luhang lumandas sa mukha mo.

My pride, my ego, my needs, and my selfish ways

Caused a good strong woman like you to walk out my life

Now I never, never get to clean up the mess I made, ohh...

And it haunts me every time I close my eyes

"I'm breaking up with you, Yuri."

***

Natatandaan ko pa nung mga panahong tumalikod ka at naglakad palayo sa akin. Ang sakit sakit. Shit. Mahal na mahal kita noon, Janielle. At labis mo din akong mahal, ngunit binaliwala ko yun dahil sa napakatangang mga bagay. Haay. Ngunit hindi na ngayon ang tamang panahon.

Nagmamaneho ako ngayon papunta sa bahay niyo. Dinig ko kasal na daw kayo ni hayop? I'm happy for you. Lumayo ako para makapagmove on. At sa tingin ko, handa na kitang makita ngayon. Ngayon na masaya ka na sa piling ng iba. Yung lubos na iingatan ka at hindi ipagpapalit sa kahit na ano.

Although it hurts

I'll be the first to say that I was wrong

Oh, I know I'm probably much too late

To try and apologize for my mistake

But I just want you to know

Luminga-linga ako. Ito na nga ang address na nakasulat sa papel. Lumabas ako ng sasakyan para magtungo sa bahay mo. Ngunit nung makalapit na ako sa pintuan ng bahay mo, ay may narinig ako. Ang kantang hinarana ko sayo noon. Napangiti ako.

I hope he buys you flowers

I hope he holds your hand

Give you all his hours

When he has the chance

Binuksan ko ang pintuan niyo. At nadatnan ko kayo ni hayop na nagsasaway na may kasamang bata. Nakakatawa. Hanggang ngayon ay hayop pa rin ang tawag ko sa kanya. Justin naman ang totoo niyang pangalan. Napatingin ako sa mukha mo. Mas lalo kang gumanda ngayon, Janielle. At dahil mukhang napakasaya niyo, nag-iwan na lang ako ng sulat sa may paanan ng pintuan niyo.

Take you to every party

'Cause I remember how much you loved to dance

Do all the things I should have done

When I was your man

Do all the things I should have done

When I was your man

"I'm sorry, Janielle. -Y.M"

Apat na taon ang nagdaan, andito ka parin. Lagi na lang natatandaan. Kahit ayokong magkrus and ating daan, ang pag-ibig ko sayo'y walang hangan. Haay. I still remember it clearly. Those memories when i was your man.

***

Yiiee. First completed one shot! Love you, Jai! :>

When I Was Your Man (One Shot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!