Three

14 2 2

Vacation

Oh gosh! Nandito na naman ako sa boracay, after stepping in into the white sand ay para akong batang tumatalon-talon not minding the curious and mocking look ng mga tao sa paligid.

"Jeez Slut, first time?" Pamela.

"Haha ang cute cute mo CE." Seggrid na hanggang ngayon at suprisingly ay sila pa rin ng boyfriend niyang si Javier.

"Hahaha, whoah! Tara girls bilisan niyo na, maliligo na tayo."

Kinawayan ko sila at agad agad kong hinubad ang Floral dress ko. Hindi naman siguro ako masyadong handa noh? Kasi beneathe my dress ay ang pulang string bikini na binili ko lang kahapon. Narinig ko ang nagsisinghapan na mga tao sa paligid. The hell I care basta maliligo na ako. Kaagad akong lumusong sa dagat at exage na bumuntong hininga. Tiningnan ko ulit ang barkada ko na ngayon ay nakatawa sa inasta ko.

"Sheesh! Hindi uso sa'yo ang jetlag? Really Slut, your unbelievable." Naiwika nalang ni Inggrid habang tinatanggal ang Dior niyang sunglasses.

"OA naman nito. FYI hindi tatalab ang jetlag jetlag na yan na 45 mins na biyahe ng eroplano at sa 2 hours land at sea transpo kung ganyang kaexcited ang tao." Sabi naman ni Seggrid na nginunguso ako.

Hindi ko nalang sila pinansin basta ako sobrang saya ko at nasa boracay na ulit ako. It is our third time na nag-summer vacation dito sa Bora. Every year kasi, kasa-kasama ko ang mga bitch friends ko dito, at sa hotel ni Pamela kami tumutuloy. Yup si Pamela Celestene is one of those lucky whores with billion dollar accounts courtesy ng kanyang filthy rich Daddy. Lucky bitch isn't she?

Nagback stroke ako papunta sa malalim na parte ng marinig ko nalang ang matinis na boses ni Seggred na kanina pa pala tumawag sa akin.

"Jeez Bitch sa hotel ka nalang dumeretso. You know the way naman di ba?"

I nod and nakita ko ang grupong papalayo na sa kinaroroonan nila kanina. I bet they just need quality time to spend with their boyfriends and kay Inggrid? Syempre hanggang dito sa boracay bookworm pa rin.

Napangiti ako sa mga naiisip ko. Why would I lock myself into the hotel room if I could enjoy the pristine water of the sea. This is my stress reliever!

Nag-enjoy na ako ng husto at napapalayo na ako sa shoreline at napunta sa malalim na parte ng dagat when some ill-mannered person na nagjetskie ang muntikan na akong mabangga. Holy sh*t, sa taranta ko hindi ko magawang makailag sa kanya kaya siya na mismo ang lumiko which cause him to fall into the sea. Nahagip ng jetskie nya ang bikini top and so I was topless.

Double sh*t!

"Tangna naman kasi, ke laki laki ng dagat bat naman kasi dito pa naglalangoy sa daraanan ko." uhm di po ako yan, ang nagsasalita yun po yung tarantadung Mama na imbis magsorry dahil kamuntik na akong mamatay pagnasagasaan ng jetskie eh sinisisi pa ako. Wala na atang matinong lalaki na natitira sa mundo, si Allan ko lang.

"Hey tulungan mo nga ako, nawawala ang Rayban ko bigay pa naman yun ni Joyciel, bubungangaan na naman ako nito. Haissst"

"Excuse me! Unang-una huh tarantado ka, muntik na nga ako mamatay tapos yung rayban mo pa ang uunahin mong hanapin, eh yung bikini top ko muna Mister no manners, hahayaan mo akong nakahubad dito. Walang hiya ka!"

Hindi pa rin ako nililingon ng lalaki na busy'ng busy sa kakahanap ng sunglasses niya. Bwisit talaga, di ko naman magalaw kamay ko, kasi itinakip ko sa harapan ko, swerte nya pagnakita niya ang dibdib ko, niknik niya. Walang free silip!

"Miss problema mo na yan, may problema rin ako. Life and death ko ang nakasalalay pagnawala ko yun."

"Anak ka ng nanay mo, talagang idedemanda kita ng kamanyakan Mister pag di mo nakita ang bikini top ko..."

"Oh hayan! To na ang bikini top mo, bungangera ka rin ano ... " Natigilan siya, bigla ba naman sumulpot sa harapan ko mabuti nalang mas pinagsalikop ko pa ang dibdib ko para di niya makita ang mga ito.

Sobrang lapit niya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang sarili ko, sa kulay abo na mga mata ng lalaking, tika familiar siya ahh. Mirroring my confusion.

"Ikaw?" Sabay pa kami ng hinayupak na lalaking walang manners.

Sa lahat ba naman ng tao sa Pilipinas, sa 103 million na meron ang bansa natin siya pa talaga, swerte talaga. Kamuntik na nya makita ang peak ng dalawang bulubundukin ko sa harap pagkatapos niya akong nakawan ng halik. Aba sumusobra na talaga siya.

Sa galit, hinablot ko ang bikini sa kamay niya at dali-daling sinuot. I hastily tied it in its proper place, pero dahil sa taranta hindi ko na mabuhol ng maayos ang ibabang bahagi ng bikini sa likuran ko.

"Let me."

Biglang hinawakan ng talipandas ang kamay ko, in a split of second naramdaman ko ang pagdaloy ng mumunting kuryente na nanggagaling sa daliri niya. Ibinuhol niya ang tali at nasagi na naman ng daliri niya ang balat ko sa likod, which sends another electric shock to my system.

Walang lingong likod, lumangoy ako pabalik sa kung saan ko naiwan ang mga damit at gamit ko.

"Salamat huh! Galing! Ikaw tung nagtatalak sa akin kung paano dapat humingi ng sorry eh ikaw naman tung hindi marunong humingi ng thank-you."

"Oh shut up!" Di napigilang bulalas ko nalang sa kanya.

What the heck had just happened? Sinusundan ba talaga ako ng malas, at ano yung annoying feeling na naramdaman ko ng masanggi ng kamay niya ang balat ko, I felt uneasy.

Dali dali kung pinulot ang damit at gamit ko, isinuot ang floral dress at lakad takbo na nagtungo sa hotel kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko.

"Hey Miss, at least you could give me your name. Hey!"

"Bingi ako! At di ko pinapamigay ang name ko."

Hinarangan ng gwapong kurimaw ang dinaraanan ko, oo aminin ko gwapo nga siya. Kamukha niya si Zac Efron, tan ang kulay ng balat, well toned body, kitang kita ang biceps at triceps pati na rin ang 8 packs na abs. Well, matangos na ilong, thin lips at kulay abo na mga mata.

"Done, checking me out?" I see his brows furrows and after which his naughty smile is now visible in his gorgeous face.

"You wished! Get the hell out in my way, you freak!"

"Hindi ako aalis pag di mo binibigay name mo, ilakip mo na rin pati number mo."

"Assh*le"

"Harsh! Hahahaha!"

Tinignan ko siya ng masama tsaka huminto sa kalalakad dahil hinarangan din naman ng taong to ang daraanan ko.

"Sige ka di talaga kita titigilan hanggang sa marating natin ang room mo, hope ok lang sa kasama mo. Hahaha"

"Emy!"

"What?"

"Aren't you asking my name? My name's Emy so get the hell out in my way."

Effective, naiwan ko siyang nakatunganga. True to his word, hindi naman na niya ako kinulit.

"Nice meeting you Emy, by the way my name's Mike! See you around!"







A Summer ParadiseBasahin ang storyang ito ng LIBRE!