Tapon Mo Sa Tama!

25 0 0

Maaga akong nagising. Himala nga ee. Pag ring nung alarm di ko na inextend ng 5 minutes.

Lalabas na sana ako (nasa labas kasi ng kwarto namin yung cr) para maligo ng mapagtanto ko. Ang lakas ng ulan!

SOBRANG LAKAS TALAGA! Dahil dun, nakansela ang klase. All year levels. Sa wakas! Akala ko excempted na naman ang college.

Mga bandang hapon na, nagyaya si Mama sa SM. Medyo tumila na kasi ang ulan. Hindi para mag shopping kundi para magbayad ng kuryente.

Dahil ako'y likas na ahm, healthy. Nagpabili ako kay Mama ng turon sa tabi-tabi. Tig-isa kami.

Naunang naubos yung sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang tinapon sa gilid ng kalsada yung stick (nilalakad lang kasi namin yung SM mula sa amin). Napagsabihan ko tuloy.

"Isang stick lang naman yun," katwiran pa niya.

"Sa maling lugar mo pa rin tinapon. Period."

Mga 10 steps mula sa kinatatayuan namin merong basurahan. Ang lapit lang.

Napaisip ako. May mga basurahan naman. Kung wala, may choices ka. Bag mo. Bulsa mo. O dalhin/hawakan mo na lang. Mga maliliit na bagay na kung gagawin mo di mo naman ikakasakit. Di mo ikakasama. Di mo ikakamatay.

Bawat pa isa-isang pagtatapon ng basura sa kahit saan, kung tayong lahat ang gagawa. Dadami't-dami yun.

Alam naman ata ng lahat ang kinalabasan ng mga basura pero sige pa rin sa pagpapabaya.

Pag binabaha na o di kaya'y nagkakasakit dahil sa basura daig pa ang pwet ng manok sa kakaputak. Kesyo ganito, kesyo ganyan.

Isisisi na naman sa gobyerno ang kamaliang ayaw tanggapin ng nakakarami na sila ang may gawa.

Seriously people, bakit kaya?

** Heebigat ng topic ngayon!

Tanong Ko LangBasahin ang storyang ito ng LIBRE!