Ang Simula

18 0 0

Parang kahapon lang nung nahalal ako bilang SK sa aming barangay. Isang taon na pala ah, may nagawa na ba ako? Mas mabuti sana kung sumama nalang ako kay tito sa UK. Ang hirap pala humawak ng ganitong bagay. Matalino ako, pero alam naman nilang di ako ganoon ka sipag, hmm. . . may itsura naman. Siguro kaya nila ako binoto, ganoon nga ba? (Bigla nalang kumidlat) “Ano ba iyan. . . umuulan nanaman?! Lagi nalang walang pasok mga bata ngayon ah. Siguradong mapupuno nanaman ang mga kanal sa daan nyan”. “Gale, pumunta ka na sa barangay ngayon at may aasikasuhin daw kayong proyekto sabi ni mayor” ang bilin ng kapatid kong si Lorenzo. “Kuya sandali lang, patitilain ko lang ang ulan at pupunta na ako. Tapos ko narin naman iyon. Wag ka mag alala, ipapasa ko na” ang aking sagot. Si kuya Lorenzo ay dati naring SK sa amin, malamang ay inaasahan rin nila akong maging katulad ng kapatid ko, ngunit masipag talaga siya hindi katulad ko. Tumila na ang ulan at lumabas na ako ng bahay para pumunta sa barangay. Napaka kalat at ang dumi ng paligid. Di ko maiwasang sisihin ang sarili ko sapagkat dapat ay umaaksiyon din ako upang mabawasan ito. Isang linggo na ang nakalipas, gabi na iyon nang kasama ko ang pamilya ko habang nanunuod ng balita. Nakabihis na si kuya

Lorenzo para pumasok. Sa Call center kasi siya nagtratrabaho. “Kuya pabili muna ako ng pagkain ah?” Ngumiti ako sa kanya. “Matuto ka maging responsable , itinuturing ka na lider ng lugar mo at ganyan ka umasta? Kumilos sa sarili mo” pasigaw na sinabi ng aking ama. “Gale ako na, okay lang sakin” alok ni kuya Lorenzo. Napag isip isip ko na tama ang aking ama kaya naisipan kong ako nalang ang lumabas upang magpalamig narin ng ulo. “Kuya, ok lang bibili nalang ako”. Ewan ko ba, pag labas ko ng bahay, habang naglalakad ako’y napaiyak na lamang ako bigla. Habang pinupunasan ko ang luha ko, nakita ko nalang ang isang parte ng kalsada.

Isang linggo nang nakalipas ay may imbak parin na tubig baha sa parte ng kalsada na ito, hindi pa ito humuhupa. Marahil nabara na ang kanal. Bumili ako sandali ng burger at lumakad narin ako agad. Napadaan ulit ako doon. Tinignan ko sandali ang pagkain ko’t bago pa ako kumagat ay may tunog ng humaharurot na sasakyan. Napaka bilis ng pangyayari. Bago ko pa mailapat ang bibig ko sa tinapay ay biglang naligo na lamang ako sa tubig baha. Sa kanan ko nama’y biglang may naka para nang sasakyan at napunta ito sa sidewalk. Napapikit na lamang ako at nabitawan ang hawak hawak kong pagkain. Ferrari na kulay gold ang sasakyan na muntik pumatay sakin, mas mahal pa ata to kaysa sa akin. Bago ko pa sipain ang sasakyan na hudyat ng aking pagkakaba at pagkagalit ay may lumabas galing sa sasakyan, gume-gewang gewang ang lakad nya. Napaka matipunong lalaking hindi katangkaran, mapupukaw na mga mata, magandang hugis ng maliit na mukha. “Okay ka lang ba?” hirap siyang banggitin ito. “Seryoso ka ba sa tanong mo? Muntik mo nakong patayin tapos ok lang ba ako?” Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinabi ko, bakas sa mukha niya na isa siyang dayuhan. “I’m really sorry, dadalhin nalang kita sa Ospital.” Bigla siyang nagpumilit. Kahit gaano oa kaganda ng tinig at mukha niya’y kinabahan parin ako. “Wag na ho, ayan lang po yung bahay ko binangga mo pa ako.” Bakit ko tinuro yung bahay ko? Sabay baba ng aking kamay. Tumakbo na ako pabalik ng bahay at umarteng parang walang nangyari. Dumeretso nalang ako sa aking kwarto at natulog.

Kinabukasa’y pumunta ako kung saan nagtratrabaho ang ibang kaibigan ko, sa Starbucks. Umorder ako kay Che ng isang kape. “ Gale, balita ko ay may kumakalat na kabataan dito sa lugar na nagdo droga. Yung supplier daw ay dayuhan, aksyonan mo iyan” reklamo sa akin ni Che. Naging lulong kasi sa droga noon ang kapatid niya na si Harold kaya siya nababahala sa ganito. Habang hinihintay ko ang aking inumin, naisip ko yoong lalaking muntik makasagasa sa akin. Tila’y narinig ko ang tinig ng lalaki sa isip ko. Sa aking pag lingo’y muling nasilayan ko ang napaka matipunong lalaking hindi katangkaran,na may mapupukaw na mga mata, at may magandang hugis ng maliit na mukha. Sa aking pagkagulat ay natitigan ko siya ng matagal. “Ikaw yung babae kagabi tama ba ako?” ang sabi niya na tila hirap na hirap mag tagalog “Javaad nga pala what’s your name?” ang sabi niya. “Gale” inabot ko agad ang aking kamay upang senyales ng pakikipagkilala. Nagpasensiya ako s apinagsasabi ko kagabi at nagpaumanhin narin siya sa nangyari, bilang ganti sa aksidente kahapo’y nilibre nya ako’t kinausap lamang sandal. Nang ako’y papaalis na, nagpumilit siyang ihatid ako sa aking bahay. “Ako nalang maghahatid sayo” ang pilit niya.

Ayoko rin naming tumanggi. Sa aming paglabas ay bumugad sa akin ang napakaganda nyang Ferrari. Dumating na kami sa aking bahay at ako’y nagtaka. “Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” Tumawa siya bigla at “Have you forgotten? Tinuro mo pa nga yung bahay mo nung sinigawan mo ako kagabi.” Bigla akong nahiya at nanahimik. Nagpasalamat nalang ako at ako’y bumaba na ng kanyang sasakyan. “Hanggang sa uulitin” ang habol niya. Ngumiti siya at nag abot sa akin ng papel kung saa’y nakasulat ang number niya. Bago pa ako magsalita ay humarurot na siya. Gusto ko siyang ipabarangay dahil sa mga ginagawa niya at nagawa niya, pero bakit hindi ko magawa?

Masyado akong natambakan ng proyekto sa amin nitong mga nakalipas a araw lalo na’t inaayos na naming ang baha sa kalsada, kailangan ko ng pahinga. Hindi ako nagdalawang isip na tawagan si Javaad upang maghapunan. Pinuntahan niya ako sa bahay aat dinala ako sa mall. Noong araw na iyon ay mas nagkakilanlan kami. Siya ay nagbabakasyon lamang dito ng 3 buwan at pang unang buwan na niya. Siya ay sang Pakistani na kasalukuyang naninirahan sa UK. “Ang tito ko’y nakatira din sa UK, balak niya akong isama sa kanya ngunit ako’y may inaasikaso pa dito sa Pilipinas” aking ibinahagi sa kanya. “ well I hope sumama ka sa tito mo para magkasama naman tayo ulit” nakangiti niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ngunit di k makailang ako’y natuwa sa aking narinig. Napadalas an gaming pagkikita. Pagkatapos ko sa barangay ay lagi na kaming nagkikita, tila siya ang pampagaan ng araw ko pagkatapos ngg mabibigat na trabaho. Pangalawang buwan niya na rito kaya’t sinulit ko na ang natitirang mga araw. Habang tumatagal ay nag iiba siya. Parang lagi siyang pagod, at nangingitim ang mapupukaw niyang mata. Bakit kaya? Nang papalapit na ang pangatlong buwan ay hindi na siya nagpaparamdam. Tuwing umaga’y iniisip ko kung pag gising ko ba’y andiyan siya sa labas n gaming bahay upang yayain akong lumabas muli ngunit wala, wala na ni isang bakas. Pinuntahan ko si Che sa Starbucks upang may ibalita sa kaniya. “Che, nahanap na daw ng kapitan yung lokasyon ng mga nagdodroga at gaganapin ang moodus mamayang gabi. Sasama ako sa kanila para Makita k kung kasama nanaman si Harold. Huwag ka mag alala” ang aking bungad sa kanya.

Kina gabiha’y sinimulan na ang pag hahanap naming sa mga nagdo droga sa lugar. Hati ang grupo upang hanapin ang drug dealer at drug supplier. Kasapi akoo sa mga humanap sa drug dealer. Nagtangkaan itong tumakas ngunit nahuli rin sila kasama rin si Harold. Dinala namin silang lahat sa estatyon ng pulis upang paaminin kung sino ang suplayer nila. Sa di inaasahang pangyayari’y may hawak hawak na lalaki ang aming mga pulis “Ito na ho yung suplayer, nahuli na naming siya”. Ako’y natulala, ni hindi ko manlang magalaw ang aking katawan. Gusto kong umiyak at sumigaw, ako’y nanlumo dahil si Javaad ang kanilang suplayer. Kaya pala siya nandito sa Pilipinas dahil sa droga. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya. “Bakit? Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin?” Hindi ko na napigiilang lumuha. “Ayaw kitang madamay, this is my fault. Kaya ako na ang lumayo. I’m really sorry.” Hindi ko inaasahang iiyak siya sa aking harapan. “Pagbabayaran ko ito, pero handa akong magbago, gagawin ko para sayo”. Niyakap niya na lamang ako. “Maghihintay ako, naniniwala akong kaya mong magbago” niyakap ko siya ng mahigpit.

Apat taon na at nakalaya na siya mula sa bilibid. Marahil nadagdagan na ang aming edad, gayun din ang tiwalang kami’y magiging maligaya. Tinanggap ko na ang alok ng aking tito at doon sa UK ay nanirahan kami ni Javaad. Sa kasalukuyan ay pinaplano na naming ang aming kasal. Masaya akong nanatili ako sa tabi niya upang maging gabay niya, dahil sa kaniya’y nani- niwala ako na ako’y nahubog na isang responsableng tao, ngayon ay masaya kaming dalawa sa pagbabagong nangyari sa aming buhay.____

Mga Kamay ang Gitna'y RehasBasahin ang storyang ito ng LIBRE!