For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 2

53 3 0

Chapter 2

Cassey's POV

Let’s skip the wedding vows part. Hindi na yan importante. After nun, syempre may photo op. So, pa-picture with the family. Ganyan ganyan. Hayyy, boring naman. Pero syempre conscious ako palagi. Pa-poise lagi. Hindi pwede mawala ang poise, Cassey.

“Everyone please proceed to the reception!” Sigaw na naman yung wedding planner.

So, sakay kami ng car and nag-wwish na lang ako na magka-moment pa kami ni Reyan sa reception. Illusyonada ako eh. A fangirl and her fangirl fantasies. :D

Bumaba na kami ng car after what seemed to be 15 minutes. Andun siya sa isang corner lang… Ang quiet niya. Wala man lang siya kausap. Aww. Poor him. Kausapin ko kaya?

ECHOS.

Di ko kaya yun. :DD

Pero, ang cute niya tingnan. Nakatayo lang siya dun tapos bumubuntot si Dad niya na ninong sa kasal ni Ate Dan. Hindi pa kami pinapapasok mismo sa venue. Dun lang kami sa labas, kumakain ng mga mini version foods. :D And nakikipag-chat yung mga old people sa isa’t isa.

And all I was doing was glancing at Reyan. Hayy nako. Nakakabaliw ka na.

“We will have the entourage once again!” Sigaw na naman si wedding planner.

ULIT? UULIT KAMI?

Yes. :DD REJOICE!

So, pila na ulit kami. And thankful ako sa Ate Bea ko na hindi niya inangkin muli si Reyan. Awang-awa ako sa kanya kanina eh, mag-isang naglakad. Pero okay lang yun, angas naman ate ko eh. Nakayanan niya yun.

So, wala pa rin nag-uusap sa aming dalawa. Magkakilala naman kami eh. Kasi yung mataba kong cousin, who happens to be the younger brother of Ate Dan, best friend niya si Reyan. So, yeah. Nagkasama na kami before. No need for introductions. So what’s stopping me?

Pero, let’s not be this awkward naman sana diba? Make the first move, man.

“Uhh. Cass, magsisimula na tayo?” OMG. Nagsalita siya. *mini heart attack*

“A-ahh.. Sige.” Parang tanga lang ako. Tanga mo talaga, Cassey.

Eto na naman tayo sa hindi ko alam kung ano gagawin ko… Isasabit ko ba kamay ko sa arms niya? Hayyyy…

Naglakad na kami and this time hindi niya kinuha yung kamay ko. Sad.

“Pose for the camera!!!” Sigaw nung camera man. Ang saya naman niya masyado.

So, nagsmile na lang ako. Pero si Reyan, lumapit sa akin. Grabe ka talaga. Pinapakilig mo ako masyado.

Feeling ko namumula na naman ako. Yung lapit niya pa yung tipong “friendly” picture. Sigurado ako mukha akong tanga dun sa picture na yun. Si Reyan naman kasi eh, biglaang nagpapakilig.

“Ok ka lang ba?” Tanong niya.

HINDI. HINDI AKO OKAY DAHIL SAYO.

“Yup. Uhm, saan ka uupo?” Tanong ko.

“Sa tabi ng Dad ko… Why?” Sabi niya. Hindi ko na alam isasagot ko sa ‘WHY?’ niya. Bakit mo nga ba tinanong yun Cassey? Bakit? Bakit? Bakit?

“Uhmmm… Nothing.” Sabi ko na lang.

“You wanna walk around?” Sabi niya. Tumingin ako sa kanya and oh-that-handsome-face. :D

“Ok lang ba sayo?”Tinanong ko siya.

“Sure. I don’t really like weddings.” Sabi niya. Yes, may pagka-Englishero siya. Plus points. :D

“Why not?” Naglakad na kami sa may garden. Nagiging close na kami, yieeee…

“I don’t know. Basta nakaka-bore siya.” Sabi niya and nanahimik na lang ako. Hindi ko alam sasabihin ko eh.

“But you’re a girl, you must like weddings.” Sabi ni Reyan.

“Okay lang… Pero syempre nangangarap din ako ng Dream Wedding ko.” Sabi ko.

“Dream Wedding?” Reyan, hindi mo ba alam ibig sabihin nun? ENGLISH NA KAYA YUN.

“Yeah. Dream Wedding.” Inulit ko pa.

“No, I mean… tell me about your dream wedding.” Nagsmile siya.

“Ahhh… Basta gusto ko sa wedding ko… yung simple lang. As long as alam kong minamahal ako ng mapapangasawa ko. I want to look back and smile at that moment in my life.” Sabi ko sabay smile.

“Naks naman.” Sabi niya. Nangloko ka pa.

“Don’t guys have ‘Dream Weddings’ too?” Tanong ko naman sa kanya.

“Hindi naman naming pinag-uusapan openly like you girls. Pero, yeah… I sometimes daydream about my own wedding.”

“Akala ko ba you find weddings boring?” Napatawa ako.

“I find other people’s weddings boring.” Sabi niya and tumawa din siya.

“Tell me about your dream wedding.” I said.

“I just want my wife to be perfect so that when I look back to that day I’ll remember why I fell in love with her and then I’ll fall in love with her all over again.” Sabi niya.

Sa ngayon, dapat namamatay na ako. Shemay. Ang sweet niya naman. Sana siya mapangasawa ko. Para lagi siyang naiinlove sa akin. *Heart rate is uncontrollable*

“Bakit di ka na nagsalita?” Sabi niya bigla.

“Huh? Ang sweet naman kasi nung sinabi mo.” Sabi ko.

“Kinilig ka?” Tumawa siya. Grabe. Kung alam mo lang…

“Cassey? Pumasok na kayong dalawa ni Reyan.” Sabi ni Mama.

“Y-yes, Ma.” Sabi ko. Tumayo na ako tapos bigla niyang linabas yung phone niya.

“Can we exchange numbers?” Sabi niya.

“Yup, sure.” Tapos binigay ko na yung number ko sa kanya.

“It was nice chatting with you. Sana magkita pa ulit tayo after the wedding.” Sabi niya.

“Text text na lang tayo.” Nagsmile kami sa isa’t-isa.

THANK YOU FOR THIS DAY, LORD. :DD

Unexpected FeelingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!