N ag handa na ako upang pumasok sa trabaho.Isang nakakabagot na araw na naman.Nalaman ko na ang sagot ngayon kung bakit gusto kong pumasok sa department store.Gusto ko lang palang malibang.Maghanap ng kasiyahan upang maibsan ang kalungkutan,Kalungkutang matagal na panahon ko nang dinadala.Oras na para umalis at magpakasaya.Sinabihan ko si jonas na ako na ang magmamaneho.Nagdahilan ng kung ano-ano----Nakalusot naman.Nagmaneho ako papunta sa department store.Sampung minuto lang ang layo ng department store mula sa bahay namin.Medyo malapit lang.
       

      Pagdating ko sa department store ay nakita ko si diana na papasok lang din.Di ko alam kung anong mayroon sa kanya pero masyado akong naakit sa dugong nanalaytay sa mga ugat niya.Para iyong isang cappuccino o mocha para sa akin.Matagal na rin na panahon nang matutunan kong kontrolin ang sarili ko sa pagkatukso sa dugo pero kadalasan hindi ko parin mapigilan.Pagpasok ko sa department store nakita ko siyang may ka kwentuhan.Noon ko lang namasdan ng mabuti ang mukha niya.Kinabisa ang bawat parte noon.Ang mapupula niyang labi,Ang matangos niyang ilong,Ang mapungay niyang mata,ang buhok niya.Hindi ko namalayang nakatulala na ako sa kanya.Nastarsturck ata ako ahh.Nagulat naman ako ng kalabitin ako ni Ben mukhang galit siya.kinikilabutan talaga ako sa mga titig niya.Nagsalubong ang mga kilay niya."Bakit hindi ka pumasok kahapon?"Galit na sabi niya."Ahh,ehhh nakalimutan ko ehh at tsaka may pinagawa sa akin si Max."Pagsisingungaling ko."Blood sucker ka diba?"Tanong ko upang maiba ang usapan."Oo,Bakit?"Tugon niya."Si Mark kasi may kakaibang kakayahan ikaw mayroon din ba?"Tanong ko sa kanya."Ahhmm."Wika niya na para bang nag-iisip."Ahh,Oo ang natatandaan ko na,Kaya kong malaman kung nagsisinungaling ka o hindi,Kaya alam kong nagsisinungaling ka!."Sagot niya sabay pingot sa akin."Marami pa akong dapat gawin kaya magtrabaho kana diya."Wika niya sabay mabilis na umalis.Kaya niyang malaman kung nagsisinungaling ka o hindi?Magandang kakayahan yun ah.Parang lie detector machine.Mas lalong nagiging interesante ang lahat.
         

       Sinuot ko na ang damit ng pangtrabahador at nagsimula nang magtrabaho.Ilang sandali lang ay nakita ko si Diana na lumapit sa akin."Ahhm,Salamat nga pala noong nakaraan araw ah."Panimula niya na para bang nahiya.Para sa akin wala lang iyon pero siguro sa kanya malaking bagay iyon."Ahh,wala yung kaunting pero lang naman yun ehh."tugon ko ng nakangiti."Naku!Malaking pera ang kalahating milyon ahh."wika niya na para bang nagulat sa mga sinabi ko."Wag kang magalala babayaran din kita."Wika niya ng buong tapang."Hindi wag na,ayus lang talaga."Pagpupumilit ko.
"Nakakahiya naman sayo,Babayaran ko parin."Pagpupumilit niya parin.
       "Wag na..."
       "Babayaran ko"
       "Kulit,wag na kasi yaan mo na iyon."
       "Babayaran ko"
       "Wag na."
       "Babayaran ko."
"Ako nga pala si Vladimir ikaw?"Sabi ko sa kanya para maiba ang usapan at iniabot ko ang kamay ko sa kanya.
"Diana,Diana Anrade,Nice to meet you."Sagot niya.
"Alam mo parang pamilyar ka sa akin."Wika niya."Hindi ko lang alam kung paano at kung saan."Dugtong niya.
"Sa tingin ko hindi pa."giit ko smahan ng kaunting pagsisinungaling.
"Ahh,Ganun ba?Sige balik na ako sa trabaho ko."At bumalik na nga siya sa kanyang trabaho.
     

     Nakalimutan niya na iyon yung niligtas ko siya?Sabagay wala pala siyang malay noon.Wala rin namang ibang dahilan pa para alalahanin niya iyon.Bumalik narin ako sa aking trabaho---nakakabagot na trabaho.Wala rin palang kwenta na nagtrabaho ako dito para maglibang talagang nakakabagot dito.Nakakasawang paulit -ulit nalang ang nangyayari araw-araw.Kadalasan naiisip ko paano kaya nila nalalampasan ang  ganoong buhay.Nababagot din kaya sila?Paano naman sila mababagot ehh,marupok lang ang buhay nila? na sa isang pagkakamali lang ay maari silang mamatay.Marami paring katangungan ang nais kong mabigyan ng kasagutan.

      Nakita kong abala si diana sakanyang trabaho.Isa siyang cashier sa department store.Ngayon ko lang napansin pero hindi naman pala siya panget sakatunayan maganda siya,Perpekto ang ilong,ang kanyang mukha,ang kayang mga mata lahat ata maganda sa kanya.Ano bang iniisip ko?Pinagnanasaan ko ang isang tao?Masamang senyales ito.

The Blood PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!