Suplado Si Kuya

74 0 0

      Nakatira lang kami ni Ermats sa isang kwarto na aming inuupahan at dahil kami lang namang dalawa ang magkasama, chokays na sa amin yun, kahit maliit. Syempre sa mga ganyan di maiiwasang may mga kapitbahay este kapitkwarto kami.

    May kaharap kaming kwarto. Lalaki ang nakatira. Mag-isa. 22 years old na ata.

    Wala namang problema sa akin yun kaso paglalabas akong kwarto namin at sabay naman nung pagbukas ng kwarto niya, agad niyang sinasara ang pinto.

   May mga times nga na pabagsak yung pamamaraan niya. BOOOGSH!

    Minsan din pag dadaan ako tas nakabukas yung pintoan niya agad niyang isasara. Para bang may dala akong masamang hangin. Naliligo naman ako.

    Pag nagkakasalubong kami, nakakunot-noo lagi. Kinakausap niya lahat, pati Mama ko pero sa akin ni oy, wala.

   Nagtataka lang ako kasi magkasundo lahat sa floor namin, nag-uusap. Liban sa amin.

   Mali ang nag-iisip na baka may gusto si Kuya sa akin. May dinalang babae eh.

    Wala naman akong naging kasalanan sa kanya. Hindi nga kami close. Hindi nga kami nag-uusap.

    Bakit kaya suplado lang talaga siya sa akin?

    Bakit kaya?

Tanong Ko LangBasahin ang storyang ito ng LIBRE!