Ryker's POV

"ohh Ker, relax lang relax..." -Rex

"paano ako makakapag relax kung binadtrip ako ng mga babaeng yan..."


tumawa na lang sila...

nandito kami ngayon sa tambayan, pinagpplanuhan kung paano kami makakaganti sa mga babaeng yun...

"at isa pa, mabuti kayo ni Warren hindi nagood time paano naman kami..."

"hindi naman ganun kasama prank nila sa atin..." Rosh

"easy for you to say, Jack-in-the-Box lang naman yung iyo, ehh paano sa akin, ahas... tapos kinulong pa ako sa banyo..." Albie

"paano pa ako, lakad ako ng lakad puro kiss mark na pala mukha ko..."

"hayaan nyo na lang sila, my pambawi naman sila sa inyo, yung cookies di ba?" Rex

"hahaha nakakatawa din cookies nyo, yung kay Bie ahas, yung kay Rosh clown, yung kay Ker lips hahahaha... sayang Rex dapat my ganyan din tayo hahaha...." Warren

"hmm... anong sinasabi mo Ren? wala ka natanggap na cookies?" Rex

napatingin kami kay Rex na kasalukuyang nakain ng cookies...

"teka paanong???"

"eto? (pinakita nya yung cookies) yung puso galing kay My Loves ko, yung star galing kay Azalea..."

pagpapaliwanag niya...

"Azalea? di ba siya yung kapatid mo?" tanong ko sa kanya

"oo, mahilig kasi siya magbake ng cookies dahil mahilig siya dito, actually favorite ng B.I.T.C.H. ang cookies... hahaha kaya madaling malaman na sa kanila galing ito, hahaha..."

lahat kami tinignan si Rex

"ohh teka, bakit ganyan kayo makatingin sa akin?"

"teka, sino ba si My Loves mo at sino si Azalea?" tanong ni Ren

"ohh mga bro, 1 month na sila dito, hindi nyo pa alam?"

"alam ang alin?" sabay sabay naming tanong

"kapatid ko si Azalea, Beatrix Azalea Evans, at My Loves ko si Tiffany Eliza Imfeld, dalawang member ng B.I.T.C.H"

napanganga kami sa sinabi niya, pwera kay Roshan... tss...

"aba aba Rosh, parang alam mo tungkol dito ahh ikaw lang hindi nakanganga hahaha" Rex

Target Game (On-Going/Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!