Part 4: Sorry

0 0 0

~Edward POV~

"Grabe ang sakit ng pisngi ko pati na rin yung mga pasa ko."

"Oh! Anak gising kana pala. Kumain ka muna ng sopas." Yaya ni Mama.

"Iwan ko na dito sa mesa mo ah. Mamamalengke pa kasi ako. " Salita ni Mama.

Pero bago umalis si mama .

"Nga pala anak buti nalang dinala ka dito nung babae kagabi." Pahabol na salita ni Mama sabay ngiti.

"Babae? Sinong-"

~Flashback~

"Hoy! Demonyo!"

Hindi ko sya pinansin nang maramdaman ko nalang na binuhusan nya ko ng tubig.

"Oopps! O ayan equal na tayo ah." Asar nya.

Bigla akong tumayo at humarap sa kanya.

"ANO BANG PROBLEMA MO HA??!" sigaw ko. Nananahimik na nga ako eh.

Pero nagulat ako nang sampalin nya ko.

"Para yan sa pamamahiya mo sa akin nung una."

"PAk!" Pangalawa .

"Ayan para sa pangalawa mong kasalanan, masakit pa ba yung kamay mo? Sorry ah matalas kasi tong mga ngipin ko eh." Pang-aasar nya.

Pero teka? Anu bang sinasabi nya . Anung matalas ang ngipin nya?!

Sasampalin nya pa sana ako pero sinalag kn at hinawakan ng mahigpit ang braso nya dahilan para hindi nya to maigalaw.

"Tama na." Mahina nyang salita.

"Ngayon gusto mo na kong tumigil?! Pwes ayaw ko!" Mariin nyang sabi.

Agad ko syang binitawan dahil sa nanghihina na ko at nang makakuha sya nang pagkakataon muli nya kong sinampal.

"PAK!" Sabay ngiting pang-aasar.

Wala na kong magawa hinang hina na ko kaya yumakap ako sa kanya para hindi ako matumba.

"ANU BANG GINAGAWA MO? BITIWAN MO NGA KO.!" pilit  nya kong inaalis.

Pero tanging isang salita lang ang lumabas sa bibig ko.

"No.45 Block 3, Kapalaran Ext."

"Anu bang sinasabi mo?"

Pagtatanong nya pero hindi ko na sya nasagot at nawalan na ko ng malay.

Nagkamalay ako nang malapit na kami sa bahay . Naririnig ko syang nagsasalita.

Ang bigat bigat mo pa namang lalaki ka." Reklamo nya. Pero nagulat sya nang sumagot ako.

"Ok! Lang yan. Bayad mo nalang to sa ginawa mo kanina" mahina kong sabi.

"Kapal din talaga ng mukha mo noh! Wag kang magsaya dahil hindi pa ko tapos sayo. Naaawa lang ako sayo." Sagot nya.

Magsasalita pa sana ako nang bigla kaming nakarinig ng sigaw galing sa likod.

"EDWARD ANAK ANONG NANGYARI SAYO!?" pag-aalalang tanong ni Mama

Sakto namang nasa tapat na pala kami ng bahay.

Matapos nun ay nakatulog na ko.

->End.

"Ang babaeng yun!" Bulong ko.

Napagpasyahan kong hindi muna pumasok para makapagpahinga na rin.

~Hanna POV~

Hanggang ngayon naguguilty pa rin ako lalo pa hindi sya pumasok ngayon.

"May Problema ba?" Tanong ni Clarissa

Totally Inlove with YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!