eighteen..

Paula's POV

Haaay. Grabeng araw 'to! Buong araw ba naman akong hndi nilubayan ng mokong na adrian nayon! Kainis ha! Ang sarap niyang lapain! >_<

Nag martsa ako papunta sa kama ko. Tss. May kama itong kwarto ko samantalang hndi naman kami natutulog. =_=

Pero okay narin ito. Sa tuwing pagod ako, ipinipikit ko lang ang mata ko pra makuha o mabalik muli iyong lakas ko. So iyon nga ang ginawa ko. Humiga ako at ipinikit ang mga mata ko. Pero ng pinikit ko na ito ay may biglang lumabas na larawan sa isip ko. Napabangon ako at hingal na hingal.

" hindi maaari!" bulong ko sa sarili ko. Tumayo ako at mabilis na lumisan sa aking silid. Nakita ko na naman siya. Sa isip ko.

Gabi na kaya ng tumingin ako sa labas ay madaming mga bampirang nakakalat. Dumiretso ako sa silid kung saan kami pumunta dati ng kaibigan kong ahas.

Naka lock iyon kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko pra maka-pasok sa loob. Nagteleport ako at mabilis na hinanap iyong libro.

Inilibot ko ang tingin ko sa silid. Puno ito ng mga librong inaalikabok na dahil sa sobrang luma. Hinanap ko ang libro at nang makita ko ito ay napasinghap ako.

"Walang laman? Papaanong walang laman?!" kinalkal ko pa iyon at nagbabakasakaling may mga tirang sulat ngunit wala. Pano nangyari ito?!

Nagulat ako ng biglang humangin ng malakas at ang bintana ng silid ay agad bumukas. Lumapit ako dito para isarado ngunit nagulat ako ng makita ko sa labas ng palasyo si ate trix.

 Lumapit ako dito para isarado ngunit nagulat ako ng makita ko sa labas ng palasyo si ate trix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglalakad sya na parang wala sa sarili. Is she dreaming? Pero bakit ganun? Saan sya pupunta?

Mabilis na tumalon ako sa bintana at sinundan sya. Tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa pumasok siya sa isang kweba. Teka- Paano niya nalaman ang lagusang ito?! Hindi kaya?

"Ahhhhh!!!"

Mabilis na tumakbo ako papasok sa kweba dahil sa sigaw ni ate trix. At hndi ko inaasahan ang nakikita ko ngayon.

"Cordelia..."

Napalingon siya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napalingon siya sa akin. Umiling ako. Hindi pwedeng mangyari to.

Nakita kong ngumiti siya at tinignan muli si ate trix. Wala na itong malay. Gusto kong lapitan siya ngunit natatakot ako.. Natatakot ako na baka maulit ang nangyari dati..

"Anong ginawa mo sa kanya?!" bulyaw ko. Ngumisi lang ito at yumuko ng bahagya para hawakan ang pisngi ni trix. Hiniwa niya ng bahagya ang pisngi ni trix kaya dumugo ito..

Ang amoy na iyon.. Ang sarap.. No! Hindi pwede!! Ate ko siya! Mahal ko siya!!

"Umalis kana cordelia! Umalis kana!" sigaw ko. Tumawa lang ito at agad naglaho. Nilapitan ko si ate at inakay papunta sa loob ng palasyo.  Naabutan kami ni adrian sa loob at agad akong tinulungan.

"What happen?" hindi ko siya nasagot. Naaalala ko parin ang itsura ni cordelia. Magkamukhang-magkamukha sila ni ate trix.. At iyon ang kinikatakutan ko.. Ang gamitin niya si ate trix para lang mabuhay siya muli..

"Where is kuya?" tanong ko sa kanila.

"He's on a mission. May inaasikaso  siya para sa kasal nila bukas ng gabi."

Nabuhayan ako ng loob ng maalala kong bukas na ang kasal nila. Alam kong hindi siya papabayaan ni kuya.

Dinala na nila siya sa kanyang silid at mabilis na ginamot ang sugat. "is she okay?" tanong ko sa mga tauhan namin. "Opo mahal na prinsesa. Sa ngayon, kelangan niya lang magpahinga." i just nodded. Tinitigan ko ang mukha ni ate. Napaka inosente niya para gamitin ng isang masamang bampira.

Hindi ako mapakali nung biglang narinig ko ang halakhak ni Cordelia. Napatayo ako at hinanap kung saan nagmula ang boses.

Shit! Kuya! Where are you?!

Kelangan niyang malaman itong mga nangyayari ngayon. Ngayong alam ko na kung bakit andito si ate trix. Kung bakit kelangan syang protektahan..

At ang pagbabalik ng isang bampira..

Si Cordelia -- THE VAMPIRE EMPRESS.


===============
AN: oh ano guys? Wla bang mag-iingay? Haha. Ahmf sorry. Sa late UD ha. Nawalan kac ako ng ganang mag Update sa mga stories ko eh. Pero babawi ako pra lang mahimasmasan ang galit niyo sakin. XD haha geh vote and comments are accepted. ;-)

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!