For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Ang Tagaaaaaaaaaaal

25 0 0

      Dali-dali akong bumangon mula sa kama ko. Alas otso yung pasok ko. 6:30 na. 30 minutes pa yung biyahe mula sa amin papuntang school. Mga 10 minutes pang lalakarin mula gate hanggang classroom.

    At dahil may mga kapitkwarto nga kami, syempre may kahati kami sa banyo.

    Pagsilip ko, oy may tao. Kumain muna ako para di sayang yung oras sa paghihintay.

   Pagkatapos kumain, silip ulit. May tao pa rin. Nagtoothbrush muna ako. Kahit patigi-tigi lang yung tubig na umaakyat sa gripo. May gumagamit kasi ng tubig sa banyo. At last nakaraos.

    Silip na naman. Oy meron pa rin. Naghanda muna ako ng susuotin at ng mga gamit. Mga 30 minutes na siguro yun.

    Last na lang 'to. Silip ulit. Putik yan! May tao pa rin!

    Inubos ko na lang ang pabango ko at baby oil para magmukha akong presentable.

    Ang uncomfortable ng di naliligo. Amoy ako ng amoy sa sarili ko. Suklay ako ng suklay sa buhok ko.

   Nakalabas na ako ng apartment ng marinig kong mag-click sa likuran ko. Paglingon ko, ayun tapos na yung bruha!

    Ang TAGAL niya sa banyo.

    Bakit kaya?

Tanong Ko LangBasahin ang storyang ito ng LIBRE!