Chapter 20

Kahit na natutuwa yung ibang kasama namin dito sa bahay dahil kami na ni Dave, pero bakit parang ayaw ni John na maging kami ni Dave? May problema ba?

Nung una, pakiramdam ko okay lang sa kanya. Tas ngayon, ano? Nabago?

“ Mag-kaaway ba kayo ni John? Hindi naman diba?” pagtatanong ko kay Dave na kanina pa pinaglalaruan yung buhok ko dito sa garden nila. Dito kami nakatambay pag gusto lang namin. Ang cute tingnan, para syang bakla.

“ Hindi. Ewan ko dun. Wag mo na lang syang pansinin.” Nah. Hindi ako kuntento sa “wag pansinin” eh. May gusto akong sagot.

“ Wait lang ah.” Pag papa-alam ko ko sa kanya.

Magtatanong sana sya kaso bigla na lang akong tumakbo. Dumiretcho ako kagad sa kusina dahil nandun sila at nagluluto na ng tanghalian namin.

Naabutan ko dun sila Keyt na naghuhusgad ng plato. Whoah! First time kong makita yung babae na yan na naghuhugas. Buhay prinsesa kasi yan sa kanila. Alaga ni manang eh,

Ngumiti lang ako kay Keyt at tinungo ang lugar kung nasan si John na nagluluto.

“ John!”

“ Yes?” hindi nya ko tiningnan. Nagluluto pa din sya. “ Bakit?”

“ Ano kasi. Pwede kang makausap?” nakatingin na sya sakin. “ Ngayon na. Sa rooftop.”

Tinawag nya muna si Mark para bantayan yung niluluto nya. Pumunta naman kagad si Mark doon at inayos ito.

Nauna na kong umakyat gaya ng ginagawa namin dati nung nag inuman kami sa taas.

Nang makarating ako dun, mga ilang minuto din ay nakarating na din si John.

“ So ano--.”

“ May problema ba tayo?” tanong ko kagad sa kanya. “ Ano yung ibig sabihin mo dun sa ‘Kalokohan mo Dave. Para kang gago’”?

“ Ahh. That. Wala yun. Para kasi syang tanga na sumisigaw. Akala ko kasi may nangyari.”

Napa-buntong hininga ako sa mga narinig ko. “ Akala ko, di okay sayo yung relasyon namin ni Dave.” Ngumiti ako sa kanya. “ Okay naman sayo,diba?”

Ngumiti lang sya sakin. Alam ko namang okay ako sa kanya. Masyado ata akong napaparanoid ngayon.

“ Basta pag niloko ka ng gagaong yun, wag ka ng lalapit sa kanya ah. Siguro naman hindi ka naman nya lolokohin.” Huminga sya ng malalim at ngumiti na ulit. “ Tara na, baka may mang-yari pang kakaiba dun sa niluluto ko.”

Nagthank you ako kay John dahil sa mga sinabi nya at bumaba na kami sa dining room nila at naupo na isa-isa. Nagdasal muna kami bago kumain at nag-usap usap.

“ So. Kailan ang kasal?” nabigla ako sa tanong ni Mark. Kaya muntik ko nang makain yung tinik nung isda. Agad din akong napa-inom ng tubig at tumingin sa kanya.

“ Anong kasal? Gago!” sagot ni Dave sa kanya. Ayan tuloy, dahil sa pagmura, pinagalitan sya ni Aira. “ Sorry.” Hinging tawad nito.

Tumawa lang sila at tinapos na din ang pagkain.

Nagyaya sila na magparty sa roof top mamaya. At napag-usapan din nila na magyayaya sila ng ibang kaibigan nila para maging masaya daw at makilala namin sila ni Keyt. Bukas na ang balik namin sa Manila. Makakaalsis na din dito sa bahay na ewan na to.

---

“ Whoah! Sino nag-ayos nito? Big trasformation.” Manghang sabi ni Keyt.

Slightly Over YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!