For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 10:

228 31 14

Chapter 10: Beginning

(Marco's pov) 

Nasa tapat ako ngayon ng bahay. hindi sa condo ko kundi ung dati kong tinitirhan kasama si maru at mama. 

Hindi agad ako pumasok sa may gate pinagmasdan ko lang ang kabuuan ng paligid. Sa pagkakatanda ko wala tong pinagbago ni katiting. Ung light blue na pintura ng dingding un parin ang kulay nito . Ung Puno ng manga sa maliit na bakuran ay buhay parin pati na ang siso na nakatali sa sanga nito at kahit ung dog house na matagal ng hindi ginagamit nandun parin sa dating pwesto 

Maraming alala na pilit bumabalik pag pinagmamasdan ko ang mga to. Pero ayoko ng matandaan pa ang mga un. Iniwan ko ng lahat simula umalis ako sa bahay na to  kaya iniwas ko na lang ang tingin dito

Hindi naman ako nandito para maglaro kailangan kong isaisip ang tunay na pakay ko at kong anung dapat kong gawin. 

Sa totoo lang hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na to. Sumasakit ang dibdib ko ng hindi ko alam ang dahilan. Pero sa ngayon wala akong magagawa. Kailangan kong magtiis at kapag naayos na lahat kahit anu pa mang mangyari aalis ako dito pagkatapos ng tatlong buwan 

Napahinga ako ng malalim at saglit na pumikit 

Ako ngayon si Maru. At hindi si Marco. Hindi dapat niya mahalata ang kilos ko. Napadilat na kong muli at inayos na ang pagkakatayo 

Pumunta na ko sa may pintuan . Kakatok na sana ako sa may pinto pero may biglang nagbukas nito. Hindi ko alam kong anung dapat kung sabihin ng makita ko siya. Makita ko ulit ang mama ko sa napakatagal na panahon. 

Tumanda na ang itsura niya. Nakasalamin na at may nakabalot na tela sa may ulo niya. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Na bigla ako sa ginawa niya 


'Saan ka ba pumuntang bata ka ha!? Ang tagal mong hindi umuwi sa bahay! Nagalala ako sayo Maru!' 

Tumatakbo ngayon sa isip ko na dahil matagal akong nawala tuluyan na niyang nakalimutan ang presinsya ko.Anu pa bang aasahan ko? Noon pa man. Hindi niya na talaga ako kilala. Dati naalala ko pa tuwing nagpapangap ako bilang maru para lang mapansin niya hindi niya un nahahalata , hindi niya alam kong anung pagkakaiba naming makambal. 


Halo ang saya at lungkot ang nararamdaman ko kapag ginagawa ko un. Masaya dahil kahit papano nakikita niyang ginagawa ko kapag ako si Maru at Malungkot naman dahil na babalewala ang katauhan kong si Marco. 

Siguro ayos na din to. Siguro pabor din sakin ang nangyayaring to. Walang magiging problem kong magpapangap ako sa harap niya bilang Maru dahil mukhang hindi naman niya mapapansin pero... May parte sa puso at utak ko na gustong sabihin na. 'Hoy ako to si Marco! Makilala mo naman sana ako!' parang ganun. 

Bumitiw na siya sa pagkakayakap sakin 

He's Lying[EDITING]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!