Eight

140 6 0

"Pasensya na kanina Aki. Ang terror kasi ng prof ko nung tumawag ka kaya nataranta na ako."

"Ok lang yun. Sorry din at tumawag ako. Anong oras ba kasi out mo?" Teka nga Aki, akala ko ba dederetso ka na sa pakay mo kay Terrence, ba't ka pa nagtatanong ng schedule niya?

"Six tuwing Tue... Teka nga! Ba't mo ko tinatanong? Oy ikaw ha!"

"Oo nga pala Terrence! Date tayo bukas! Treat ko!" pag-iiba ko sa topic.

"Halaaaaa! Una, tinanong mo ang shedule ko tas ngayon. Niyayaya mo akong magdate Aki?"

"Bingi ka ba? Basta bukas. Puntahan mo ko sa paaralan ko. Alas otso ng umaga. Sharp."

"Ang sakit mo naman magyaya ng date Sugarpie. Lagyan mo naman ng lambing."

Natawa ako sa sinabi niya. Hayyy, kailan ba ako hindi napatawa ng lalaking ito? "Sige na Barnuts. I'll see you tomorrow," pakikisakay ko sa joke niya.

"Ganun ba ako ka cheap Sugarpie? Hanggang Barnuts lang ba ako sa'yo?"

"Oy wag ka Barnuts! Yan ang paborito ko kahit itabi mo pa ang Toblerone at Hersheys, ikaw este Barnuts pa din ang pipiliin ko." Hindi na ata ako nag jojoke?

"Ang sweet naman ng Sugarpie ko! Hahlabyo Sugarpie!"

Natawa ako sa pamamaraan niya ng pag 'I love you'. Teka, ano? I love you?!

"Yucks! Sugarpie? I love you? Ang badoy mo brod!" Narinig ko sa background ang malakas na pagsarado ng pinto.

"Si Drake ba yun?"

"Ah oo, pumasok kasi bigla sa kwarto ko. Bitter yun kasi hindi siya type nung type niya kaya iniinggit ko. Buti na lang sumabay ka. Naka loudspeaker kasi ako."

"Ahh ganun ba?" Nawalan ako ng gana bigla.

Tanga ka ba Aki? Ano pang aasahan mong totoo sa 'relasyon' niyo kung sa simula pa lang palabas na lahat.

"Sige bukas na lang Terrence. Salamat." Binababa ko na ang cellphone.

Binagsak ko ang sarili sa kama. Ano ba tong iniisip ko?!

MaskedRead this story for FREE!