Such A Huge Ego

39 0 0

      Isang maulang gabi nun. Pauwi na akong bahay galing sa isang supermarket bumili ng makakain ni Mama. Rush hour kaya marami akong kasabay sa jeepney. Studyanteng tulad ko, mga workers, magsyota, senior citizens, mandurukot, at mga maniac.

    Dahil alam kong traffic, I fished out my headset at nakinig ng music.

    Pero di pa rin nun napigilan ang pag-uusap ng mga katabi ko at kaharap ko. Naririnig ko pa rin sila.

    Sabi nung lalaki: Yun nga ee, buti may picture ako kundi matatalo ako sa kaso. Nasa maling lane kasi ako pero dahil ako ang may ebidensya ako yung nanalo. Sa akin kasi binase nung mga pulis. Walang naipakita yung kalaban ko ee. Mali din kasi siya kasi mabilis yung takbo niya."

     Reply nung matanda: Mabuti naman yun. Buti din at wala kang masyadong galos.

    Natahimik sila ng mga 5 minutes. At na ulit na naman.

   Sabi nung lalaki: (repeat sabi nung lalaki)

    Tumango na lang ang matanda.

    Silence for 5 minutes na naman. Tas nagsalita na naman yung lalaki.

    Repeat sabi nung lalaki.

   Di na ata nakinig yung matanda.

   Naisip ko, napatunayan na nung lalaki na matalino, malakas, at kung ano-ano pang adjectives na gusto niyang mapatunayan niya, paulit-ulit pa rin siya sa kakasatsat.

    Para bang sinasaksak niya ang ideyang magaling talaga siya, hindi lang sa matandang kausap niya kundi pati rin sa lahat ng pasahero at sa driver.

    Bakit kaya?

   

Tanong Ko LangBasahin ang storyang ito ng LIBRE!