Chapter 1

73 2 0

Chapter 1

Cassey's POV

September 20, 2014: Wedding ng pinakamamahal ko na pinsan, si Ate Dan. At kinuha niya akong bridesmaid (?). Isa ako dun sa mga “older” flower girls. Yung mag-wwalk kasama yung mga guys. Eh. Basta yun. Lahat naman siguro naka-attend na ng wedding diba?

Ilang months palang nagprepare na ang buong pamilya namin. Pink yung color theme and kakanta yung school choir since kasama dun younger sister ko. Diba, parang fairytale wedding lang.

Not really. September 16. Biglang nag-backout yung male partner ko, si Cyril.

Wow. Ang ganda ng usapan. September 16. Save the date. Biglang backout? Sige na, naiintindihan ko. May klase ka nun. Yuck, feeling close? Hindi ko nga siya kapamilya eh. Dun siya sa other side.

Pero, maawa naman kayo sa akin. Mag-isa niyo akong ipapa-“walk down the aisle”? Kasal ko ba? Huhuhuhuhu…

September 19, 2014. It was a Friday. So, may pasok. Kinausap ako ng best bud ko, si Krystel.

“Hey!!! Tomorrow’s the day of the wedding right?” Minsan naiinis talaga ako sa kaibigan kong ‘to eh. Elitista masyado. English speaking friend = nosebleed.

“Oo. Tapos wala pa akong partner…” Depressed mode ako.

“Why? What happened? Akala ko nag-practice na kayo and everything?” Mas worried pa siya sa akin.

“May pasok daw kasi siya bukas eh.” Sabi ko.

“Aww… Don’t be sad, Cassey! I can feel it! May magandang mangyayari tomorrow!!!” Sabi niya sabay fist-pump. Kpoppers kami eh.

Napa-forced fist pump na rin ako.

Hayyy.. Sana lang mangyari talaga mga pinagsasabi mo.

WEDDING DAY. Aga ko nagising. 6AM. 8AM kasi yung wedding tapos kailangan pa naming magpamake-up. Maarte kasi si Mommy. Kailangan magaganda ang mga anak niya.

This is it. Pumunta na kami si church. What can I say? ANG GANDA GRABE. Parang fairytale wedding talaga.

Pero, sad pa rin kasi…. Wala akong partner to cherish the moment with. Sad. :(

“Okay, people. Please line up now. We will start the entourage!” Sigaw nung wedding planner. Here goes nothing.

Pila ako sa likod ng Ate Bea ko. Buti pa siya may partner…

Wait. TEKA LANG. Si Reyan ba yun? Yung partner ni Ate Bea? OMG. Siya nga.

Kung hindi niyo kilala si Reyan, crush ko siya since Grade 6 pa ako. Kuya kasi siya ng batchmate ko and dati, lagi niyang sinusundo sister niya. Hanep sa gwapo si Reyan. Perfect siya para sa akin. :DD

Lahat ng kaibigan ko, pinagkakaguluhan din yun. Ganun kalakas yung impact niya sa amin. Tapos, super smart pa and super rich. Perfect diba. :D

“Cass? Okay ka lang? Tulalang-tulala ka ah…” Sabay kaway si Ate Bea sa kin. Ay, halata bang tulo laway na ako dito? Sorry naman.

Nag-smile si Reyan. Ano ba… nakakahulog ka naman oh.

Palapit na ako ng palapit sa red carpet. Nag-aantay ako na biglang mag dramatic entrance si Cyril. Pero wala. Wala talaga.

Mapapahiya talaga ako nito.

“No. No. No. Bea goes at the back of Cassey. Go, Cass. It’s your turn!” Sabay tulak sa akin nung wedding planner. Pasalamat siya hindi ako natapilok. Naging hesitant pa ako kasi wala nga akong partner. Tumingin ako sa mom ko.

Thanks, talaga mom.

Tinulak niya si Reyan sa akin.

“Oh, yan. May partner ka na. Go go go!” Sabi ng mom ko tapos tinulak niya kami. Oo nga pala. Alam ng mom ko na may crush ako kay Reyan. The best ka talaga.

My heart was palpitating.

Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Should I cling on to his arms or hahawakan ko na lang yung mini bouquet ko? Help!

Then, I felt his hands. Siya na yung kumuha ng kamay ko and sinabit niya na sa arms ko. Feeling ko sobrang halata na yung kaba ko.

Ang haba nung aisle ha. Sige lang. I shall savor the moment.

Para akong kinasal. Feel na feel ko yung moment. Tapos yung background music ko, yung Wedding March song. This is the best day of my whole life.

Patapos na yung walk, and kinailangan na naming humiwalay. Nagsmile muna siya sa akin bago niya ako bitawan.

And the ceremony began.

- to be continued

Unexpected FeelingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!