Special Entry

22 0 0

Ang entry ngayon ay walang kinalaman sa Bakit Kaya questions ko. Gusto ko lang i-share. At baka ma inspire kayong ngumiti.

~~~

     Dahil wala yung Advertising teacher namin, lumabas na kami ng mga friends ko sa classroom para kumain ng lunch.

    Napagkasunduan naming dun kumain sa likod ng University kaya dumaan kami sa backgate.

    Papalabas na kami ng makasalubong ko ang CRUSH ko, papasok naman siya.

     Ang mga mata ko ay may deperensya, nearsighted kasi ako. Nung papasok pa SIYA, hindi ko pa klaro nun ang mukha NIYA pero parang familiar na ang bulto NIYA.

    Sa pag aakala kong di SIYA yun, patuloy ko lang siyang tinitigan. Habang papalapit SIYA lalo namang lumilinaw ang paningin ko. At nakita NIYA akong nakatitig sa KANYA!

    Nakakahiya! Aakto sana akong may nakita sa likuran NIYA ng biglang may nagbago sa mukha NIYA.

    Ang straight niyang labi ay biglang naging curve, ipinakita nun ang mapuputi niyang ngipin. Ibig sabihin: NGUMITI SIYA SA AKIN!

     Hindi ko alam ang gagawin tulad nung unang nagkasalubong ang aming mga mata. Hanggang sa nakalagpas na siya sa kinatatayuan ko hindi pa rin ako naka get-over.

    Kahit kailan kasi di niya ako ningitian pero kanina nakita ko ang NGITI niya na para sa AKIN! At nakita ko sa mga mata NIYA nakilala niya ako.

    Masaya na ako kahit one second lang akong dumaan sa isipan NIYA. Hindi kami magkalevel kaya kahit one second lang na naalala NIYA ako out of all the women who go crazy over him, okay na ako dun. Crush ko lang naman SIYA.

    Whole day akong energetic at productive. Hindi nawala sa labi ko ang nakapaskil na ngiti. Kahit nga maliit lang ang score sa exam, mantakin niyo 34/65! Okay pa rin ako.

    Kaya kung sa akala mo ay isang napakaliit na bagay lang ng pag ngiti hindi mo alam na baka kahit buong mundo mabago mo.

    Smile and let it influence others.

   

Tanong Ko LangBasahin ang storyang ito ng LIBRE!