Him. Her.

41 1 1

Micah's POV

"Ate Mitch! May tumatawag sa cp mo!" Sigaw ko sa aking makulit na ate. Kanina pa kasi tumatawag yung 'suitor' niya. Psh. Never naman magkakalovelife ang isang manhid!

"Alam mo, ikaw nalang kaya kumausap. Baka mas may sense naman sabihin niya sayo." Sabi niya at bumaba ng hagdan.

Ako? Kakausapin ang manliligaw niya? Ayaw ko nga. Choosy ako >.< Chos!

Seth Calling...

*answer*

"Hel--"

"Finally, my love! Sumagot ka rin! Akala ko nagpalit ka ng number dahil sa kakulitan ko e."

"Um, hehe.." tumawa ako ng peke, "hindi ako si Mitch 'your love'. Ako yung kapatid niya. Si M--"

"Ai oo! Si Micah! Hello!"

"You know it's rude to interrupt someone inbetween it's talking, right?" Inis na sagot ko. Kaya pala ayaw ni Ate sakanya e.

"Ai sorry! Kasi na-excite ako. Papunta na kasi kami ng concert ni Daniel Padilla. Yung artistang pogi?"

Ano? Pogi ba yun? Kung ang ibigsabihin ng pogi ay may eyebags, malaki ang mata, weird hairshape, then pogi na siya!

"Wapakels kung pupunta ka ng concert. Alam ko na kung bakit ayaw kang sagutin ng ate ko. Ang kulit mo kasi!"

"Style ko yun! Ginagaya ko kasi si Rico at si Jhing. Yung sa story na 23:11? Ang sungit kasi ni Jhing. Parang ate mo. At ang kulit naman ni Rico. Parang ako."

"'Di ako nagbabasa ng ganun. Ang korni e."

"Ah. Eh ano gusto mo?"

"Rainbow Rowell stories. Yung actual books. Hindi yung online."

"Bakit ayaw mo?"

"Why are you interested?"

"Wag ka nga mag-English. Mamaya ma-nosebleed ako dito eh. Haha.."

"*tawa ng peke* ok."

"Oy Micah! Alis na ako ah! Nakaupo na kasi ako sa upuan namin e. Sabihin mo sa ate mo alabyou!" At saka niya binaba.

Makulit na nga, rude pa. Hindi talaga siya magugustuhan ni Ate.

"Micaaaah! Favor naman oh!" Sinugod ako ni Ate at binigay sakin ang phone ko.

"Oh, bakit asayo yung phone ko?"

"Basta. Pa-loadan mo nga sa labas. Sa tapat lang natin. Smart Unli 30. Ito oh. Go na!" Tinulak niya ako kaya tumayo ako at bumaba.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa tapat o ang sari-sari store.

"Ateee! Pa-load po!" Kinatok ko yung bakal ng mga coins na dala ko.

"Teka! Bwisit oh. Ano?" Ai. Natapat pa sakin yung masungit na ale.

"Paload po. Smart unli."

Inabot ko yung bayad at sinabi yung number ko.

"Teka, hijo! Ikaw nga magload dito. Tutal ikaw naman marunong!"

Pumasok ulit siya sa konektadong bahay at lumabas naman ang isang fafabel. Ang gwapo gwapo tapos nagtitinda lang? Hatep naman oh.

"Ano po-- Uy Micah!" Oy. Teka, sino 'to? Bakit kilala ako?

"Ha? A-ako?"

"Oo! Diba Micah ka?"

Micah? Ako ba yun? Sino ba ako? Ai tanga. Micah pangalan ko. Tanga. Tanga. Tanga.

"Ah oo. B-bakit mo ako kilala?"

LoadBasahin ang storyang ito ng LIBRE!