“Please welcome, the new member of my family, my only daughter, my princess, Elizabeth Terreiz Gonzaga!”

 

Nagsimula na akong makarinig ng bulung-bulungan. Nakikita ko din sila. Si Tita Helena, diretso lang ang tingin at hindi pinapansin ang bumubulong sa kanya. Okay, as expected, eto na nga iyon. Tumayo ako dahil nakita kong inaaya ako ni Papa sa pwesto niiya.

“Yes, she’s my daughter. Come here Knight.” Nakita ko na din ang paglapit niya. Lahat ng mga kaklase kong babae ay nakatitig sa kanya. Natural, sa ganyan kagwapo ba naman. Siguradong sa pasukan tatanungin nila ako. Tumabi siya sa akin. “Ang aking mga tagapagmana. Next week, Knight will be flying to Singapore, I am expanding my business there. He volunteered to manage it. I am very sure he can do it. He can make that successful. Right, Knight?” Ngumiti si Knight sa kanya at tumango.  “You may all now proceed to the buffet table. Enjoy eating!”

 

Naupo na ako. Eto na yun. “Let’s eat Aby.” Anyaya niya sa akin pero tumango lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at isinama papunta sa table namin.

“Knight, ikaw nalang.”

 

“Bakit? Natatakot ka sa kanila?” Alam ko kasing sa table kasama ang ibang kamag-anak namin at ni Tita Helena ang nandun.

“Hindi nila ako matatanggap.”

 

“And so what? As long as tanggap ka ni Papa, you shouldn’t worry.”

 

“Alam ko naman yun, kaya lang.”

 

“Aby, hindi ka ganyan. Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba diba?”

 

“Pero—“

 

“No buts. I’m here, Aby. Okay?” Tinignan niya ako at ngumiti. Tumango ako at sumunod na sa kanya.

“Hi there Titos and Titas. Meet my very gorgeous sister, Aby.” Ang iba sa kanila ay halata ang pilit na ngiti.

“Hello, Aby. Aba ang ganda nga ng bago kong pamangkin ha.” Sabi ng isa kong Tito. Totoo ang ngiti niya. Mahahalata mo naman sa tao kapag nagpapakitang tao lang iyon o hindi. Yung sa kanya, totoo.

“Thank You po.” Naghila si Knight ng upuan. Sa gitna nila ako ni Papa. Si Tita Helena nakatingin lang sa pagkain niya.

“Saan ka nag-aaral?”

 

“Sa UE Caloocan po.”

 

“Anong course mo?”

 

“BSIT po.”

 

Dangerously in love with You (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!