Seven

129 5 0

"Hija?"

"Yes Mom?"

"Mag absent ka bukas."

"Ho? Ba-bakit?"

"Pupunta tayo sa hacienda ng mga Jalandoni. Nagyaya kasi ang Tita Connie mo."

Si Concepcion Jalandoni ang maybahay ng isang sikat na doctor sa Pilipinas. Isa ring kilalang socialite. Isang 'amiga' ni Margarette.

"Bakit kailangan ko pang sumama, Mom?"

"Napagkasunduan kasi ng mga amiga ko na dalhin ang kanya-kanyang mga anak na puros mga babae. Parang isang maliit na get-together lang."

Get-together my ass! Iisipin ko pa lang na makakasama ko ang mga spoiled brats na mga anak ng mga amiga ni Mama, naglulupasay na ako sa diri. I shrugged at that thought.

"Mom, I can't."

"Why, baby?"

"Because... because, I have something to do.. Atsaka importante kasi yun."

"School matters ba? That can wait," she dismissed me so easily.

"Hindi po, something.. something more important than school."

"Meron ba?" Nakataas ang perfect nitong kilay.

Ang skateboarding ko, of course! Pero syempre di ko pwedeng sabihin yun. "May... may..." Ano ba kasi ang alibi ko? Isip! Isip!

"Anong meron Jacquiline?"

"May date ako. Kay Terrence." Pikit-mata at suntok sa buwan kong alibi. Sana gumana.

"Oh baby!" Naramdaman ko ang pagyakap ni Margarette sa akin. "Dalaga ka na!"

Pasimple akong kumalas. "M-mom, naka oo na kasi ako kay Terrence. I think its very rude to..." Nag-acting ako ng konti.

"Oh hija, don't mind me. Enjoy your date tomorrow. And please I want proof ha? Send me pictures."

Pictures!? Naman! Kailangan ko pala talagang makipagkita kay Terrence. Somehow that idea excites me. "Of course Mom. Enjoy your trip tomorrow."

Umakyat na ako ng kwarto at mabilis na tinawagan si Terrence.

"Shit, hello?" pabulong niyang sabi.

"Hoy! Wag mo akong ma shit-shit Terrence..."

"Aki, may klase pa ako. Tawag ka ulit mamaya ha? Bye Aki."

Totoot totoot.

Dapat galit ako. Minura niya ako tas binabaan pa ng telepono. Wala pang nakakagawa nun kay Aki Ferrera. Pero kinikilig ako. Ang sarap sa tenga pag galing sa bibig niya ang pangalan ko.

Nababaliw na ata ako.

MaskedRead this story for FREE!