Prolouge

76 2 0

"WOW! Ang ganda naman dito! Sana makapunta at magkita uli tayo dito Mon!" tuwang sabi ng batang babae.

"Oo naman Ven! Promise ko yan sayo! Basta paglaki ko hahanapin kita at ikaw ang magiging bride ko ha." sabi ng batang lalaki.

"Sige ba, at ikaw ang groom ko ha! Magkikita uli tayo pinky promise?!" saad ni Ven kay Mon. Sabay lahad ng kanyang hinliliit kay Mon.

"Yeah! Its a pinky promise Ven! Hahanapin kita at hindi na tayo magkakalayo pag nahanap kita uli." sabay abot sa hinliliit ni Ven at niyakap niya ito.

---------------------------------

"Mon! Babalik ka ha! Promise mo yan!" sigaw ni Ven ng makitang papanik na sa sasakyan si Mon. Umiiyak na si Ven.

"Oo Ven! Tandaan mo. Hahanapin kita kahit saan." tumakbo sya papunta kay Ven at hinalikan ito sa noo at sinabit sa leeg nito ang kwintas na white gold na na ang pendant ay may heart shaped diamond sa gitna. Family heirloom nila ito.

"Yan ang palatandaan na makikita uli kita at magiging bride. Pag nakita ko sa isang girl yan ibig sabihin ay ikaw na yun." nakangiting sabi ni Mon at umalis na. "Bye Ven! Mamimiss kita!"

Wala ng nagawa si Ven kundi umiyak na lang dahil wala na ang kalaro at kaibigan nya.

My Boss is My Fiance???Read this story for FREE!