CHAPTER # 46: HEART ACHE!

>>KEN'S POV<<

"Miss, nakita nyo po ba yung babaeng kasama ko dito kanina?" tanung ko sa babae na nakaupo malapit sa inuupuan namin ni Adik kanina.

"Sorry hindi eh" sagot nya.

I grab my bag at hinanap sya sa malalapit na pwede nyang puntahan. Tinawagan ko din yung barkada para sabihin yung nangyare.

Tumawag din ako kila kuya Gelo to check kung nasa kanila na si Ash, pero wala din daw dun.

After an hour ng paghahanap sa kanya, nakita ko yung barkada na palapit sakin.

"Ken, Di rin namin sya makita eh" sabi nila sakin.

"Ailla, Tammy, baka naman alam nyo kung nasan si Ash?" tanung ko sa dalawa pero mukhang wala din silang alam kasi alalang alala din sila.

Maya-maya Lang dumating din sila kuy Art, kuya Gelo at ate Kathy.

"Nakita namin to sa ibabaw ng bed nya" sabi ni kuya Art at pinakita yung sulat samin.

"Dear Mom, Dad, Kuya Gelo and kuya Art: you can cut my ATM cards po if you want. I just want to say thank you for everything, lalo na kila kuya Art at kuya Gelo. Wala naman akong ibang masabi sa inyo kungdi, thank you, I love you, take care and I will miss you. Dad, wag nyo na po awayin si Ken ah. Mom, take good care of daddy. Kuya Art, dont do anything para hanapin ako or else magtatampo ako sayo. Kuya Gelo, alagaan mo po si ate Kathy ah, pagbalik ko dapat may pamangkin na ko. I just want to say na wag nyo na po ko hanapin, don't worry babalik din po ako, magaaral Lang ako sandali. Love Ashley!" binasa ni Ate Kathy yung sulat, naiyak naman sila Ailla at Tams sa narinig.

"Ailla, Tams ito naman para sa inyo" sabi ni kuya Gelo tsaka inabot yung sulat Kay Tams,

"Dear Tammy and Ailla: Be hindi ko alam ang kalalabasan ng gagawin kong to, pero sana makaya ko na wala kayo, lalo na yung mga jokes ni Ailla. Kahit corny yun, napapasaya parin ako ng mga joke nya. Be Tams, alagaan mo si Jc ah, wag ka papaapekto sa kahit kanino, magtulungan kayo ni Ailla. Be Ailla, take good care of Kurt ah, Mahal ka nyan sobra, wag ka masyado pasaway Kay Tams kung ayaw mong mabukulan. Sana pagbalik ko kasal na kayong dawala much better if magkakaroon na ko ng inaanak. Pakiinggatan na din si Ken for me. Yours truly, Ashley" todo iyak ni Ailla dahil sa narinig. Si Tams napayakap nalang Kay Jc dahil sa sobrang iyak.

"Jc oh, para sa inyo ni Mart" sabi ni kuya Gelo.

"Brad ikaw na magbasa" sabi ni Jc Kay Mart

"Ikaw na" sabi ni Mart,

"Sige wag na natin basahin" sabi ni Jc.

"Ako na nag" sabi ni Mart agad at binuksan yung sulat.

"Dear Jc and Kurt: Boys, alam ko magagalit kayo sakin pag nalaman nyo ang ginawa ko Kay Ken, kaya sorry in advance. I need to do this, 'di ko pa masasabi sa inyo yung dahilan ko pero I hope maiintindihan nyo. Jc, babantayan mo si Tammy ah medyo lampa yan kaya inggatan mo. Kurt, mamimiss kita, wala ng tatawag sakin ng "Abo" alam kung iinggatan mo si Ailla, kaya I just wish you all the best. Don't forget to keep an eye on ken huh. Yours truly, Ashley" si Mart parang bata na umiiyak habang nakayakap Kay Ailla.

"Sakin wala?" tanung ko, umiling Lang sila kuya Art at kuya Gelo sakin.

Napaupo nalang ako sa daan habang umiiyak at nakapalibot ang mga kaibigan ko sakin.

Nalaglag ko na lang din ang bag ko.

"Anu to?" tanung ni ate Kathy, pinakita sakin yung isang envelope na hawak nya,

The Cat GirlsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!